Chapter 1: The Wedding

3.9K 50 0
                                    

Kate's POV

"Mom please.. I hate him. Please mom do something mom. Please I'm begging you Mommy." Halos lumuhod na ako sa mommy ko para lang hindi matuloy ang kasal na ito. Kumalat na ang mga make up ko kakaiyak. Nadudumihan na din ang suot kong wedding gown na sumasayad sa lupa.

"Stand up Kate. Ikakasal ka lang. Hindi ka naman papatayin."

"Mom, mas okay nang mamatay ako ma! Ayokong ikasal sa kaniya. Hindi ko kakayanin."

Itinayo ako ng mommy ko at pinaupo ako sinusubukan niya kong pakalmahin.

"Kate. Kailangan niyong magpakasal para may kilalaning ama 'yang dinadala mo." Kalmadong sabi niya sa akin.

"Hindi ma'. Kaya kong palakihin 'tong batang 'to nang walang ama. Kaya ko 'ma."

"Listen, lasing kayong pareho no'n. Kahit siya ayaw niyang magpakasal sa'yo Kate. Pero may nabuo sa ginawa niyo. You should accept it. You should marry him for your dad sake."

Yeah~ for my dad' sake. Business partner ni Dad ang ama ni Cedric ang lalaking pakakasalan ko. Malaki ang pagkakautang ni Dad dito kung kaya sinabi nito na ikasal nalang kami para makabayad si Dad. Halos wala na kasi siyang pag asa sa anak niyang si Cedric. Naisip niya na magkakainteres na ang anak niya sa business nila kung sakaling magkapamilya. Hanggang sa narinig niya ang balitang buntis ako sa anak niya.

Oo tama. Buntis ako, pero hindi ko ito ginusto. Lasing na lasing ako no'n, ibig sabihin hindi ko alam ang mga ginagawa ko. Pero siya, ang alam ko hindi pa siya lasing no'n. Kaya malakas ang kutob kong sinamantala niya ko habang lasing na lasing ako.

Pero narinig ko din na halos magsigawan na sila ng daddy niya para lang hindi matuloy ang kasal namin. Ayaw niya sakin kung kaya't bakit niya 'ko pagsasamantalahan?

"Ms. Kate, aalis na po tay---- ano pong nangyari sa make up niyo? Tara po dito aayusin ko po." Hinawakan ako ng make up artist ko at pinaupo muli't inayos ang make up ko.

"Pupunta na 'ko sa Gold Palace." Rinig kong sabi ni Mommy saka umalis. Pupunta na siya kung sa'n ako ikakasal. Sobrang mamahalin ng venue na inarkila ng dad ni Cedric para lang dito sa kasal na walang kwenta. Tsk.

"Oh ayan Ma'am Kate. Sobrang ganda niyo parin po talaga. Ang swerte swerte po ng magiging asawa niyo sa inyo ang ganda na ang sexy pa. Pero swerte din naman po kayo kay Sir. Cedric Hill, ang gwapo niya po at sobran-----"

"Tumigil kana." Pagpapahinto ko sa kaniya. Hindi siya ang swerte ko at gano'n din siya sa akin. Para sa aming dalawa sumpa 'tong mangyayari sa buhay namin mamaya.


---

"Grabe talaga sa Pilipinas Ma'am Sobrang traffic. Malelate na po kayo sa wedding niyo." Sambit ng driver nitong wedding car na sinasakyan ko.

"Ayos lang manong. Mas okay nga 'yon eh. Kahit pa umabot hanggang bukas 'tong traffic, ayos lang. Sana nga di na tayo umandar eh." Napatingin siya sa akin at nagtaka sa sinabi ko at muling itinuon ang sarili sa kalsada.


Napapikit na lamang ako at hinihiling na pagmulat ng mga mata ko, hindi totoong ikakasal ako sa lalaking sumira ng buhay ko.


----

"Ma'am Kate. Gising na po."

"Ms. Kate, nandito na po tayo!" Gising sa akin ng driver. Ayokong imulat ang mata 'ko kahit pa nadidinig ko ang tawag niya.

We're just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon