Orion's POV
"Ano iyan tinitingnan mo?" Tanong ni Sera kasi nakatingin ako sa laptop ko.
"May party gaganapin sa bahay ni Cornelius bukas. Lahat ng batch natin ay invited."
"Pupunta ka?"
"Hindi ako sure, eh."
"Punta tayo." Tumingin ako sa likod para tingnan si Sera. Seryoso ba siya? "Please, pumayag ka na, Brett."
"Hindi pa ako sigurado kung pupunta ako. Pero kung gusto mo pumunta, sige." Ngumuso siya. Nagiinit ang buong katawan ko kung palagi siya nagpapacute.
"Samahan mo ko. Wala akong kaibigan na ka-batch natin maliban sayo."'
"May trabaho pa ako bukas. Kung makahabol, susunod ako." Sabi ko. Para naman tumigil na siya sa pangungulit sa akin.
"Thank you talaga. Hihintayin ko ang pagdating mo bukas ah." Nilibot niya ang kanyang braso sa leeg ko sabay halik sa pisngi ko. Ano ba itong kakaibang nararamdaman ko?
Marami akong ginagawa sa restaurant kahit hindi pa ako maging isang magaling na chef ay ayos lang basta makatulong sa pamilya ko. Mahaba haba dahil pinagaaral ko pa si Gab kasi nasa grade 11 pa lang siya.
Pagkatapos ng shift ko ay umalis ako agad sa restaurant dahil ayaw ko naman magtampo sa akin si Sera. Nagmamadali ako pumunta sa sakayan ng taxi. Pagkasakay ko ng taxi ay sinabi ko na sa driver kung saan ako pupunta.
Apat na oras rin dahil naipit kami sa traffic. Bakit ngayon pa talaga nagkatraffic?
Tingnan ko yung orasan dahil rush hour na pala. Sana hindi nainip si Sera sa party.
Gumagalaw naman iyong mga sasakyan pero kunti konti lang.
"Manong, malapit na ho ba dito yung lugar?"
"Malapit na rin ho, sir."
"Ganoon po? Sige po." Kinuha na yung bayad at sobra pa ito. "Heto na po yung bayad and keep the change."
Bumaba na ako sa taxi para takbuhin na papunta sa lugar ni Cornelius. Akala ko ba malapit na pero ang layo pa pala. Wala na, nandito na.
Pagkarating ko sa bahay ni Cornelius ay may dalawang tao nagbabantay sa gate. Mga kaibigan niya.
"Look who's here? Is that Orion Brett Tyson, the campus gay?" Sabi naman ni Anton. Obviously pare-pareho sila ng ugali ng leader nila na si Cornelius.
"Ano naman ang ginagawa ng isang bakla sa party ni Corn?" Tanong ni Aryn na may kasamang tawa.
"Paalala ko lang sa inyo mga makikitig na utak kasama rin ako sa batch niyo at ang pagkaalam ko lahat ng batch '17."
"Tinawag mo ba kami makikitig na utak ah, bakla?! Baka ikaw ang makitig na utak."
"Paalala ko ulit sa inyo, grumaduate akong cum laude at nakailang akyat ng stage ang mama ko para sabitan ako ng medals. Eh, kayo? Ni isa nga hindi umakyat ng stage ang mga magulang niyo. Umakyat lang naman kayo para kunin ang diploma niyo. Tsk."
"Ang yabang nito, pre." Sabi ni Aryn.
"Aryn, Anton, tumigil na kayo!" Sigaw ni Cornelius. Nagpapabayani. Psh. Kaya ayaw ko pumunta dito, eh pero mapilit si Sera at hindi titigil hanggat hindi ako papayag. "Bisita ko iyan inaaway niyong dalawa. Orion, pumasok ka na."
"Pasalamat ka, bakla."
Paalala ko ulit sa inyo hindi ako bakla.
Pagkapasok sa loob ay nilibot ko ang paningin ko para hanapin si Sera pero hindi ko siya makita. Saan kaya ang babaeng iyon?
BINABASA MO ANG
My Gay Husband
RomanceNoong nalaman ni Thea na ikakasal na siya sa isang estraherong lalaki. Never never met the guy. Paano na lang kung isa pala iyong masungit yung lalaki? Hindi niya kaya ganoong buhay kaya gumawa siya ng paraan para hindi matuloy ang kasal na iyon at...