Chapter 6: His Ex and her suitor

2K 33 0
                                    



Pag gising ko wala na si Cedric sa tabi ko. Buti naman. Naligo muna ako at nag ayos ng kwarto bago bumaba.

Pero bababa palang ako ay may naririnig na akong boses ng babae. Sino naman kaya 'yon?

"Cedric, wanna go shopping?"

"Ayoko."

"Hmm my young brother will arrive in Manila soon, wanna meet him?"

"No."

Napansin ng babae na pababa ako kaya napatingin siya sa akin. Ngumiti siya at nag usog ng isang upuan. "You must be Kate. Tara magbreakfast kana dito." Sino ba 'to feeling close na'to!


Hindi muna ako pumunta sa kanila, pumunta muna ako sa sala.

"Kate kumain kana dito!" Boses 'yon ni Cedric.

"Later," sagot ko. Hayss mas gusto ko nalang kumain sa labas no! Sino ba kasi 'yang babaeng yan? Mukang flirt! Tsk!

"H'wag ka ngang makulit! Sabi ko kumain ka dito." Madiing sambit niya

"Sabi ko mamaya na! Hindi ka ba makaintindi?"


"Tama na 'yan! Hayaan mo siya Cedric, alam niya naman ang ginagawa niya." Sabi nung babae. Sobrang asikaso niya si Cedric dahil binigyan pa niya ito ng kape. Edi siya na! Tsk!


Oh teka? Bakit naman kaya siya lumalapit sa akin?

"Hi Kate I'm Nesha. Cedric's girlfriend." Umupo siya sa tabi ko pero 'di ko siya pinansin.

Girlfriend? Wow! Kasal siya tapos lakas ng loob maggirlfriend? ---teka! Sa papel nga lang papel kami kasal, saka ano bang nangyayari sa akin! Wala naman akong pakelam sa kaniya tsk!

"Good to hear that." Ngiting sabi ko.

"Natutuwa ako at okay lang sa'yo. Sa bagay rinig ko naman na hindi niyo gusto ang isa't isa. At parehas lang kayong napilitang magpakasal."

ayos lang naman talaga sa'kin.

"Sana maging magkaibigan tayo." Sabi niya saka pumunta ulit sa kusina kung sa'n nandon si Cedric.

Bakit gano'n? Ang arte niyang magsalita. Halata naman na nakikipagplastikan lang siya sakin. Ngingiti ngiti pa kunwari Tsk! Pwes, sorry siya hindi ako marunong makipag plastikan!


Bigla na lang tumunog ang phone ko at si Sam ang tumatawag.

"Yes Sam?"

[Kate. Namimiss na kita. Pwede ba kong dumalaw d'yan sa inyo?]

"Wait lang magpapaalam ako Sam. Hindi ko kasi bahay 'to"

Ano naman kayang naisip nito ni Sam at gustong dumalaw? Pero sabagay, si Cedric nga may bisita eh at hindi lang basta bisita! Girlfriend niya pa.


Pinatay ko muna ang phone at pumunta sa kusina.

"Babe, tikman mo 'to niluto ko para sa'yo" iniabot ni Nesha yung isang maliit na box. Tinikman 'yon ni Cedric at mukang nagustuhan niya. Tumabi si Nesha kay Cedric at bahagyan niyakap ito. "Thank you babe at naapreciate mo ang luto ko."

Tsk! Ang landi.

"Ehheem! Sorry kung nakakaistorbo ko sa sweet moment niyo, may gusto lang akong sabihin." Tumayo si Cedric at naiwang nakaupo si Nesha at nakatingin sa akin ng masama. Wow ha! Ang lakas naman ng loob ng babaeng 'yon tumingin sa akin. Kung nabitin siya sa pagfiflirt niya kay Cedric dapat do'n sila sa kwarto!

We're just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon