Chapter 10: My Husband's Cousin

2K 39 0
                                    



"Mom please, h'wag kang papayag na makasal ako sa lalaking 'yon. Parang awa mo na Mommy!"

Nasa kotse ako at naka wedding dress, hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Cedric malungkot ang mga mata niya habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko. "Gano'n kaba talaga kasuklam sa'kin?"

"Hoy KATEEE!! Gumising ka nga!! Nandito na tayo sa Tagaytay!"

Bigla akong nagising sa tawag ni Rachelle sa'kin. Ibig-sabihin, panaginip lang pala 'yon? Kinabahan ako do'n.

Tinignan ko yung resort nila Cedric. Sobrang laki nito at front door palang umaagaw na agad ng atensyon mo.

"HILL HOTEL AND RESORT" basa ko sa signboard nila. Grabe kasi.. Sobrang ganda!

"Kate nakakaasar ka talaga! Bakit ba kasi ako pa yung pinagdrive mo? Sobrang sakit na ng kamay ko. Sabi ko naman kasi sa'yo magsama tayo ng driver eh. Kaasar ka talaga!!" Napangiti nalang ako sa reklamo ni Rachelle, siya kasi pinagdrive ko mula Manila hanggang dito. Ayoko kasing may iba pa kaming kasama eh.

"Babawi ako! Treat ko lahat. H'wag kang mag-alala."

Inirapan niya ko habang kinukuha yung mga maleta namin sa likod ng kotse. "Treat daw lahat eh. Libre naman talaga pag stay natin dito kahit pagkain no!!" Sarcastic na sabi niya.

Natawa na lamang ako sa kaniya. Bumaba nadin ako para tumulong pero nagulat nalang ako dahil may mga dumating na staff ng hotel at tinulungan kami. May lumapit sa aking isang oh-so-good looking na lalaki. I think siya na yung manager na sinasabi ng daddy ni Cedric na mag aassist sa amin.

"You must be Mrs. Kate Mendez Hill right?" Tanong niya. Grabe! Ang ganda niya pa mag salita tapos ang tangkad niya. Grabe manager lang ba talaga siya?

Siniko ako ni Rachelle kaya napatingin ako sa kaniya. "Ano ba tinatanong ka niya. Sumagot ka nga! Ba't natameme ka d'yan?"

Hala oo nga!!

"Ah e oo, ako nga. Ito naman ang friend ko si Rachelle." Napalunok ako sa kaba. Teka bakit ba ko kinakabahan? Bigla siyang napangiti at tumingin muli sa akin. "Well, good afternoon. I'm Jake Cruz Hill. I'm actually your husband's cousin. The president of this resort and I'll be your tour guide."

Napanganga kaming dalawa ni Rachelle sa narinig namin. Pinsan siya ni Cedric?

"Kate, kaya naman pala sobrang gwapo at yummy niya dahil nagmula din siya sa angkan ng mga Hill." Bulong ni Rachelle habang kinikilig.

"Hoy! Umayos ka nga d'yan! Baka tumulo pa laway mo nakakahiya." Bulong ko kay Rachelle. Kung makatingin naman kasi kay Jake parang lalamunin niya ng buhay.

Sinenyasan ni Jake yung mga staff at dali-dali nilang pinasok lahat ng bagahe namin.

Teka lang? Diba sabi ng Dad ni Cedric Manager yung mag aassist pero bakit naging President na? At pinsan pa talaga ni Cedric. "Ah Jake, ang akala ko kasi Manager yung mag aassist sa amin. Sabi kasi ni Mr. Hill manager daw." Tanong ko.

"Yung Manager kasi sobrang daming ginagawa at may urgent meeting pa siya sa isa pang resort. So, i decided na ako nalang ang mag assist sa inyo. Why? Don't you like me to assist you?"

"Ha? Nako hindi naman sa gano'n." Sagot ko.

"So, Mrs. Hill would you like to have some tour?"

"Sure." Sagot ko.

"Well, ako magpapahinga muna ako! Baka nakakalimutan mo Kate, ginawa mo lang naman akong driver mo Manila to Tagaytay."

We're just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon