Chapter 17

2.9K 76 0
                                    

Orion's POV

Dahil sa balitang engaged na ako sa babaeng hindi ko naman kilala ay nagkaisip ako ng ideya.

"Bakit hindi ka pumapasok ngayon?" Tanong sa akin ni Sera. Medyo late na rin kasi ako nagising kanina kaya nagpasya na lang akong hindi pumasok.

"Ayaw mo ba ako makasama? May kasama kang tutulong sayo sa pagalaga sa mga anak natin."

"Marunong ka ba magalaga?"

"Don't underestimate me. Hindi porket anak mayaman ako ay hindi ako marunong. Nakakalimutan mo yata na close sa akin si Gab dahil kasing edad pa lang niya yung kambal ay ako ang tumutulong kay mama."

"Sorry. Nawawala talaga sa isip ko ang mga nangyari noon."

"Talaga bang kakalimutan mo na ang mga nangyari noon?"

"Hindi ko naman kinalimutan lahat. Marami lang ako iniisip ngayon."

"Ano ang gumugulo sayo? Sabihin mo lang sa akin baka makatulong ako."

"Iniisip ko ang papa mo pag nalaman niyang magkasama na naman tayo."

"Wag mo na nga isipin ang matandang iyon. Bahala siya kung ano ang gusto niyang gawin dahil hindi na ako papayag na paghiwalayin tayo." Inis kong sabi. Sa tuwing nababanggit ang tungkol sa kanya ay kumukulo ang dugo ko. Iniisip ko rin kung bakit siya pa ang naging ama ko.

"Paano na lang kung magpakita iyong mystery fiancee mo?"

"Hindi iyan mangyayari dahil wala naman talaga akong fiancee, no. Maliban na lang kung papayag kang magpakasal ulit sa akin." Taas baba ang mga kilay ko. Nilapit ko ang mukha ko sa pisngi niya.

"Brett, ano ba!"

"Bakit?" Taka kong tugon. Ano na naman ang ginawa ko sa kanya?

"Nakikiliti kasi ako. Kaya mag-ahit ka na muna. Nagmumukha ka tuloy caveman sa itsura mo." Natatawang saad nito.

"Caveman pala ah." Kaya ayun kinikiliti ko siya.

"Brett, stop!" Tuloy pa rin siya sa pagtawa kasi hindi pa ako tumutigil. "Hindi ako magpapakasal sayo pag hindi ka tumigil."

Tumigil ako sa pagkiliti sa kanya. Baka kasi hindi nga siya pumayag, takot ko lang.

"Hindi pa rin papayag pag hindi ka mag-ahit."

"Sumusobra ka na ah." Busangot ko. Wala ako magawa kaya sumunod sa kanya.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako sa banyo pero napansin ko nakatingin sa akin yung kambal. Hindi yata ako namukhaan.

"Hindi niyo na ba ako namukhaan?"

Bigla na lang sila ngumiti. Mukhang nabosesan naman nila ang boses ko.

"Ikaw po pala iyan, daddy." Sabi ni Seven.

"Yes." Umupo ako sa tabi nila sa sahig habang naglalaro nila ng mga laruan. "Kailan ang birthday niyo?"

Huminto sa paglalaro ang kambal dahil napatingin sila sa isa't isa bago tumingin ulit sa akin.

"January 1 po." Medyo bulol si Jin pagkasabi niya ng January. Pero napakurap ako sa sinabi niya dahil birthday ko rin iyon. Magkaiba kami ni Wilfred ng birthday dahil nauna siyang lumabas kaysa sa akin at ilang minuto ang lumipas ay doon naman ako lumabas pero bagong taon na. Kaya ang birthday ni Wilfred ay December 31 at ako naman January1. Kakaiba, no? New Years' Eve tapos New Year.

"Really?" Hindi ako makapaniwalang tugon. Tumango silang dalawa.

"Bakit po?"

"Kasi naman pareho pala tayong tatlo ng birthday."

"Talaga po?"

Napalingon ako sa may pinto dahil nakita kong pinapanood kami ni Sera.

"Anong ginagawa mo diyan? Halika dito." Pagtawag ko sa kanya. Lumapit naman siya sa amin.

"Mommy, hindi lang po pala kami ni Jin magbibirthday kasi birthday rin pala ni daddy." Sabi ni Seven pagkaupo niya sa lap ni Sera.

"Yes, baby. Tatlo na kayo ang magbibirthday." Nakangiting sabi ni Sera. Alam niya ang kung kailan ang birthday ko dahil halos taun-taon kami nagdidiriwang na dalawa. Hindi kinakalimutan ni Sera ang birthday ko. Sa tuwing nagsasapit ang bagong taon ay magkikita na kami niyan at inaasahan kong may dala na siyang cake. Hindi kasi papayag si Sera na walang cake sa birthday ko. Pero sa tuwing kasama ko siya sa araw ng birthday ko ay iyon na ang best gift natanggap ko. Ang nakasama siya.

"Nga pala, Sera.. Sorry kung wala ako sa tabi mo noong pinanganak mo yung kambal."

"Hmm..." Umiling lang siya bago ngumiti. "Ayos lang. Nandiyan naman si Loisa at siya palagi ang kasama ko kahit noong nanganak na ako sa kambal."

"Kahit na. Iba pa rin kung ako ang kasama mo."

"Mommy. Daddy." Napatingin naman kami ni Sera kay Jin. "Hiling po sana namin ni Seven na magkaroon ng little brother or sister."

"Huh?!" Nagulat kami ni Sera sa hiling ng kambal. Namumula na siguro ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Sumulyap ako kay Sera dahil namumula na siya.

"Ano kasi.." Paano ko ba ito sasabihin sa kanila? Baby pa sila para maintindihan iyon. "Ano.. Um, baby pa kayong dalawa kaya kayo na muna ang baby namin ni mommy. Okay?"

"Pero.." Ngumuso naman si Seven. "Gusto po namin ng little brother or sister."

"Saka na iyan. Hindi ko alam kung saan niyo nalaman ang tungkol diyan." Naiilang akong tumawa. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

"T-Tama ang daddy niyo. Kayo na muna ang babies namin. Pagmalaki na kayo." Napangiti ako sa sinabi niya. "I mean pagiisipan-- ugh. Basta. Baby pa kayo."

"Okay po." Sagot ng kambal. Napansin kong humihikab na iyong dalawa.

Tumayo na kami ni Sera para ilagay ang kambal sa crib nila.

"You sure? Pagiisipan?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi. Walang pagiisipan dahil tama na iyong kambal."

"Hindi na ba natin tutuparin ang kahilingan nila balang araw?"

"Natatakot ako, Brett." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Saan naman siya natatakot? Kay papa? "Muntik na mawala sa akin ang kambal."

Iyon pala ang ibig niyang sabihin.

Niyakap ko si Sera mula sa likod dahil tumalikod siya sa akin.

"Huwag ka matakot dahil nandito lang ako sa tabi mo. Palagi ako nandito. Kahit kailan hindi ako mawawala."

"Thank you. Sa tuwing kasama kita pakiramdam ko ay ligtas ako palagi."

"Siyempre dahil hindi kita hahayaang mapahamak." Hinalikan ko siya sa leeg niya.

"Baka magising iyong mga bata at makita tayo." Nahihiyang sabi ni Sera. Ang cute niya talaga.

"Ano naman kung makita tayo? Tuparin na lang kaya naman ang hiling nila?" Pilyo kong sabi.

"Brett naman." Humarap na siya sa akin sabay ko rin siyang hinalikan sa labi. Hindi rin naman nagdalawang isip si Sera na tumugon.

My Gay HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon