"Ano na balita sa inyong dalawa? Nagkadevelopan na ba?" Tanong ni Loisa na may kasamang tawa.
"Kadiri talaga nito. Ilang beses ko ba sasabihin sayo na hindi ako papatol sa kapwa ko."
"Alam mo sayang ka, Orion."
"Bakit naman?" Kunot noo tanong ni Brett.
"Gwapo ka pero bakla ka naman."
"Ano magagawa ko? Ganito ako simulang bata ako."
"Yeah, gwapo ka nga, Brett. Kung lalaki ka lang maraming babae ang magpapatayan para makuha ka lang."
"Patayan agad? Grabe ka naman, Sera. Hindi ko alam brutal mo pala." Binatukan ko nga. Brutal pala ah. "Ouch. Ang brutal mo nga."
"Ang sama mo talaga."
"Hello? Love birds, nandito pa ako."
Napatingin kami pareho ni Brett kay Loisa.
"Wala nagkadevelopan sa aming dalawa. Okay? Maybe I love Brett but as a friend."
"Yes, I know. Palagi mo iyan sinasabi, Thea pero paalala ko lang sayo kahit ganyan iyan si Orion, lalaki pa rin. Pwede pa rin makabuntis ng babae."
"What?!" Namula na siguro ang pisngi ko ngayon. Kung anu-ano na kasi ang sinasabi ng babae ito. Tumingin ako kay Brett dahil nabuga nito ang iniinom niyang tea.
"Alam mo ba pwede kitang singilin dahil ang mahal nitong tea na iniinom ko."
"Wala naman nagsabi sayo ibuga mo yung tea na iniinom mo." Pailing iling pa si Loisa.
"Kung anu-ano kasi ang pinasabi mo. Kontrolin mo naman iyan, girl."
Hala. Mukhang nainis na si Brett kay Loisa. Sa tagal na namin magkakaibigan na tatlo hindi pa ba sanay si Brett kay Loisa. Ako nga sanay na sa kanya.
"Bakit hindi na lang kasi buntisin mo si Thea para wala ng choice ang lolo niya at itigil na iyong kasal."
"What?! No! Baka ano ang mangyari kay lolo pero wag naman sana."
Nakita kong tumayo si Brett. Kulang pa ba yung iniinom niyang tea? Wag sana siya uminom ng maraming tea.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Rest room." Tumango na ako sa kanya bago siya naglakad papuntang rest room.
"May nangyari na ba sa inyong dalawa?" Binaling ko ang tingin ko kay Loisa. Kumunot naman ang noo sa tanong nito. "I mean, like kissing scene."
"Hinalikan niya ako noong pumunta siya sa bahay."
"What?! Masarap ba siya humalik? Magaling rin ba?"
"Hindi ko alam. First kiss ko kasi iyon kaya hindi ko alam."
"My god, Thea. Hindi naman kaya nagkakagusto ka na sa best friend mo?!" Ang lakas talaga ng boses ni Loisa. Palagi nasa full volume, akala mo naman ang layo o bingi yung kausap.
"Imposible."
"Paanong imposible? Dahil ba bakla si Orion?"
"Wala naman siya interesado sa mga babae. Siya pa nga nagsasabi na hindi siya pumapatol sa kapwa niya."
"Pero ano ang masasabi mo sa acting niya para tulungan ka niya lang?"
"Okay naman. Ang galing nga niya umarte biglang lakaki, eh. Hindi pinagdududahan ni lolo si Brett na bakla at saka kilala pala ni lolo yung ama ni Brett."
"Paano niya nakilala?"
"I don't know. Pero tinanong lang ni lolo kung kaanu-ano niya daw si Gilbert Tyson at sinagot niyang ama niya."
"Ano?! Ama ni Orion si Gilbert Tyson, ang magaling na surgeon?! Kaya pala pareho sila ng apilyido."
"Kilala mo rin siya?"
"Yes, sikat na surgeon si dr. Tyson dahil magaling ito."
Bakit hindi ko siya kilala? Noong tinanong lang ni lolo doon ko lang narinig yung pangalan na iyon. Hindi pa kasi ako nakakapunta sa bahay ni Brett kaya wala akong ideya kung anong klaseng pamilya na meron siya.
Nakita ko na may tinatype si Loisa sa cellphone niya at may pinakita siyang article sa internet tungkol kay Gilbert Tyson. Kinuha ko yung cellphone ni Loisa para basahin yung article. Magaling na surgeon talaga siya at sa abroad pa siya nagaral biglang surgeon at ngayon marami na siyang natutulungan na pamilya dahil sa taglay nito. Sa ospital rin kung saan siya nagtatrabaho ay doon niya nakilala ang asawa niya. Wala naman nakasulat rito kung doon rin ba siya nagtatrabaho or what. May dalawang anak na lalaki at isang anak na babae. Sina Wilfred Sebastian Tyson, Orion Brett Tyson at Gabriella Quinn Tyson.
Bakit hindi sinabi sa akin ni Brett na may mga kapatid pala siya? Akala ko only child lang siya katulad ko.
"Sorry kung natagalan ako." Umupo na si Brett kung saan siya nakaupo kanina. "Ano iyang binabasa mo?"
"Ah, wala." Binalik ko na kay Loisa yung cellphone niya.
"Bakit ka ba natagalan? May nakita ka bang papables sa daan?" Sunod-sunod na tanong ni Loisa.
"Wala. Tumawag lang si papa sa akin kanina at pinapauwi na ako."
"Bakit daw?" Takang tanong ko
"Ngayon kasi uuwi yung kapatid kong si Wilfred galing US."
"May kapatid ka pala. Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"Hindi naman importante kung may kapatid ako o wala. Hindi naman kami close ni Wilfred dahil sa simula pa lang ay siya na ang paborito ni papa. Keso magaling daw at siya yung anak ni papa na sumunod sa yapak niya maging surgeon."
"Eh, nasaan ang mama niyo?"
"Naghiwalay sina mama at papa kaya kami ni Gab ang sumama kay mama."
Broken family rin pala si Brett katulad ko pero may communication pa rin siya sa papa niya at kasama niya ang kanyang mama. Ako? Wala. Mukha nga kinalimutan na nila may anak sila rito sa Pilipinas.
Nagpasya na rin kami umuwi pero kinausap ako ni Brett na samahan ko daw siya sa kanila at papakilala daw niya ako sa mama at kapatid niya.
"Mama, Gab, I'm home." Sabi ni Brett pagkapasok namin sa bahay nila.
May isang babae ang lumabas galing sa kusina. Sa tingin ko siya iyong mama ni Brett dahil kamukha niya ito.
"Sakto ang uwi mo, Brett nagluto ako ng paborito mong meryenda." Biglang napatingin sa akin ang mama ni Brett. "Sino naman itong kasama mo? Girlfriend mo?"
Mukhang walang alam ang mama niya na isa siyang bakla kaya wala siyang interesado pumatol sa mga babae.
"Hindi po. Kaibigan ko lang po si Sera."
"Hello po, ma'am."
"Tita na lang itawag mo sa akin. Tutal kaibigan ka rin naman itong anak ko at ngayon lang siya nagdala ng kaibigan dito."
Ngayon lang? Wala bang ibang kaibigan si Brett maliban sa akin?
Napatingin ako kay Brett.
---
"Sorry sa pamilaya ko ah, lalo na si Gab."
"Ayos lang. Pero walang alam ang mama mo na isa kang bakla."
"Hindi pwede baka kasi makarating pa kay papa. Lagot pa ako. Kayo ni Loisa lang ang ang may alam tungkol doon."
"Sige, dito na lang ako sasakay pauwi sa amin."
"Ingat ka paguwi mo at saka text mo ko kung nakauwi ka na sa inyo."
Noong nakauwi na ako ay tinext ko na si Brett nandito na ako sa bahay. Wala ngang reply, sa tingin ko busy sa kanila.
~~~~
Leave a comment and press ☆ to vote
BINABASA MO ANG
My Gay Husband
RomanceNoong nalaman ni Thea na ikakasal na siya sa isang estraherong lalaki. Never never met the guy. Paano na lang kung isa pala iyong masungit yung lalaki? Hindi niya kaya ganoong buhay kaya gumawa siya ng paraan para hindi matuloy ang kasal na iyon at...