CHAPTER 3

17 6 0
                                    

Aish! Nababadtrip ako! Sino ba kasing bumoto sakin? Wala naman akong kaalam alam sa ganito. Ako? Sasali sa pageant? Kahit kailan Hindi ko naisip Yun eh.

Siguradong pinagtitripan lang nila ko para kapag natalo ako may bago nanaman Silang maisusumbat sakin diba? Ganun naman palagi.

Papunta akong cafeteria ngayon, lunch break na kase. Habang naglalakad ako may lumapit sakin na grupo ng mga lalake. Syempre napahinto ako -_-

"Anong kailangan nyo?" Walang emosyong tanong ko.

"Pre ano daw kailangan natin? Hahahaha!"

"Akala mo naman kinaganda mo yan"

Aalis na Sana ako Kasi nonsense naman ang sinasabi nila. Pero nagsalita ang Isa pa sa kanila na na nakakuha sa atensyon ko.

" Siguro naman...alam mo na ngayon na ikaw ang magiging representative ng klase nyo? Wala man lang bang thank you dyan? Diba mga pare?"

"Ano? Anong sinabi mo? Ikaw Yung bumoto sakin? Ikaw ang nagsali sakin don?"

"Yup!" Sabi nya habang nakangisi. Ano to? Proud pa sya ganon? -_-

"Nasisiraan ka na ba ng ulo ha? Ano bang trip nyo? Ang dami namang iba dyan sa tabi tabi bakit ako pa?!" Medyo napalakas ang boses dahil sa inis.

"Woah. Easy Miss. Wala ka ng magagawa dahil nandyan na Yan. Good luck na lang Bye!"

Pagkatapos nyang sabihin yon, umalis na sila sa harapan ko.

Argh! Nakakainis! Ang sarap murahin ng walang katapusan!

***

Pagbalik ko sa classroom parang iba yung pakiramdam. Napakatahimik​ ng paligid. Ano na naman to? -_-

Pagbukas ko ng pinto sinalubong ako ng mga papel na ibinabato nila sakin. Masakit ah, sakto sa mukha talaga dapat?

"Booooo"

"Matatalo tayo dahil sa kanya!"

"Batuhin nyo pa!"

"Yeah! She's a trash!"

"ARAY! ANO BA? TAMA NA! ITIGIL NYO NGA TO!"

Napasigaw na lang ako sa sakit. Kasi Yung ibang papel na hinahagis nila may lamang bato sa loob.

"Anong Tama na? Kulang pa nga Yan eh!"

"Kaya nga! Dapat Kasi Hindi Ikaw Yung lalaban sa pageant na yon!"

"Mas maganda kami sayo duh!"

Bakit? Kasalanan ko ba yon? Ginusto ko ba yon? Bakit ganito sila?! Alam naman nila na ayaw ko rin neto pero mas pinipili nilang mag bulag bulagan.

Magsasalita pa sana ako pero bigla kong naramdaman na para bang hindi na nila ako binabato.

Pagtingin ko sa harapan ko may isang lalaking nakaharap din saakin. Mas matangkad sya saakin Kaya sya ang sumasalo sa mga binabato nila. Pero napatigil na lamang sila ng makita nila etong lalaking to. He's not familiar to me. I've never seen his face before. Who is he?

"Hindi ka dapat nagpapaapi sa kanila" mahinang pagsasalita nya na tama lang para marinig ko.

"Hindi ka na dapat humarang pa, nasaktan ka lang tuloy"

Pagkatapos kong sabihin yon ay bahagya ko syang tinulak para makadaan ako. Dumeretcho na lang ako sa upuan ko at saktong dumating ang prof namin.

Yung itsura nya gulat dahil sa gulo at kalat ng classroom. Pero Hindi rin naman yon nagtagal.

"Uy buti nandito ka na! So class you have a new classmate! Mr, Introduce yourself please"

"I'm Clint Xyper Dela Rosa. 19 years of age. Nice to meet you all"

"Okey so class be kind to him ha? Treat him as your brother not your enemy okey?"

"Yes ma'am!"

Nag bow sya at naghanap ng vacant na upuan. Napatingin ako sa right side ko, walang nakaupo ron.

Then tumingin ako sa left side ko and wala ring nakaupo.

Wala namang gusto tumabi saakin. Lahat sila ayaw sakin.

Nagulat na lang ako ng bigla syang umupo sa right side ko. Tinignan nya lang ako at ibinalik na ulit ang tingin nya sa harapan.

Cold.

At syempre nagsimula na naman ang bulung bulungan-_- ano nanaman ba?! Dahil sakin sya tumabi? Kung gusto pala nila syang makatabi edi Sana sapilitan nilang kinuha at pinaupo sa tabi nila para naman wala Silang masabi sakin diba? Lahat na lang. Kainis.

-_-

I think it's youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon