Nakahalukipkip lang si Ami habang pinagmamasdan niya si Hunter na panay naman ang kain ng frenchfries.
“Talk.” Sabi niya nang mapansin niya ang pasimpleng pagsulyap nito sa kaniya.
Matapos siya nitong itakas sa grupo ni Georgina ay doon sila humantong sa Jollibee dahil bigla daw itong inabot nang gutom sa pagrescue sa kaniya. Gusto niyang mapaismid sa rason nito.
Na para namang kailangan ko ng magtatanggol sa akin.
“Uhm.. well, you know-”
“Wala akong alam.” Nakaismid na sabi niya.
Tumawa lang ito at muling pinapak ang frenchfries na kinakain nito. Hindi niya maiwasan ang maaaliw habang nakikita niya ang bawat pagkilos ni Hunter.
Sinong mag aakala na ang isang sikat na modelo sa bansa at pinagkakaguluhan pa ng mga babae ay frenchfries lang pala ang katapat?
Napansin niya ang pagbuga nito ng malalim na hininga at tila nagpapaawang lumingon sa kaniya. Nawala sa tamang posisyon ang puso niya nang makita ang malamlam na mga mata nito.
Bakit ganoon? Bakit bigla ay nanlambot ang puso niya ng makita ang kakaibang lungkot sa mga mata nito.
“I’m tired.. nakakapagod silang makita araw-araw-”
“At para maitaboy mo sila ay kailangan mo ako ganoon?” Nakataas ang kilay na sabi ni Ami.
Nang mapansin niya na nilalantakan na nito ang burger ay bigla siyang natakam. Nagsimula na rin siyang kumain habang patuloy siya sa
pagsasalita.“Hindi kaya iyon kasama sa serbisyo ko. Projects mo lang sa school ang alam kong trabaho ko sa'yo.” Nakalabing turan niya.
“But onion-”
“Ami!” Naitirik niya ang mata ng tawagin siya nitong ‘onion’.
“Onion.” Matigas na sabi nito.
“Fine!” Hais! Kailan ba siya mananalo sa pakikipagtalo dito?
“Alam ko na hindi ka papalya kaya ikaw ang napili ko.”
“Bakit ako? Ang daming iba diyan.”
Napakamot ito sa batok at animo ay nahihiyang teenager na nagpaliwanag.
“Kasi nga hindi mo ako crush.” Anito.
Natigilan siya sa narinig at parang pangangapusan ng hininga na nag iwas ng tingin dito.
Ano ba? Bakit ba ako natataranta ng ganito?
Bakit ba pakiramdam niya ay tutol ang buong sistema niya sa sinabi nito?
“Papaano mo nasabi?” Tila hindi gumagana ang isip na naitanong niya.
“Hindi ka naman kasi tumitili kapag nakikita mo ako. Eh, sila makita pa lang kahit dulo ng buhok ko, halos mamatay na sa kilig.”
“Wow, ha!” Naiinis na binato niya ito ng isang pirasong frenchfries. Wala talaga itong kasing yabang.
“Hindi ako nagbibiro.” Giit nito.
“Kungsabagay.”
“At isa pa may tiwala ako sa'yo. Matagal na tayong magkakilala.”
“Hindi kita kilala.” Tanggi niya.
“Yeah, right.” Anito bago niya napansin ang bahagyang paglapat ng isang daliri nito sa gilid ng mga labi niya. “Ang kalat mong kumain, onion.” Anito.
Hindi siya nakaimik dahil parang daig pa niya ang kinuryente ng maraming beses dahil lang sa simpleng gesture nito. Mas madalas ay itinataboy niya ito sa tuwing tinatangka nitong lumapit sa kaniya.
Pero ngayon...... ng dahil sa mga narinig mula dito ay parang nawalan na siya ng lakas na tumutol pa.
Jusme!
“Isipin mo na lang na trabaho ito.”
“Hindi kaya manganib ang buhay ko? Wala akong balak na magpahulog sa hagdan.” Tinangka niyang magbiro pero iba marahil ang naging dating dito.
Bigla ay bumadha ang hindi maipaliwanag na lungkot sa gwapong mukha nito. Bagsak ang mga balikat na tumingin ito sa salamin na bintana.
Aw! Bakit bigla ay nawala ang angas nito at nagmukha itong inaping bata sa harapan niya ngayon? Gusto tuloy niyang sisihin ang sarili sa sinabi nito. Halos hindi na gumagana ang isip niya ng basta na lang niya hawakan ang kanang kamay ni Hunter at pisilin iyon.
“I’m sorry.. nagbibiro lang naman ako-”
“Gotcha!” Anito at biglang tumawa.
Noong una ay natigilan siya pero nang mapansin ang masayang mukha nito ay naiinis na binato niya ito ng nilamukos na tissue.
“Bwisit ka talaga!” Asik niya.
Naiinis man ay hindi niya mapigilan na pagmasdan ang lalaki. Sa totoo lang ay mukha itong mestisong Bombay at parang ang sarap tuloy nitong utangan ng 5’6. Matangos ang ilong nito kaya sa tuwing naasar siya dito ay gustong gusto niya iyong pisilin hanggang sa mamula at mamaga. At dahil may dugong arabo ito ay nakuha nito ang malalaking mata ng mga kalahi nito.
Binagayan iyon ng malalantik na pilikmata at makapal na kilay. Medyo makapal ang mapulang mga labi nito at ang higit na nakakaaliw dito ay ang makapal na buhok nito. Hindi niya maintindihan kung anong style iyon dahil basta na lang yata iyon sinuklay nito.
“Alam mo kapag may nahulog na butiki diyan siguradong tigok.” Naiiling na sabi niya.
Bahagya siyang dumukwang at marahang inayos ang magulong buhok nito. Nang marinig niya ang malakas na pagtikhim mula rito ay natigilan siya.
Shit!
Nawawala ang pagiging ice princess niya ng dahil sa pasaway na lalaking ito. Tumawa lang ito at tumingin sa kaniya. Tumaas baba ang makapal ng kilay nito na parang may hinihintay na sagot mula sa kaniya.
“So..” Pakantang sabi nito.
“Anong ‘so’?”
“Ten k a month, hindi pa kasama ang mga damit, alahas, tour at saka kiss kapag pumayag ka sa alok ko.” Nangingiting turan nito.
Natigilan siya nang marinig ang sinabi nitong halaga.
“Ten k?” Napalunok siya ng ilang ulit.
Kahit magkandakuba siya ay hindi niya kikitain ang pera ng ganoon kadali.
“Uh-oh.”
Hindi naman sa mukha siyang pera. Madiskarte siya sa buhay at lahat ng maayos na paraan ay ginagawa niya kumita lang ng salapi. At ang trabahong inilalatag nito sa harap niya ay mas malinaw pa sa tubig na kikita siya agad.
“Teka sandali.” Wika niya.
“Yes?”
Tabingi ang mga labing nagwika siya.
“Pwedeng hindi kasama iyong kiss?”
“Oh..” Ang tanging naisagot nito.

BINABASA MO ANG
HALF A HEART WITHOUT YOU (PUBLISHED UNDER PHR PUBLISHING)
RomansaNaging raket na ni Ami ang gumawa ng projects at thesis ng mga tamad na estudyante sa kanilang university. At isa sa mga suki niya ay ang napakaguwapo at kilalang commercial model na si Hunter Alexzaynder Majid. Isang araw ay nangailangan si Hunter...