Orion's POV
Two years na siguro noong nawala sa piling ko si Sera. Puro katanungan ang nasa isipan ko noong pinalaya ako ng magaling kong ama. But my mom told me everything, sa kondisyon na kagustuhan ng magaling kong ama kaya pumayag si Sera para makalaya ako sa kulungan at hindi na siya magpakita pa sa akin.
Hinanap ko siya kahit saan. Kahit tinanong ko si Loisa kung may alam siya kung nasaan si Sera pero wala siyang alam hanggang naalala ko baka tumuloy siya sa bahay ng mama niya dahil nabalitaan kong namatay na ang kanyang lolo. Dumalaw ako sa burol ni lolo Eugine pero ni anino ni Sera ay wala. Ni minsan kasi hindi dumalaw si Sera sa burol ng kanyang lolo kahit ang ina niya. Noong pumunta ako sa bahay nila mr. Castillo ay ayaw sabihin sa akin kung nandito ba si Sera. May duda na ako na tinatago nila si Sera. Bakit? Ayaw na ba ako ni Sera makita? Akala ko ba mahal niya ako. Kasinungalingan lang ba ang lahat na iyon?
I wish this is only a nightmare pero masakit mang aminin, ito ang katotohanan nangyari sa buhay ko. Ang iniwanan ako ng babaeng mahal ko. Minahal ko ng lubusan. Kinalimutan ko na ang sarili ko para sa kanya. Ganoon ako magmahal, eh.
Kahit masaktan ako, siya pa rin ang minahal ko hanggang ngayon.
Naalala ko may anak kami ni Sera. Kamusta na kaya ang anak namin? Lalaki ba? O babae?
Dalawang taon rin kasi wala sa Pilipinas dahil inassign ako ni head chef sa France ng dalawang taon.
Sa buong buhay ko ngayon pa lang ako pumunta sa ibang bansa, hindi katulad ni Wilfred. He studied abroad.
Speaking of my twin brother, nahanap na rin siya. Nasa Laguna lang pala siya. Walang hiya talaga.
At hindi lang iyon dahil nagulat ako sa pinakita niya sa akin. Marriage contract na dapat pangalan niya ang nakalagay doon sa groom pero pangalan ko ang nakalagay. Ang sabi pa sa akin ni Wilfred..
"Pasalamat ka sa akin dahil nalaman ko kaagad na ikaw ang mahal ni Thea, kundi ako mismo ang pupunta sa araw ng kasal namin. At nagawan ko pa ng paraan para baguhin ang marriage contract. Kaya ikaw ang asawa niya sa simula pa lang, hindi ako."
"Kaya ka ba hindi sumipot?"
"Yes. Pero hindi ko naman inaasahan ikaw ang sasalo at magpapanggap na ako."
"Siraulo ka pala, eh. Pasalamat ka ako ang sumalo dahil hindi lang ang magaling nating ama ang mapapahiya pati rin si Sera."
"Here, the marriage contract." Inabot na niya sa akin yung marriage contract. At kinuha ko naman iyon agad sa kanya "Keep it, bro. Alam ko naman mahal mo rin siya at alam ko rin malaki ang atraso ko sayo kaya bumabawi lang."
"Hindi pa sapat ito. Nang dahil sayo kaya ako pinakulong ni papa. At nang dahil sayo kaya nawala ang babaeng mahal ko dahil pinili niya ang umalis at iwan ako para sa kalayaan ko."
"I know sorry is not enough but still, I'm sorry what happened before, brother. Hindi ako naging mabuting kapatid sayo."
"Ayaw ko man aminin, kakambal kita at matagal na kita pinapatawad, Will."
Iyon na ang huling pagkikita namin ng kakambal ko dahil ang balita ko ay bumalik na siya ng abroad para doon magtrabaho. Pareho namin gusto ay maging malaya sa mga kagustuhan ng ama namin. We're twins kaya pareho ang iniisip.
Dahil malayo ang parking sa The Empire Restaurant ay naglalakad ako papunta doon pero sa hindi inaasahan ay makita akong familiar. Familiar sa akin. Siya lang makakagawa nito sa akin, ang makalabog ng puso ko ng malakas.
Hinabol ko siya dahil nagmamadaling maglakad. Mukhang nakita rin niya ako.
"Sera, wait!" Sigaw ko sabay hablot sa kamay niya. Huminto rin siya sa paglalakad.
"Please, Brett.. Umalis ka na dahil ayaw ko magalit sa akin ang papa mo." Sabi niya pero nakalikod pa rin siya.
"I know everything, Sera at saka wala na akong pakialam kung ano pa ang gawin sa akin ni papa. Ang mahalaga ay makasama lang kayo ng anak natin."
"Sorry, Brett." Hinawi niya ang kanyang kamay at tumuloy na sa paglalakad. Sumunod naman ako sa kanya.
"Saan ang anak natin? Okay lang ba siya? Lalaki ba? O babae? Wala naman akong pakialam kung lalaki o babae siya basta mahal ko rin ang anak natin, Sera." Masayang tugon ko dahil excited na ako makilala ang anak namin. Pero bigla na lang nawala ang saya nararamdaman ko noong mapansin kong tumahimik si Sera. "What's wrong?"
"Hindi sila nakaligtas." Deretsong sagot niya.
"Sila? Kambal ang anak natin? Pero anong ibig mong sabihin hindi nakaligtas?"
"Mahina ang kapit ng kambal sa sinapupunan ko noong umalis ako sa piling mo. Dalawang taon ako nagkulong sa kwarto dahil hindi ko tanggap ang pagkawala nila."
Yung saya ko kanina ay napalitan ng lungkot.
"Oh... Alam ba ni mama tungkol diyan? Kasi noong sinabi kong buntis ka noon ay excited na magkaroon ng apo." Tumango siya sa akin. Kahit pa paano ay may communication siya kay mama pero sa akin wala.
"Hanggang ngayon ay dala ko pa rin ang sakit sa tuwing nakikita kita, Brett. Kaya please lang.. Umalis ka na."
"Akala ko ba mahal mo ko?"
"Noon iyon, pero iba na ngayon dahil may mahal na akong iba."
"Hindi ka marunong magsinungaling." Tumatawa na lang ako kahit nasasaktan na ako sa mga pinagsasabi niya.
"Wala naman nakakatuwa sa sinasabi ko ah. Bakit ka tumatawa?" Tanong niya sa akin.
"Wala nga. Gusto ko lang tumawa kahit masakit na."
Mukha na tuloy akong baliw sa pinaggagawa ko. Pinagtitinginan na ako ng mga taong dumadaan.
"Ewan ko sayo. Nababaliw ka na."
"Sa iyo lang ako nababaliw." Alam kong baduy ng sinabi ko. Pero wala na ako magagawa dahil iyon ang lumabas sa bibig ko.
"Please lang at sana ito ang huli natin pagkikita, Brett." Hindi na siya hinabol pang muli noong naglakad siya.
"This is all you want? Fine, hinding hindi na ako magpapakita pang muli sayo." Sigaw ko para marinig niya.
Tumuloy na ako papunta sa The Empire Retaurant para kamustahin iyong nga nakasama ko noon dito.
"Uy! Ikaw ba na iyan, Orion?" Hindi makapaniwalang tugon ni Yuri pagkakita sa akin. Binigyan ko lang siya ng tango. "Kamusta ka na? Kamusta ang Paris?"
"Ayos lang naman. Mababait yung mga nakasama ko doon."
"May gwapo ba?"
"Loko ka talaga. Bakit naman ako maghahanap ng gwapo doon?"
"Malay mo may nakakilala kang gwapo tapos pakilala mo sa akin." May ngiting aso pa ito, eh. Umiling na lang ako.
BINABASA MO ANG
My Gay Husband
RomanceNoong nalaman ni Thea na ikakasal na siya sa isang estraherong lalaki. Never never met the guy. Paano na lang kung isa pala iyong masungit yung lalaki? Hindi niya kaya ganoong buhay kaya gumawa siya ng paraan para hindi matuloy ang kasal na iyon at...