"WYTE! BUMABA KA NA NGA RITO! NGAYON NA! ANO NANAMAN TO HA? BILIS-BILISAN MO NGANG PUMUNTA DITO! IKAW NA BATA KA, HINDI KO TALAGA ALAM KUNG SAAN KA NAGMANA!" malakas na sigaw ni Mommy.
Eto na naman tayo. Hays. Nakakasawa rin pala yung ganito.
Bumaba na ako at sinalubong si Mommy na hindi maipinta ang mukha.
"WYTE! WHAT THE HELL IS HAPPENING TO YOU?! Ano ba?! Hindi ka na ba talaga titino? Nakatanggap nanaman ako ng letter galing sa school mo at nakipag away ka nanaman daw! Nag aaral ka pa ba o puro away na Lang and alam mo?!" Galit na sigaw ni Mommy na nakapag pagulat sakin.
"W-what? Mommy it's not true!--"
"It's not true? It's not true? Ha! Eto oh! May picture! Kitang Kita dito na sinasabunutan mo Yung babae! Magsisinungaling ka pa!"
"But Mommy, it's...it's not my fault! I'll explain! Sya Po nag umpisa non momm---"
Naputol ang sinasabi ko dahil sa napaka sakit na sabunot ni Mommy.
"Mom! Masakit po! Araaaay! Mommy masakit po!"
Dahil dun tinigilan na ko ni mommy. Hindi ko nga rin lubusang maisip na magagawa nya saakin iyon. Bakit di nya ko kayang paniwalaan? Ni pakinggan man Lang Hindi nya magawa.
Masakit
Napakasakit
"Argh! You're making my life a shit!"
Matapos non ay umalis na sa harap ko si Mommy at dumiretso sa kitchen.
I'm making her life a shit? Ha. HAHAHAHA! Napaka sarap pakinggan nun galing saking sariling ina!
Gustong gusto Kong sagutin si Mommy at gusto Kong ipangalandakan sakanya na mali sya pero di ko magawa Kasi di ako ganun.
Di ko kayang Gawin yon. I love my parents even if they treat me like that way.
***
7pm
I'm here at my room, wasting time thinking if I deserve this.
Do I really deserve this?
Ganun ba ko kasama? Sa pagkakaalam ko kase, ginagawa ko naman lahat para maging isang mabuting bata sa paningin ng parents ko...at sa lahat.
Pero parang nababaliktad ata ako.
Sana may dumating na himala! HAHAHA kase parang di ko na kakayanin pa.
Nagsasawa na kong masaktan at naaawa na Rin ako sa sarili ko. Paulit ulit na lang... Napakasakit na.