Thea's POV
Ngayon araw ko balak maghanap ng trabaho dahil kakatapos ko lang sa pagaaral. Isa akong suma cum laude. Pero gusto ni lolo na kausapin muna ako kaya ito na nga. Mukha kasing importante ang sasabihin kaya minaliban ko na muna ang paghahanap ng trabaho.
"Lo, good morning po." Nag-mano ako kay lolo Eugine bilang pagrespeto sa matanda.
"Good morning rin, hija. Maupo ka." Umupo naman sa tinurong sofa ni lolo Eugine.
"Ano po ba ang gusto niyong sabihin sa akin?"
"Ang gusto ko lang sabihin sayo na malapit ka na ikasal, apo."
"Ho?! Kasal? Ako?"
"Oo, Thea. Napagkasunduan namin ng ama ng papangasawa mo na ikasal kayong dalawa pagkatapos mo magaral ng college."
"Lolo naman. Wala pa pong isang buwan akong graduate ng collage at hindi ko pa po naeenjoy ang buhay ko pagkatapos ng lahat na paghihirap niyo para lang makapagtapos ako sa pagaaral." Pagprotesta ko. Ayaw ko naman magpakasal sa isang estrahero. Baka nga isa masungit na lalaki. Ayaw ko naman pakialamin ang buhay ko, no? Konting privacy naman.
"Mayaman ang mapapangasawa mo, apo."
"I don't care kung mayaman pa iyan o mahirap. Hindi pa rin po ako papayag na pagkasal sa isang tao na hindi ko naman kilala."
Padabog akong umakyat patungo sa kwarto ko. Ang ayaw ko sa lahat na magpakasal na kung sinu-sino diyan. Kasal iyon, ibang usapan na kung kasal ang paguusapan dito.
Kailangan ko gumawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal. Pero sino ang tutulong sa akin? O sino magbibigay ng ideya sa akin?
Kinagabihan, pumunta ako ng bar dahil niyaya kami ni Loisa sa bagong bukas na bar. Kasama ko ngayon si Brett, matagal ko na rin kilala itong si Brett. Simulang first year high school kami ay magkaibigan na. Ang unique nga ng pangalan ni Brett, Orion Brett Tyson. Kaya lang isa siyang bakla at ang masaklap pa ang gwapo niyang bakla. Sayang ang pagiging gwapo niya kung bakla siya.
"Bes, sayang naman ang beauty mo kung sisimangot ka lang diyan." Sabi ng baklang ito. Wala talagang araw na napapangiti ako. "Ayan, ngumiti ka na rin."
"Kung hindi lang bakla itong si Orion. Bagay kayong dalawa." Sabi naman ni Loisa.
"Eww.. Kadiri ka, girl. Hindi ako papatol sa kapwa ko, no?"
"Kaibigan ko lang talaga itong si Brett."
"Yeah, we're friends."
"Alam ko naman iyon. Magkaibigan na kayong dalawa simulang high school pa lang kayo." Nakilala namin si Loisa noong college na. Matanda ng isang taon sa amin si Loisa. Napansin ko rin nakatingin sa akin si Loisa. "Napapansin ko lang, Thea, may problema ka ba?"
"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa inyo ang problema ko."
"Ano iyon, bes? Sabihin mo na baka makatulong kami ni Loisa."
"Gusto kasi ni lolo na ikasal ako sa isang lalaki na hindi ko pa kilala. Tulungan niyo--" Naputol ang sasabihin ko noong marinig kong nagmura si Brett at yung boses niya naging lalaki.
"Ayos ka lang, Orion?"
"Yeah, nagulat lang ako dahil hindi ko inaasahan na gagawin ni lolo Eugine sayo, Sera."
Hindi ko pa pala nasasabi ang buong pangalan ko ay Thea Sera Reynolds.
"Baka may ideya kayo para hindi matuloy itong kasal na gusto ni lolo."
"Bakit hindi ka maghanap ng lalaki na magpapanggap na asawa mo?"
"No!" Kontra ni Brett. Kaya napatingin kami ni Loisa sa kanya. "I mean, sino naman ang lalaki na pwedeng magpanggap? May kilala ka bang lalaki na hindi pa kilala ni lolo Eugine?"
"Si Cornelius? Alam naman natin na isa siyang campus hearttrob at hindi pa siya--"
"No! Isang makaling no iyang sinasabi mo, Thea Sera Reynolds." Kinumpleto pa talaga ng baklang ito ang pangalan ko. Pero ano ba ang problema niya?
"Bakit ka ba nagkakaganyan? Wag mong sabihin sa amin na may crush ka kay Cornelius."
"Wala!" Singhal ni Brett kay Loisa. "Kahit isa akong bakla hindi ako papatol sa katulad niya. Siguro nga isa siyang campus hearttrob pero ang sama naman ng ugali niya."
"Makatanggi ka wagas. Akala mo siya yung ikakasal." Sabi ni Loisa na may kasamang tawa
"Oo nga. Kung ayaw mo kay Cornelius, may naisip ka na pwede magpanggap?"
"Wala." Simpleng sagot ni Brett bago tumagay sa kanina pa niya iniinom na tequila.
"May naisip ako kung sino pwede." Napatingin naman kami ni Brett kay Loisa.
"Sino?" Sabay pa kami ni Brett.
"Si Orion."
"What?! No, bakla ako. Paano na lang kung malaman ni lolo Eugine na isa akong bakla. Eh di sira ang plano natin."
"Hindi ka naman halatang bakla, Orion. Ni hindi ka nga nagsusuot ng pangbabaeng damit. Kaya mo naman siguro umarte na lalaki sa harap ni lolo Eugine."
Nga pa pala, hindi pa kilala ni lolo Eugine si Brett pero ang mga kaibigan ko ay kilala na siya dahil palagi ko naikukwento sa kanila ang tungkol kay lolo Eugine ko. Laki kasi ako sa lolo ko dahil nasa abroad ang mga magulang ko hanggang isang araw narinig ko ang sabi ni lolo Eugine na mahihirapan ako dahil may balak maghiwalay ang mga magulang ko. Pinagpili pa nga nila ako kung kanino ako sasama pero ang sabi ko kay lolo Eugine ako sasama. Kahit matanda na si lolo Eugine ay nagawa pa rin niya ako pagtapusin sa pagaaral.
"Fine. Kung hindi lang kita mahal, Sera hindi ako papayag."
"Ayan. Pumayag na rin si Orion. Kaya ito ang plano natin, siyempre hindi na muna kayo magasawa."
"So, mag-boyfriend girlfriend na muna kami ni Brett?"
"Yup. Dahil biglaan naman yata kung magasawa kayo agad."
"May point ka diyan, girl."
"Ikaw, Orion kunwari may balak ka na magpropose kay Thea dahil iyon ang pinangako mo noong graduation niyong dalawa."
Napatingin ako kay Brett. Okay, acting lang ito.
"Bibili pa pala ako ng singsing para dito."
"Yes, para may ebidensya kayo na engage na kayong dalawa. At siyempre, bawal ka maging bakla sa harap ni lolo Eugine o kahit kanino nakakilala sa kanya. Bakala masira lahat na ito."
"Sana kaya ko itong gagawin natin." Nagpaypay si Brety gamit ang kamay niya. Hindi naman mainit sa loob ng bar ah.
"May tanong pala ako sayo, Sera."
"Ano iyon?"
"Hindi naman siguro sasabihin ni lolo Eugine na maghalikan tayo, no? Kadiri kasi."
"Hindi naman siguro." Natatawang sagot ko.
"Sige nga. Practice kissing." Pabirong sambit ni Loisa.
"Eww.. Kadiri ka talaga."
~~~
New story ko. Sana suportahan niyo.
Nilagay ko na siya agad baka mawala sa utak ko yung plot ng story. :)
-Skye
Leave a comment and press ☆ to vote
BINABASA MO ANG
My Gay Husband
RomanceNoong nalaman ni Thea na ikakasal na siya sa isang estraherong lalaki. Never never met the guy. Paano na lang kung isa pala iyong masungit yung lalaki? Hindi niya kaya ganoong buhay kaya gumawa siya ng paraan para hindi matuloy ang kasal na iyon at...