Hindi ko na tinanong si mama kung may alam ba siya tungkol sa kambal dahil alam ko naman kasinungalingan lang ni Sera iyon. Walang communication si Sera kahit sino sa pamilya ko dahil kay papa pero ngayon ay naayos na ang lahat.
Dahil nangako ako kay Sera na pupunta kami ng Paris kasama ang mga bata. Kaya pupunta kami doon sa susunod na linggo.
"Pupunta kayo ng Paris tapos kasama niyo yung mga bata." Tugon ni Loisa. Siya naman ang bumisita sa amin.
"Bakit naman hindi? Para naman makapunta rin yung kambal sa ibang bansa." Sagot ko sa kanya.
"Hindi niyo maeenjoy ang city of love pag kasama ang kambal. Sa condo ko na muna sila."
"Baka nakaisturbo kami sayo, Loisa."
"Nah, wala akong pasok dahil may inaasikaso ako para sa pagalis ko sa susunod na buwan."
"Saan ka naman pupunta?" Tanong ni Sera.
"California. Doon kasi ako inassign ng boss ko."
California? Ang pagkaalam ko nandoon si Wilfred ngayon.
"Nice. Baka makita mo si Will doon."
"Psh. Malabo. Sa laki pa naman ng California para magkita kaming dalawa."
"Okay. Salamat. Tawagan mo na lang kami ni Sera kung may nangyari sa kambal ah."
"Wag kayo magaalala babantayan ko iyong kambal para sa inyo. Magenjoy lang kami sa Paris.
Ilang oras rin ang biyahe namin papuntang France. Pumunta na kami ngayon ni Sera sa hotel kung saan kami tutuloy ng ilang araw.
"Ang ganda talaga dito." Tumingin siya sa labas ng bintana. Kita dito ang Eiffel tower. "Ang ganda naman dito. Kita pa yung Eiffel tower."
"Maganda talaga dito." Niyakap ko siya mula sa likod.
"Para tuloy gusto ko pumunta diyan."
"Bukas ng gabi na tayo pumunta diyan. Marami pang maganda lugar na pwede nating puntahan pero bago ang ay magpahinga na muna tayo."
"Okay." Bumitaw na ako sa pagkayakap para pumunta na si Sera sa kama. Isa lang ang higaan sa hotel room namin.
Makalipas ng ilang oras ay nagpasya akong maligo. Pagkatapos ko maligo ay lumabas na ako banyo pero nakita ko si Sera nanonood lang ng tv.
"Ano iyang pinapanood mo?"
"Star Trek. Ang gwapo kasi ni Captain Kirk." Sumimangot ako sa sagot niya. Tumingin naman siya sa akin. "Bakit bigla ka naman diyan sumimangot?"
"Mas gwapo naman ako diyan sa tinatawag mong Captain Kirk, no?"
"Oh my, nagseselos ka sa kanya?" Narinig ko rin ang mahina niyang tawa.
"Hindi, no! Mas hamak namang gwapo ako sa kanya."
"Oo naman. Gwapo ka kaya nga ikaw ang minahal ko, eh."
Okay, tama na. Kinikilig na ako sa sinabi niya. Baka maging bakla na ako ng tuluyan nito.
"Nagugutom na ako, Brett. Kainin na tayo ng hapunan."
"Okay, magsusuot lang ako ng pang-itaas at pupunta tayo sa gusto kong kainan dito."
----
"Mukhang ang mahal naman dito. Doon na lang tayo sa iba, Brett." Sabi ni Sera. Tumawa ako ng mahina.
"Sulit ang pagkain dito."
Sayang rin dahil nakapagreserve na ako dito. Habang natutulog kanina si Sera kanina ay tumawag ako sa kanila para makapagreserve.
BINABASA MO ANG
My Gay Husband
RomanceNoong nalaman ni Thea na ikakasal na siya sa isang estraherong lalaki. Never never met the guy. Paano na lang kung isa pala iyong masungit yung lalaki? Hindi niya kaya ganoong buhay kaya gumawa siya ng paraan para hindi matuloy ang kasal na iyon at...