Chapter 9: Dress

1.8K 29 0
                                    


Nagising muli ako sa sinag ng araw na sumisilaw sa akin. Grabe anong oras na ba? Nang tignan ko ang orasan 9:30am na pala. Tumayo na ako at agad na naghilamos, pagbaba 'ko, may nakahain nang almusal sa mesa at si Cedric ay nanonood lang.

Halatang hanggang ngayon badtrip parin sa akin si Cedric. Ni hindi niya kasi ako tinignan pag baba ko. Pa'no ko naman sasabihin sa kaniya yung tungkol sa tagaytay? Pero kahit naman siguro sabihin ko hindi naman papayag 'yon, lalo na kasama ko.

Kaya pag tapos kong kumain ay umakyat na ako para tawagan yung dad ni Cedric.

---

Dinial ko na yung number ni Mr. Hill at dalawang ring lang at sinagot niya agad.

[Kate! My daughter-in-law, how are you? Is my son agreed?]

"Ah 'yon nga po Mr. Hill. Ayaw daw po ni Cedric pumunta do'n next time nalang daw po. Sayang nga po." Sagot ko sa kaniya.

Baka kasi pag sinabi kong hindi ko nakausap si Cedric dahil galit sakin si anak niya baka kung ano pang isipin niya.

[Gano'n ba, hindi narin ako nagtataka. Pag about business ang usapan ayaw niyang dinadamay pa siya.]

Bakit naman gano'n si Cedric eh sa bandang huli siya parin naman ang magmamana ng company ng Dad niya.

[But if you want Kate, pwede kang pumunta sa Tagaytay.] Biglang nagliwanag ang muka ko sa narinig ko. Nakoo! Gustong gusto ko talaga!

"Talaga po Mr. Hill? Salamat po." Sagot ko. Syempre hindi ko ipapahalatang sobrang gusto kong makapunta do'n sa resort nila.

[Yeah, i'll inform the manager para maasisst ka niya bukas do'n. Itetext ko nalang ang address Kate.]

"Nako, salamat po Mr.Hill. Pupunta po ako do'n bukas." Grabe sa bait naman pala nitong si Mr. Hill, pero bakit naman hindi man lang napamahagian ng konting kabaitan si Cedric?

[But I will not let you alone Kate. Ipapasama ko ang secretary ko.]

"Nako 'wag na po Mr. Hill.. No need na po. I have a lot of friends naman po."

[Kung gano'n ikaw ang bahala Kate, mag sama ka nalang ng kaibigan. Mag iingat nalang kayo sa byahe, by the way Kate. Daddy na itawag mo sa akin since kasal naman na kayo ng anak ko.]

Ha? Hayss para sakin kasi hindi totoo yung kasal na 'yon..

"Ah sige po, susubukan ko po."

Nagpaalam na rin siya kaya pinatay ko na yung call.

Tagaytayyy!! YEAH

Sino kayang isasama ko? Sam o Rachelle?

---

Naisip ko nang pumunta agad sa bahay ni Rachelle. Siya naman yung isasama ko eh. Do'n nalang ako sa kanila matutulog para kinabukasan go to Tagaytay na kamiii..

Syempre nag-impake na ako, i guess makaka 3 days or 4 days kami ni Rachelle no'n kaya dadamihan ko na yung damit na dadalhin ko.

Clothes for 4days. √
Hygene kit. √
Make-up kit. √
Cards and wallet. √

Nakabihis na rin ako at handa nang bumaba. Ang kaso! Nasa baba lang si Cedric anong sasabihin ko no'n?

*Imagine*

Pagbaba ko bigla siyang magtatanong. "At sa'n ka pupunta ha!?"

"Ah eh..magdidilig lang ng halaman."

We're just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon