Chapter 5: sleep together

1.9K 31 1
                                    



9:00pm na wala pa siya? sabi niya aagahan niya yung uwi! Wala palang isang salita 'yon eh! Kaasar! Hindi naman sa gusto ko siyang kasama. Hindi lang kasi ko sanay mag isa sa bahay at sobrang gabi. Oo nakakatulog ako mag isa sa kwarto pero gusto ko talaga yung may kasama ako sa bahay. Bata palang kasi ako matatakutin na ako, never akong nanonood ng horror movies kasi napapanaginipan ko sila.

Mas lalo akong natakot no'ng may narinig akong alulong ng aso sa labas. Kinikilabutan ako. Binuksan ko lahat ng ilaw para lumiwanag kasuluksulukan.

Bakit ba kasi wala akong number ni Cedric? Natatakot na 'ko dito.

Teka. Eh kung si Sam nalang kaya papuntahin ko? Kaso nakakahiya sobrang gabi na.

Tinext ko si mommy at tinanong kung may number siya ni Cedric. Kaagad niyang binigay yon.

Hayss eto na yung number. Tatawagan ko ba?

Muling umalulong ang aso sa labas kaya dali dali kong dinial ang number ni Cedric.

Nagriring lang ito pero di niya sinasagot.

Mas kinabahan ako nang may narinig akong kaluskos na nanggaling sa kusina. Mabilis akong umakyat sa kwarto at nagtalukbong ng kumot. Natatakot na talaga ko! Bakit ba hindi niya sinasagot?

Muling umalulong ang aso mula sa labas at biglang bumuhos ang sobrang lakas na ulan na mas nagpakilabot sa akin.

Dinial ko muli ang phone ni Cedric. Tumataas ang balahibo ko sa takot na sinasabayan pa ng kulog at kidlat. Hanggang sa namatay lahat ng ilaw kahit sa labas ng bahay.

Napalunok na lamang ako sa kaba. Bakit ngayon pa nagbrown out?

Naramdaman kong umiiyak na pala ako.

[Hello sino 'to?] Sagot mula sa kabilang linya.

"Si C-cedric ba 'to?" Mahina kong tanong sa kabila ng paghikbi.

[Kate ikaw ba 'to?] Tanong niya.

"A-ko nga." Paghikbi ko.

[Umiiyak ka?]

"Nasa'n kana ba kaseeee? *hik* sa-sabi mo aagahan mo yung uwi mo!" Para kong batang umiiyak at sinisisi siya.

[Ghadd! I'm sorry. Nakalimutan ko! Sh*t! Papunta na ko! Ayos ka lang ba?]

"B-bilisan mo pleaseee." Pinatay ko na yung call pag sabi ko no'n.

Yung mga luha ko kusang tumutulo. Grabe talaga! Bakit sobrang matatakutin ko ba kasee? Pero sobra naman kasi talaga 'to. May mga asong umaalulong na parang nakakakita ng multo tapos may kumaluskos pa sa kusina. Bigla pang nagbrown out at kumidlat! Feeling ko nasa isang horror movie ako huhu.


Maya-maya lang ay may humintong kotse sa tapat ng bahay. Baka si Cedric na 'yon. Bumaba ako at ginamit kong ilaw ay ang phone ko.

Sobrang dilim. Nakakatakot!

May kumatok na sa pinto kaya naman pumunta na ko do'n para buksan pero hindi ko pa nabubuksan nanlaki na ang mata ko sa naisip ko.

Teka. Sino yung kumakatok? Kasi hindi naman kailangan kumatok ni Cedric dahil may susi siyang dala.

Napalunok ako at umatras dahil pilit binubuksan yung pinto.

Sunod sunod ang agos ng mga luha ko. Sobra na 'to! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasa'n kana ba Cedric?

We're just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon