Manhid.
Wala akong ibang maramdaman kundi poot, galit at..
Pagkaawa saaking sarili.
Bakit nagkaganto? Bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit ako?
I love them, i really do. Pero bakit sila, hindi nila ako kayang mahalin? Anak naman nila ako diba? Naging masama ba ako? wala ba talaga akong kwenta? Bakit?
Gusto kong mapag isa at ayoko na dito. Aalis ako, hindi ko alam kung saan ako pupunta pero aalis ako. Bahala na.
***
Ilang oras akong nag isip at eto na nga inihahanda ko na ang mga gamit ko. Sa ilang oras ko dito sa kwarto ni hindi man lang naisip ng parents ko na puntahan ako, great!
Siguro wala talaga silang pake sakin, kaya aalis na lang ako. Wala akong pupuntahan pero I don't want to stay in this place.
Nilagay ko sa bag ko ang mga gamit ko. Damit, phone, pera at mga bagay na kakailanganin ko.
Handa na ko.
Buo na ang desisyon ko.
Aalis ako.
well, wala naman silang pakealam. Lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko.
Binuksan ko na ang pinto ng kwarto ko and there, i saw my brother. He's sitting in front of my door.
Naguilty ako bigla.. nakalimutan ko na may kuya pa ako na handang makinig saakin..
"Kuya.."
tinignan ako ni kuya at dali-dali syang napatayo at niyakap ako.
"YUNA! I'm very sorry. Sorry hindi kita naipagtanggol kay mommy, sorry wala akong nagawa."
"Kuya.. Ano--"
"Yuna bakit may dala kang bag? ano yan? aalis ka ba? saan ka pupunta? Yuna?"
Napatitig ako kay kuya.. he's sad..and hurt. But I'm also hurt! I'm sorry kuya Drake.
"Kuya kailangan ko munang mapag-isa. Sorry pero aalis muna ako, ayoko na dito sorry."
"Yuna? pero... sige. Mahal kita Yuna at lagi lang akong nandito. Ayokong paalisin ka pero... siguro kailangan mo ngang mapag-isa.. at mag isip. I love you, Yuna"
"Salamat kuya... a-aalis na ako"
Hindi ko na sya nilingon pa. Masakit makita si kuya ng ganun pero mas masakit yung nararamdaman ko ngayon.
Umalis ako ng bahay at iniwan sila, ni hindi ko man lang nga nakita si Mommy at Daddy pero ayos lang. Ayaw ko na makita sila dahil masyado ng masakit.
***
It's 5pm at hindi ko alam kung nasaan ako. Kakababa ko lang ng bus at heto ako ngayon, hindi ko alam kung saan pupunta.Pero mas maayos na ito, kesa naman mag stay ako sa bahay.
Sobrang daming tanong ang nabubuo sa isip ko pero gusto ko munang kalimutan lahat.
Kahit ngayong araw lang.
Patuloy lang ako sa pag lalakad habang nakayuko, tahimik, at hindi alam ang patutunguhan. Napakatahimik din ng paligid at papalubog na rin ang araw.
Nag ring ang phone ko at dali dali ko itong kinuha.
Maine is calling and I answered it.
"..."
"Yuna where the hell are you? Your brother told us na umalis ka daw because of your family problem. You can stay with me naman, you have friends, you have us. Pwede mo naman kaming sabihan o puntahan, bakit---"
Pinutol ko ang sasabihin nya.
"Sorry Maine, Gusto ko lang mapag-isa and ayos lang naman ako. Kaya ko to, ako pa. Babalik din ako... hindi ko lang alam kung kailan. I love you Maine, all of you"
Matapos yun ay hindi ko na sya hinintay na sumagot pa at pinatay ko na ang tawag. Pinatay ko na din ang phone ko dahil baka ipatrack pa ako nun.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at medyo dumidilim na. Ang tahimik kaya naman nakakarelax ang paligid. Panandalian kong nakalimutan lahat ng isiisip ko. Hindi ko--
"Argh"
"Anak ng! Sorry! tulungan na kita"
Shit.
Ang sakit nun.
Napaupo ako sa sahig dahil may nakabunggo sakin. Argh. Ang sakit nun ha, pero mas masakit pa rin na wala lang ako sa parents ko. So ayun sabi ko nga enough muna sa drama.
"Sorry, ano, h-hindi ko sinasadya.."
Isang lalaki.
Inabot nya saakin ang kamay nya at tinulungan nya akong tumayo.
"It's okay. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko." pag amin ko.
"Ahh ano hindi! may kasalanan din naman ako! kaya dahil dyan I'll treat you! sumama ka sakin"
1..
2..
3..
4..
5..
Nakatitig lang ako sakanya dahil sino ba naman magyayaya ng ganun kung kakakilala nyo palang?! Paano kung rapist to? kidnapper? drug user? Mapapahamak pa ako ng hindi oras?! Hindi ako sasama! anong akala nya saakin utu-uto?!
"Hindi ako rapist! ano ka ba naman! sa gwapo kong ito.."
Nangunot ang noo ko and did he just.. read my mind?
"No. Hindi ko binabasa yang isip mo.. halata lang talaga sa mukha mo na yun ang iniisip mo saakin. Lol! sino nga ba namang magyayaya diba? ngayon lang tayo nagkita at syempre hindi ka sasama"
"Oo, hindi talaga"
"Sige pero bakit ka pa palakad lakad ha? Dumidilim na.. san punta mo?"
Bat ba napakadaldal netong lalaki na to? kung makapag tanong kala mo close kami pero di bale na, wala naman sigurong masama kung sumagot diba?
"Sa...ano...sa..." shit. hindi ko nga pala alam kung saan ako pupunta.
"Got yah! hindi mo alam kung saan ka pupunta ano? hula ko..naglayas ka? hmm.. tara sumama ka saakin. I'll treat you because of what happened and ipaghahanap na rin kita ng lugar na matitirahan. Promise! wala akong gagawing masama!"
"..."
"Osige.. Ayaw mong sumama? dumidilim na at maraming mga lasinggero ang dumadaan dito kapag ganitong oras, ayos lang ba yun sayo?"
I don't have a choice. Tinignan ko sya ng masama at itinaas nya naman ang kanyang mga kamay na para bang sumusuko. Mukha namang mapagkakatiwalaan to, wag lang talaga syang gagawa ng kalokohan dahil baka sakanya ko mabuhos lahat ng galit ko.
"Okay but be sure na wala kang gagawin!"
"Oo promise! By the way I'm Jed Bartolo and you are?"
"Yuna Zappre... It's not that nice to meet you, Jed"
"Lol! it's so nice to meet you Yuna!"