Chapter 4: 2 months preggy

2K 36 3
                                    

Nagising ako nasa kama na ako. Ang naaalala ko sa supa ako natulog ah. Bumaba na ako kahit ala singko pa lang ng umaga. Nakita ko si Cedric na natutulog sa supa. Hinayaan ko nalang siya at pumunta ako sa kusina. Nagugutom kasi ako. Pag bukas ko ng ref. Sobrang daming pagkain. Halos punong-puno, karamihan prutas. Tinignan ko din yung stock cabinet at puno din ng mga stocks.

Teka? Namili ba siya kahapon no'ng wala ako? Ayos din pala.

Nagsaing na ako at sinangag ko iyon, pag tapos ay nagprito ako ng bacon at egg. Nagluto na din ako ng Ramen para may sabaw at nagtimpla ng gatas. Ayan na. Pwede na kong kumain.

Nakahanda na ang mga niluto ko at umupo na ako. Pero naisip ko kung dapat bang gisingin ko siya para kumain? Pag naman di ko 'yon ginawa parang pangbabastos naman 'yon hindi ko man lang siya niyaya. Sa mantalang pera niya naman lahat 'to. Hayss ano ba 'yan. Ang hirap palang kumain dito.

Tumayo ako at pumunta kay Cedric. "Oy! Gising na." Hindi siya na gising sa tawag ko.

Ano ba 'to! Pa'no ko ba 'to gigisingin? Lumuhod ako dahil balak ko nalang siyang bulungan. Nakita ko na naman yung muka niya at naalala ko na naman yung kagabi na magkalapit yung muka naming dalawa. Gwapo sana 'to kaso halimaw yung ugali. Tsk.

"Cedric." Tawag ko sa pangalan niya biglang bumukas ang mga mata niya at saktong nakatingin sa akin. Halos 15 seconds kaming nagkatitigan. Nagulat ako at alam kong nagulat din siya. Bakit ba kasi ako nandito malapit sa kaniya? Hayss baka kung ano nang isipin ng lalaking 'to!

"AhH--gigisingin la-ng sana kita k-kasi kakain na." Utal utal kong sambit mabilis akong tumayo at inayos ang sarili at pumunta sa kusina.

Ano ba 'tong nangyayari sa'kin? Bakit ba kinakabahan ako?

Ramdam kong tumayo na siya sa supa at pumunta muna ng lababo. Pag tapos ay dumaretso siya sakin at umupo sa tapat kong upuan. Ang awkward naman nito. Bakit ba kinakabahan ako? Feeling ko kasi pag magkakatapat kami magsisigawan lang kami lagi, pero ngayon tahimik lang kaming dalawa.

"Anong nakain mo?" Sabi niya saka kumain ng mga hinain ko. Ay wow! Hindi nalang magthank you kasi ginising ko pa siya para kumain. Nang asar pa!

"Bacon. Hindi ba halata?" Pag aasar ko din  habang kumakain ng bacon. Kala niya ha!

"2 months na 'yang t'yan mo! Nagpacheck up kana ba?" Wow ha! 2 months palang naman eh excited lang? Saka alam na alam niya ha! Ako nga hindi ko alam yung exact date kung kelan magtwotwo months to. Siguro sinadya niya talagang may mangyari samin no'ng lasing ako! Kaasar siya!

Hindi ko sinagot yung tanong niya, pansin niya naman 'yon kaya kumain nalang ulit siya. Nung umiinom siya nang tubig ay bigla kong natanong. "Nirape mo ba 'ko nung lasing ako?"

Natapon yung basong iniinom niya at nasamid pa siya kaya ngayon ubo siya ng ubo. "Fvck! *cough*"

Ano ba naman 'to! Ang clumsy!

Nang maayos na siya bigla niya kong tinignan ng masama. "Ano bang tanong 'yon ha?" asar niyang sabi sa akin.

Luh? Anong masama do'n nagtatanong lang naman ako.

"Wala kasi kong maalala no'n dahil sa kalasingan. Ano bang nangyari no'n?" Tanong ko. Tumahimik siya at tinapos ang pag kain niya. Nang tumayo siya saka lang siya nag salita.

"Subukan mong alalahanin."

Ay wow! Just wow!

---

Nagtext sa akin si Sam na magkita daw ulit kami. Kaya naman naligo na ako. Wala naman kasi akong magawa dito sobrang boring eh hindi naman kami nag uusap ni Cedric puro lang kami sigawan at asaran dito!

We're just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon