8

3.2K 87 3
                                    

Mula sa pagkakaupo sa couch ay napaangat ng tingin si Ami nang marinig niya ang isang maliit na tinig ng batang lalaki na nakatayo sa harapan niya. Hindi niya halos namalayan ang presensiya nito dahil naagaw ng isang papel na may drawing ni Goku ng Dragon Ball ang buong atensiyon niya.

“Hi!” Narinig niyang ulit ng batang lalaki.

Nilingon niya ito at ganoon na lang ang pagkamangha niya nang makita ang malaking pagkakahawig nito kay Hunter. Parang bigla ay nakita niya sa pilyong  ngiti nito ang  makulit na version ni Hunter noong maliit pa ito.

“Hi din.” Magiliw na bati niya.

“Ikaw ba ang gumawa nito? Ang galing mo naman.” Puri niya sa drawing nito.

Tiningnan nito ang papel na hawak niya. Nakakatuwang pagmasdan ang mahabang mga pilikmata nito. Pwede na iyong lagyan ng posporo sa ibabaw dahil sa sobrang haba.

“Nope. Si kuya Hunter po ang may gawa niyan. Kaibigan ka ba niya?” Anito.

Napatango tango siya. Matalinong bata. Samantalang ang mga impaktang nakausap niya kanina ay napagkamalan siyang mag a-apply na maid. Kung hindi pa niya ipinagdiinan na hinahanap niya si Hunter dahil schoolmate niya ito at kailangan niya itong makausap ay hindi pa siya papapasukin sa loob.

“T-talaga? Si Hunter ang gumawa nito? Magkapatid ba kayo?” Tanong niya.

Nang sabihin ng batang lalaki na si Hunter ang gumuhit ng larawan na nasa papel ay parang bigla ay gusto niyang humanga sa lalaki. Hindi niya akalain na magaling pala itong gumuhit.

Napailing siya ng maramdaman ang tila pagkislot ng puso niya. Hindi niya alam kung bakit parang unti unting natitibag ang pader na nasa pagitan nila ng lalaki habang lumilipas ang bawat araw at mas nakikilala niya ito.

“Oo. Kaklase ka ba niya?”

Mabilis na umiling lang siya at lumingon sa paligid. Napabuntong hininga siya. Napilitan siyang puntahan ang lalaki sa bahay nito dahil pinakiusapan siya ng Professor nila na si Sir Mark na dalhin ang script ni Hunter para sa stageplay.

Wala naman sana siyang balak pumayag na gumanap bilang si Belle sa stageplay. Ang kaso ng tingnan siya kahapon ng professor  habang kinakausap nito si Hunter ay nawalan na siya ng lakas ng loob na tumanggi.

Nakita niya sa mga mata ng Professor nila ang pagsusumamo habang nakatingin ito sa kaniya. Hindi niya magawang tumanggi dahil malaki ang utang na loob niya dito. Minsan na nangailangan siya ng pera para sa tour nila noong second year college siya ay kusang loob na nagpahiram ito sa kaniya ng pera para sa allowance niya.

Mabuti na lang at alam ni Gia ang bahay ng lalaki kaya hindi na siya nahirapan pa na puntahan ito. Laking gulat niya ng matuklasan niya na hindi pala bahay ang pinuntahan niya kundi isang napakalaking building na halos ikalula niya. Nasa itaas ang penthouse na nagsisilbing tirahan, ganoon siguro kaworkaholic ang daddy ni Hunter dahil sa loob na ito ng kompanya tumira kasama ang pamilya. 

“Nasaan ang kuya mo?”

“Natutulog pa siya.”

Napataas ang isang kilay na tiningnan niya ang papel na may mukha ni Goku.

“Ang tagal matulog ng kapatid mo noh? Napuyat ba siya sa pagrereview?”

“Nope. May sakit kasi si Kuya Hunter. May ahm.... ano nga ba iyong tawag doon.” Saglit na nag isip ang napakacute na bata bago muling nagsalita.

“May ano siya.. ahmmm.... nahihirapan siyang matulog sa gabi kaya madalas tanghali na ang gising niya.” Anito.

Insomnia?

“May  insomnia siya?”

“Inmo-s-shhh.. yeah.” Halos mabulol na saad nito. “Kaya kung ako sa'yo..”  Nanlaki ang mga mata niya ng basta na lang nito hinila ang isang kamay niya.

HALF A HEART WITHOUT YOU (PUBLISHED UNDER PHR PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon