Thea's POV
"Ano nangyari sayo? At nagmamadali kang pumasok ng unit ko na mukhang may humahabol sayo."
"Wala. Nagkita kasi kami kahapon."
"Nino? Ni Orion?"
"My gosh, Loisa. Don't mention that name again, baka marinig tayo ni Seven at Jin." Inaamin ko nagsinungaling ako sa kanya na patay na ang mga anak namin. Hindi ko pa kaya siyang harapan pagkatapos na iwan ko siya.
"Sus.. Deep inside kinikilig ka naman."
"Hindi ah. Tandaan mo walang alam ang kambal sa ama nila."
"Bakit kasi hindi mo pa sabihin sa kanya ang katotohanan? Buhay ang kambal."
"Sana ganoon kadali, Loisa. Ayaw ko na hanggang ngayon ay magtanim ng galit ang ama nila. Nang nalaman niya na hindi si Wilfred ang kasama ko ay galit na galit siya kay Brett. Nang dahil sa akin kaya siya kinulong ng sarili niyang ama."
"Iyan kasi ang hirap niyong dalawa dahil hindi niyo nagawang ipaglaban ang pagmamahalan niyo." Sabi niya sabay iling.
May narinig akong kumakatok mula sa labas. Tumingin ako kay Loisa sabay kibit balikat siya.
"Mommy, ninang, may lalaki po sa labas." Sabi ni Seven na medyo nahihirapan pang magsalita.
"Lalaki? Hindi ko alam may boyfriend ka na pala ah."
"Wala ah! Hindi ako magtatago sayo, kahit magkaroon ako ng boyfriend ay ikaw agad ang sasabihan ko, Thea."
Hindi na ako sumagot dahil binuksan na niya iyong pinto.
"Oh? Anong ginagawa mo dito?"
"I want to talk with you, Loisa?" Lumaki ang mga mata ko sa aking narinig. Hindi ako pwede magkamali. Bumibilis ang kalabog ng dibdib ko noong marinig ko ang boses niya.
"Pasok ka muna, Orion." Pag alok ng magaling na babaeng iyon. Alam naman niyang iniiwasan ko siya. Bakit pa niya pinapasok?!
Pero napansin kong hindi tumutuloy si Brett. Nakatingin lang siya sa mga bata. Patay.
"Hindi ko alam may anak ka na pala, Loisa." Sabay turo niya sa kambal.
"Kung hindi lang ito ama ng kambal mo, Thea kanina ko na siya sinapok. Ginawa pa niya akong single mother ng kambal." Bulong niya sa akin. Tumawa na lang ako ng mahina.
"Pero mukhang kailangan mo ng sabihin sa kanya ang katotohanan." Dagdag pa niya.
"Sino ang ama?"
"Hindi ko iyan mga anak, gago."
"Hush. Language, Loisa." Saway ko sa kanya. Baka marinig ng kambal.
"Eh, kanino--" Napatingin sa akin si Brett kaya tumingin na lang ako sa ibaba. Maraming katanungan nito panigurado. Hindi pa ako handa sagutin ang lahat na tanong niya.
"Loisa, alis na kami ng mga bata."
"No. No one will leave here." Mautoridad na sabi ni Brett. Sino ba siya?
"Kung gusto mo malaman kung sino ama ng kambal. Hindi ikaw."
"Sino niloloko mo, mrs. Tyson? Hindi ako tanga para maniwala sa mga kasingalingan mo."
"Loisa, pwede bang dalhin mo muna yung kambal sa kwarto mo o sa kusina, kahit saan." Utos ko sa kaibigan dahil ayaw ko marinig pa nila. Kahit alam ko palagi nila tinatanong sa akin kung saan ang daddy nila pero hindi ko sila sinasagot. Kulang na lang sabihin ko sa kanila patay na.
Dinala na ni Loisa ang kambal sa kwarto niya para doon na sila naglaro.
"Bakit, Sera? Bakit ka nagsinungaling sa akin kahapon ah? Sinabi mo namatay ang kambal pero ano ito?! Buhay na buhay at ang lalakas pa nila."
"Hindi mo na kailangan---"
"I really need to know! I'm their father, Sera. Huwag na huwag mo sa akin itanggi na patay na sila dahil kitang kita ko, nasa harapan ko ang mga anak natin."
"Okay, fine. You got me there, Brett but your father told me don't show to you anymore. Kaya lumayo--" Bigla na naman bumilis ang tibok ng puso ko noong niyakap niya ako.
"Shit, Sera. Kung alam mo lang nangyari sa akin sa loob ng dalawang taon. Nagalit pa ako sa sarili kong ama ng nalaman ko ang nangyari dahil sinabi sa akin ni mama. Pinutol ko ang ugnayan sa kanya dahil lang sayo."
"W-Why?" Pauutol kong tanong.
"Dahil hindi ko kayang mapawala ka ulit sa akin. Kayo ng mga bata."
Pinikit ko na ang mga mata ko bago ginantihan ng yakap si Brett. I really missed him.
Ang laki nang pinagbago niya dahil naging matured na siya ngayon, kung noon ay well-shaved ang mukha niya pero ngayon ay tinubuan na siya ng balbas.
"Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari dapat lumayo tayo. I'm sorry, Sera."
"Hindi mo naman kasalanan ang lahat, Brett. Kundi ako, kasalanan ko ang lahat na ito."
"Shh.. Sabi ko nga sayo hindi kita sinisi sa lahat na mangyayari sa akin. Kahit kailan ay hindi kita sinisi dahil mahal na mahal kita." Hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko. Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Inaamin ko maganda iyon. "I love you."
Lalo tuloy nagwawala ang puso ko na parang gustong lumabas nang dibdib ko. Siya lang ang nakakagawa nito sa akin."
"Hindi na ko papayag na mawala ulit kayo sa akin. At dalawang taon ako nagtitimpi."
"Huh? Hoy, anong nagtitimpi pinagsasabi mo diyan?! Hindi tayo kasal, Brett. Kay Wilfred ako kasal, hindi sayo."
"Malalaman mo rin sa tamang panahon ang katotohanan, mahal ko. May tinatapos pa ako na kailangan tapusin." Tumango na lang sa kanya. May tiwala naman ako kay Brett.
"Tapos na ang dramahan niyong dalawa sa unit ko?" Lumingon ako sa likod noong marinig ko ang boses ni Loisa. "Parang nasa teleserye ang kwento ng buhay niyong dalawa."
"Sorry, Loisa. Pero yung mga bata?"
"Ayun, tuloy na yung kambal."
-----
"So, dito kayo nakatira ng kambal?" Nililibot ni Brett ang mata niya buong bahay.
"Yeah. Bago bumalik ng Canada ang pamilya ni mama, binigay sa akin ni dad itong bahay."
"You are so lucky. Kahit hindi mo pa nakikita ang tunay mong ama pero may pangawala ka namang ama na tinuring ka niyang tunay na anak."
"Paano mo nalaman?"
"Simple lang, isa lang pwede mong takbuhan noong iniwanan mo ko. Ang bahay ng iyong ina. Hindi naman pwede sa lolo mo dahil alam kong galit siya sa akin."
"Pero bago pa siya nawalan ng buhay ay humingi na siya ng sorry sa akin. Pinatawad ko ang lahat na ginawa ni lolo, ang ipakasal ako sa taong hindi ko naman minahal."
"Turo mo sa akin iyong kwarto mo." Hinahatak ko ang braso niya. "Dali!"
"B-Bakit? Bakit gusto mo makita kwarto ko?"
"Basta."
"Anong basta? Sabihin mo sa akin."
"Ayaw ko. Ituro mo muna sa akin kung nasaan kwarto mo."
"Itong katabing kwarto ng kambal ang kwarto ko." Binuksan ko na yung kwarto ko. Magkatabi ang kwarto ko sa kambal para puntahan nila ako kung gusto nila matulog sa tabi ko. They always like that. They are really sweet like their father.
Pagkapasok namin ni Brett ay narinig ko ang pagclick ng lock sa doorknob.
"A-Anong binabalak mo?" Kinabahan ako. Ano ba ang binabalak ng lalaking ito?
Imbes na sagutin ako ni Brett ay hinalikan niya ako sa labi. God. I missed his kiss and everything about him.
BINABASA MO ANG
My Gay Husband
RomanceNoong nalaman ni Thea na ikakasal na siya sa isang estraherong lalaki. Never never met the guy. Paano na lang kung isa pala iyong masungit yung lalaki? Hindi niya kaya ganoong buhay kaya gumawa siya ng paraan para hindi matuloy ang kasal na iyon at...