Chapter 7: Confession

1.9K 32 0
                                    

Kumuha na si Nesha ng alak sa wine cabinet. Maya-maya lang nagsimula na sila.

Minsan nakikita kong nakatitig si Cedric kay Sam at gano'n din si Sam sa kaniya. Ano bang problema ng dalawang 'to?

Pumunta nalang muna ako ng kusina, para kumain. Bahala silang malasing do'n, pero sana ayos lang si Sam do'n.

Nagtoast ako ng bread at pinalamanan, nagtimpla na din ako ng gatas.

Matagal tagal akong natapos at naghugas ako ng mga pinagkainan namin. Marunong naman ako ng konti sa mga gawaing bahay dahil kahit may katulong kami sa bahay minsan tumutulong ako kay Manang, matanda na kasi 'yon at nakakaawa kung hahayaan natin mapagod 'diba?

Tapos na akong maghusgas nang mapansin kong may tao sa likod ko kaya mabilis akong lumingon. "Oh Cedric? Tapos na kayo?"

Hindi niya ako sinagot, tinignan niya lang yung mga hinugasan ko. "Sinong may sabing gawin mo 'yan?" Seryosong sabi niya.

"Ang alin?" tanong ko, tumingin naman ako sa mga pinggan. "Ang paghuhugas ba?" Tanong ko ulit.

"Yeah!"

"Anong masama do'n?"tanong ko. Hindi niya naman ako sinagot at pinapunta niya ako sa sala. Ano ba naman. Maboboring lang ako d'yan eh!

"Pwede kong uminom Cedric?" Ngiting ngiting sabi ko sa kaniya. Tinignan niya na naman ako ng masama. "Inaasar mo ba ako?"

Sabi ko na nga ba ayon yung isasagot niya.

Nasa sala na kami at nakita kong nakakatatlo na agad sila. Ay mga batak pala sa alak 'tong mga 'to. Halata kay Nesha na lasing na siya pero kay Sam at Cedric, parang hindi sila uminom.

"Kate dito ka." Pagyayaya sa akin ni Sam at naglaan siya ng konting space para makaupo ako sa tabi niya.

Tatabi na sana ako nang magsalita si Cedric. "May isa pang upuan do'n, do'n ka uupo." Turo niya sa isang solo supa sa gilid.

Ano bang problema nito? Inirapan ko siya at umupo do'n sa tinuro niya. Nagkatinginan naman yung dalawa.

"Masama sa dinadala niya kung makakalanghap siya ng alak, lalo na kung sensitive ang pagbubuntis niya."
Pagpapaliwanag niya.

"Ay gano'n ba 'yon Babe. Para kasing ngayon ko lang narinig 'yon." Komento ni Nesha sa sinabi.

Ngayon ko nga lang din narinig 'yon eh. Pero ayos lang kung talagang para sa dinadala ko yung mga sinasabi ni Cedric. Susundin ko siya.

Matagal na inuman ang naganap sa kanila. Si Nesha sobrang lasing na talaga.

"Alllamm mo babe. Lab na labb kitaa! Nooong nakipagbreak kka saken, di ko kayaa!! Hannggang ngayon, ayaww mong makipagbalikan saken. Nagmumuka na akong tanga sa kanilaa pagsinasabi kong girlfriend mo koo!!"

Halos nakatayo na si Nesha at dinuduro si Cedric. Grabe naman pala. Ex-girlfriend niya pala talaga si Nesha. Sa kaniya din siguro yung text na nabasa ko sa phone ni Cedric.

Tumatawa naman si Sam sa ginagawa ni Nesha. "Hahaha ayos lang 'yan buti nga ikaww naging Ex pa. Eh ako! Since Junior Highh!!! Nililigawan ko na si Kate peroo never naging kami, hindi ko na mabilangg kung ilang beses niya kong nireject! Nagmodel ako dahil nalaman kong nagmodel din siyaa. Lagi kong inaalam kung saan siya nagpupunta kung anong mga ginagawa niya araw-araw! Kaya hinndi ko alam kung pa'nong may nangyari sa inyo!!!!" Tumingin siya kay Cedric ng matalim. Napalunok lang ako dahil ngayon ko lang narinig na naglabas ng saloobin si Sam. Gano'n ko ba siya pinaasa dati? Sobrang sama ko na ba.?

We're just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon