CHAPTER 9

7 0 0
                                    

It's 6:45pm at nasa isang uh.. is this carinderia? Basta iyon. Narito kami ngayon dahil i ttreat nya daw ako dahil sa nangyari kanina.

"Dito ako kumakain palagi dahil masarap ang luto dito. U should try it! mas sulit pa to kesa sa mga mamahaling restaurant" -Jed

"Okay."

Wala ako sa mood ngayon para makipag-usap dahil na rin sa nangyari sa bahay pero--

"Hoy! Ang tahimik mo naman" -Jed

"Hayaan mo na lang ako"

"May problema ka?" -Jed

"Wala."

"May problema ka e. Sabihin mo---"

Naputol ang sasabihin nya dahil inihatid na ang mga binili nya. Buti na lang.

"Hijo eto na oh. Kasintahan mo ba itong kasama mo? Naku maganda ha.."

"Nako hindi po manang hehe" -Jed

"Ah ganun ba.. osige maiwan ko na kayo, salamat ulit"

Matapos nga nun ay umalis na yung tinawag ni Jed na manang. Tsk. Napagkamalan pa akong girlfriend nito.

"Wag mo na lang pansinin iyon hehe. Oh kumain ka na."

Tinitigan ko lang sya. Mukha naman syang mabait at mapagkakatiwalaan. Maybe I should thank him dahil pansamantala kong nakalimutan yung nagyari at yung problema ko.

"Oo alam kong gwapo ako kaya wag mo na akong titigan. Ang sabi ko kumain ka na"

"Yabang."

Tinawanan nya lang ako at nagsimula na nga kaming kumain. Well, masarap nga. Mas masarap pa kesa sa mga pagkaing kinakain namin sa mamahaling restaurant​. Mag papasalamat na lang ako sakanya mamaya.

***

7:20 pm

Naglalakad lakad kami ngayon at walang nag sasalita saamin. Ngayon ko lang naalala! wala nga pala akong matutuluyan!

Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto rin sya.

"Oh bakit?" tanong niya.

"Wala bang hotel dito or what? kailangan ko ng matutuluyan at ang sabi mo ikaw ang bahala doon?"

"Ah yeah. Walang hotel dito dahil bayan ito pero akong bahala sayo!"

"siguraduhin mo lang!"

"Yes ma'am!"

Pinanood ko lang sya habang may tinatawagan sya sa kanyang phone. Maya maya lang ay may sumagot na ng tawag.

"Ate...yes... I'm here malapit sa  ***** carinderia. Pwedeng pasundo please?... Thanks! and may kasama pala ako... Sige thank you, i love you!"

After that ay pinatay nya na ang tawag at humarap saakin.

"Hintayin lang natin si Ate"

"..."

Napakatahimik na naman. Ramdam ko ang pagdampi ng hangin sa aking balat. Naalala ko na naman, si mommy, si daddy.

Ang sakit.

"Hoy! bakit ka umiiyak?" tanong ni Jed.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako kaya dali dali kong pinunasan ang mga luha ko. Fcking tears. Hindi na naubos.

"Ayos ka lang ba? Ano bang problema mo? Pero ayos lang kung hindi---" -Jed

"Sabi nila...mas better na sa stranger mo sabihin yung problema mo o yung mga nararamdaman mo, kasi hindi ka nila mahuhusgahan"

Matapos kong sabihin yun ay nagsibagsakan na naman ang mga luha ko.

"Oh"

pagkasabi nya nun ay inilahad nya sa akin ang isang panyo. At inaya ako na maupo sa damuhan.

"Alam mo ang sakit. Umalis ako saamin...kasi hindi ko na kaya...para akong nasa impyerno kapag nandoon ako sa bahay namin. Lahat ng kamalian ko napapansin nila pero yung mga tama kong ginawa lahat nabalewala!"

Humarap ako kay Jed at ayun sya nakikinig lamang saakin.

"Siguro nga hindi ako mahal ng parents ko. Wala kasi akong kwenta para sa kanila. Kanina...kanina sinaktan na naman ako ni mommy...halos hindi ko na nga mabilang kung pang ilang beses na iyon. Umalis na lang ako kasi ayoko ng maulit dahil...dahil masyado ng masakit"

"Kapag may nangyari sa school hindi man lang nila ako hahayaan na mag explain. Sampal at sabunot agad ang natatanggap ko. Ilang beses ko na ring natanong sa sarili ko kung anak nga ba talaga nila ako?"

"Masyadong masakit. Baka hindi ko na kayanin"

"Yuna..." -Jed

"Hayaan mo muna ako dahil sayo lang ako nagsabi. Gusto ko lang ilabas lahat ng sakit, lahat ng sama ng loob ko, lahat lahat."

"Yuna...tsk! di ako marunong mag advice pero alam kong magiging maayos din ang lahat" -Jed

Tinignan ko sya at nakikita ko ang awa sa mga mata nya.

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa bigla na lang akong nahilo.

At

Naging madilim ang paligid.

Sobrang.

Dilim.









Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I think it's youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon