Chapter 9

3K 79 1
                                    

Thea's POV

Ang sabi ni Brett ay bumalik na iyong mama niya kasama si Gabby sa mansyon nila. Nagpaiwan pa talaga siya rito para daw may kasama ako. Kung hindi lang talaga bakla itong si Brett matagal ko ng iisipin na sweet niya talaga. Sweet naman talaga siya sa akin.

"Brett, gising." Inaalog ko siya para magising. "Wake up! Wake up."

Naririnig ko ang pagungol niya. My gosh! Parang umiinit tuloy ang katawan ko. Ano ba nangyayari sa akin?

Thea Sera, matalik mong kaibigan iyang pinapantasya mo at saka isa siyang bakla. Pero saan ko ba nakuha ang salitang pantasya? Ugh.

Pero siya ang kunuha ng unang halik at pati rin iyong matagal ko ng iniingatan.

"What?" Sa tagal na namin magkasama ay ngayon ko lang narinig ang boses niya pag bagong gising kasi naman palagi siya unang nagigising sa aming dalawa. At saka ang husky pa. Lalaking lalaki ang boses.

"Grocery tayo ng mga kailangan natin."

"Mamaya na. Inaantok pa ako." Tumagilid na ito. Sumimangot naman ako.

"Hahayaan mo kami magutom? Buntis ako, Orion Brett." Pinigilan ko ang sarili ko ang hindi ngumiti.

Napangon bigla si Brett.

"Ano?! Sabihin mo nagbibiro ka lang."

Sumimangot na naman ako.

"Oo nagbibiro lang ako kaya bumabangon ka na diyan."

Mukhang nakahinga pa siya ng maluwag noong binawi ko ang tungkol sa pagbubuntis ko ah.

"Yes, ma'am. Hintayin mo lang ako sa ibaba at magpapalit lang ako ng damit."

"Good morning." Hinalikan ko siya sa pisngi. "Bilisan mo ah."

"Oo na." Pumunta na siya sa banyo.

----

"Ano ba ang mga bibilihin natin?" Tanong ni Brett sa akin.

"Hmm.." Tiningnan ko yung list na ginawa ko kanina bago gisingin si Brett. "Kailangan natin bumili ng ulam natin, kailangan sa pagluluto noong tiningnan ko kanina wala na rin."

Noong nandito kami na ni Brett sa meat section ay namangha ako dahil sanay na sanay na siyang bumili para bang hindi anak ng isang mayaman, eh. Alam niya kung ano ang fresh, hindi katulad ko wala akong alam. Mga maids kasi namin ang naggrogrocery. Mabuti nga nagaral ako magluto kahit pa paano.

"Ang galing mo yata bumili."

"Siyempre, madalas ako ang kasama ni mama sa tuwing pumupunta kami ng grocery. Tinuturuan niya ako pumili ng fresh meat dahil magagamit ko daw ang lahat na tinuro niya sa akin balang araw. And she's right."

Ngumiti ako.

Pagkatapos namin bumili ay binayaran na namin sa cashier. Binuhat naman ni Brett ang mga pinamili namin.

"May bayad itong paggising mo sa akin sa araw ng day off ko." Napatingin ako kay Brett. Nagkaroon pa ako ng utang sa kanya pagkagising ko sa kanya.

"Okay. Kahit ano gagawin ko and sorry."

Hindi na siya sumagot pa. Hindi ko tuloy alam kung ano ang binabalak ni Brett bilang kabayaran ng paggising ko sa kanya. Akala mo naman palaging puyat.

Pagkauwi namin sa bahay ay tinulungan niya ako ayusin yung mga pinamili namin.

Tinulungan ko na rin siya magluto ng adobo. Yes, adobo ang luluin ni Brett. Specialty niya iyon. Paano ko nalaman? Natikman ko na iyon ilang beses na at ang sarap talaga ng adobo niya.

Pagkatapos namin kumain ay ako na yung naghugas ng pinagkainan namin. Nauna na kasing maligo si Brett. Pagkatapos ko maghugas ay pumunta na ako sa kwarto. Umupo ba ako sa sofa kasi may sofa dito sa kwarto niya.

Napansin kong tapos na maligo si Brett kaya tumayo na ako.

"My turn." Maglalakad na sana ako pero hinila ako ni Brett kaya napaupo ako sa lap niya. Bumibilis na naman ang kalabog ng dibdib ko. Siya lang nakakagawa nito. Naramdaman kong dumikit ang labi niya sa leeg ko. "B-Brett?"

"Ngayon ka na magbayad sa paggising mo sa akin kanina."

"O-Okay. S-Sabi ko nga sayo kahit ano gagawin ko, eh."

"Be a good girl. Okay?" Tumango ako sa kanya. Pinahiga na niya ako sa sofa kaya siya na itong nasa ibabaw ko. Napakurap ako noong maramdaman ko ang pagdikit ng labi niya sa akin. Noong gumalaw na ay sinusundan ko lang. Pero bigla siyang tumigil. Bitin. "May gusto akong sasabihin sayo."

"Ano iyon?" Wala gana kong tugon. Bitin kasi ako.

"Wag ka sana magalit sa akin."

"Ano ba kasi iyon?" Iritableng tugon ko.

"Hindi naman talaga akong bakla. Nagpapanggap lang ako para makalapit sayo." Natigilan ako sa mga sinabi niya. Nagpapanggap siya maging bakla para makalapit lang sa akin? Bakit?

"Bakit mo naman iyon ginawa?" Nawala na tuloy yung inis ko sa kanya.

"Dahil noong nakita kita nagkagusto na ako sayo pero natotorpe ako. Gusto rin kita makasama kaya nagpanggap na lang ako isang bakla. Sorry sa lahat na kasinungalingan ko, Sera." Tumingin siya sa akin at nakikita sa mga mata niya ang sincere.

"Sa susunod wag mo ko bibitinin ah."

"Huh?" Yung mukha niya halatang naguguluhan sa sinabi ko. Ngumiti na lang ako. "Sino pala iyong tinutukoy mong lalaki na pinupusuan mo?"

"Bakit gusto mo malaman? Nagseselos ka, no?"

"Oo, nagseselos talaga ako. Selos na selos."

"Nagseselos ka sa sarili mo." Natatawa kong sabi. Kumunot naman ang noo niya.

"Huh? Bakit naman ako magseselos sa sarili ko?"

"Kasi ikaw lang naman iyon, Brett. Hindi ko na iniisip kung isang bakla ka o ano, basta ang iniisip ko lang mahal na kita. Akala ko ba narinig mo yung pinagusapan namin ni Wilfred."

"Malay ko ba kung may iba ka pang mahal."

"Hindi ako ganoong klaseng babae. Okay? You are my first and last."

"Dapat lang. Kahit hindi man ako ang tunay mong asawa, ako ang first mo at ako rin ang magiging last mo."

"At hindi ako galit sa lalaking mahal ko."

"Mabuti naman dahil hindi ko alam kung paano ako aamin sayo."

"Nagkakaroon na ako ng duda pero iniisip ko baka nagkakamali lang ako."

Kinabukasan, nagising na lang ako sa sinag ng araw. Naalala ko binuhat ako ni Brett kagabi para maging kumportable ang tulog ko kaya pinahiga ako sa kama.

Tumingin ako kay Brett natutulog pa rin. Ang gwapo talaga niya. Mabuti na lang lalaki talaga siya.

Pero sana wag mong kalimutan, Sera kahit ilang araw na kayo magkasama ni Brett sa isang bahay at dalawang beses ng may nangyari sa inyo. Pag nalaman ng papa niya ay lagot siya.

Napailing ako.

Kahit anong mangyari hinding hindi ko iiwan si Brett. Nangako siya sa akin na hindi niya iiwanan kaya hindi ko rin siya iiwanan.

My Gay HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon