CHAPTER 6

16 1 0
                                    

"Kuya! What's the name of your girlfriend again?" tanong ko kay kuya. Sorry nakalimutan ko eh

"Mitch nga kase" oh-oh inis na sya.

"Sabi ko nga, mauna na nga ako sa school. Napakabagal mo, malelate na ko bye!"

Ngayon na ang araw na papasok si kuya sa school na pinapasukan ko. Alam nya na rin yung tungkol sa pageant. Sa makalawa magpapractice na daw ako ng mga lakad na pang beauty queen sabi nila Alexa. Tsk

Ang pinoproblema ko ay yung talent. wala kase ako nun.

Sumakay na ako ng taxi. May car kami pero hindi ko pa pwedeng gamitin kase wala pa akong 18.

Aish! Bakit ba kase ako pa yung napagtripan ng lalake na yon? Humanda sya sakin kapag nagkita ulit kami! Binigyan nya ako ng napakaraming problema.

Bumaba na ako ng taxi, hanggang dito lang sa kanto papunta sa school namin. Hindi na kase pwedeng dumaretso yung taxi kaya lalakarin ko na lang. Sana lang di ako malate

Pero nakakapanibago ngayon.

Walang estudyante ang naglalakad dito, kadalasan naman meron. Hayaan na nga baka late na talaga ako.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko pero di ako mapakali. Pakiramdam ko may nakatingin sakin.

Inikot ko ang paningin ko pero wala akong nakitang tao, napakatahimik ng paligid.

Tinuloy ko na lang ang paglalakad ko. tsk.

Natatanaw ko na ang gate ng school, malapit na sana ako kaso may humarang ng limang lalaki sa dadaanan ko.

Ah. kaya naman pala walang estudyanteng naglalakad dito. Dahil yon sa kanila. Kinakatakutan sila sa school, kilala sila bilang Lions at kung ikaw ang magiging target nila at sa tingin mo mahina ka, wala kang takas.

"Miss, mukhang nag iisa ka ah?" sabi nung isa na pula ang buhok.

"Hindi ba halata? Excuse me lang dadaan ako" sabi ko. Kung lahat ng estudyante sa school takot sa kanila, pwes ako hindi. Pasensya na.

"Aba sumasagot ka pa ha?! Miss, kung ayaw mong masaktan sumama ka na lang samin. Sandali lang naman eh maglalaro lang tayo" sabi nung isa na maraming hikaw.

"pasensya na pero sanay na kong masaktan eh"

"Kaya ka matapang ngayon? Sumama ka na lang samin! sayang ganda mo kung masasaktan ka lang"

"Ayoko nga!" matigas na sabi ko. -_-

"Aba ayaw talaga mga pre. Sapilitan na toooo"

Bago pa ako makatakbo, nahawakan na nung dalawa ang magkabilang braso ko at pwersahang hinila. Putcha ang harsh. Masakit yung pagkakahawak nila pero sanay na ko.

"Bitawan nyo nga ako! ayaw ko nga sabi! ANO BA! NAUULOL NA BA KAYO HA!?" sigaw ko pero parang hindi nila ako narinig. bingibingihan!

"HOY!"

May sumigaw sa likuran namin kaya tumingin sila doon, syempre napatingin rin ako -_-

Teka, sya yon ah? sya nga yon! yung nagsali sakin sa pageant! at yung isa, yung transferee. Ano nga ulit pangalan nya? Xander? Xybel? Xyper? Ah oo Xyper nga.

So ano to? Pinagplanuhan nila? tsk.

"Bitawan nyo nga sya" sabay na sabi nila.

"Ginagaya mo ba ako?" sabay na naman sila. *facepalm*

"HOY! KAYONG DALAWA! WAG NA LANG KAYONG MAKEALAM DITO KUNG AYAW NYONG MASAKTAN!" sabi nung parang leader ng mga to.

Naglakad na ulit kami habang nag pupumiglas ako. Letse late na ako bwisit.

I think it's youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon