"Oy! kanina pa ako salita ng salita dito tapos hindi ka naman pala nakikinig! Aish! ano ba yang iniisip mo ha?" -Kuya
"Wala. Magdrive ka na nga kang dyan -_-"
"Sungit"
Nandito kami ngayon sa kotse. Yeah dinala ni kuya. Psh unfair, buti pa sya pwede ng mag drive.
Tama sya kanina, hindi nga ako nakikinig sa kanya kase namn hanggang ngayon ginugulo parin ako nung sinabi ni Xyper. Bwisit.
*FLASHBACK*
"But I like you. You're the one I like. Yeah it's you. ONLY.YOU."
"What? pinagtitripan mo ba ako ha?"
"Hindi, seryoso ako, I like you. Una pa lang kitang makita alam ko ng may kakaiba sayo. Your stare, your aura, everything. Masyadong kakaiba at ikaw pa lang yung nakapag paramdam sakin na para bang kailangan kitang protektahan at kailangan lagi akong nasa tabi mo"
Nakatingin lang ako sa kanya at hindi makapaniwala. Sa ganun kadaling panahon nagkagusto sya sakin? Di ko alam ang sasabihin ko.
"Tahimik lang ako pero lagi kitang pinagmamasdan. Maaaring hindi mo napapansin pero totoo yon. I like you at alam kong hanggang doon na kang yon. Pero sana hayaan mo ako na gustuhin ka kahit hindi mo ako gustohin pabalik. Sinisigurado kong hindi na mas lalalim pa yon"
Hindi na ako nakapag salita kaya pinagpatuloy nya na lang ang pag gamot sa sugat ko. Napa seryoso nya.
*END OF FLASHBACK*
Di pa rin talaga ako makapaniwala kase di ba parang napakabilis naman non? Ganun ba talaga kabilis kapag nagkagusto ka sa isang tao?
"YUNAAAAAAAA!"
"What?!" Gulat na sigaw ko kay kuya. Bakit ba kase kailangan manggulat? -_-
"Ano bang iniisip mo ha? kanina ka pa nakatulala dyan at kanina ko pa rin sinasabi na nandito na tayo sa bahay. Nako ikaw talaga!"
Lumabas na kami ng kotse at pumasok sa loob ng bahay and to mu surprise nandito pala sila Mommy.
"Oh dear, Drake? How are you? na miss kita anak! kamusta ang bagong school?" tanong ni Mommy kay kuya at niyakap ito.
Gusto kong magselos, pero hindi pwede. Si kuya na nga lang ang kakampi ko dito, pagseselosan ko pa ba?
Pero I wish sabihan din ako ni Mommy ng ganun. Sana kamustahin nya rin ako.
"Ayos lang Ma and na miss ko rin po kayo" nakangiting sabi ni kuya.
"Anak marami bang maganda sa school mo ha?" -Daddy
"Nako dad hindi ko type. Para sakin hindi sila maganda! hahaha"
At pagkatapos non nagtawanan na sila. Wow. parang hindi ako nag eexist dito. Sila masaya habang ako ano? tsk.
Umalis na lang ako don upang hindi na pagselosan si kuya. Pero nung nasa hagdan na ako bigla akong tinawag ni Mommy.
"Wyte? Ano yang nasa braso mo? Nakipag away ka nanaman ba? Bakit may pasa ka dyan?" -Mommy
"Yuna bumaba ka nga dito" - Daddy
"Yuna anong nangyari dyan?" - Kuya
"Wala lang po ito. Hindi po ako nakipag away"
"Anong wala? Alam kong nakioag away ka! ebidensya na nga yan mag sisinungaling ka pa!"
Dahan dahang pumunta sa gawi ko si Mommy. Yung mukha nya halatang galit, lagi naman eh. Mukhang alam ko na ang mangyayari.
*SLAP*
Sinampal ako ni Mommy.
"MAY BALAK KA PA BANG MAGTINO HA!?"
Pagkatapos sabihin ni Mommy yon ay sinabunutan nya ako at napakasakit non.
"Ma! tama na! Bitawan nyo po si Yuna!"
"Wag mong kampihan ang kapatid mo. Dapat lang yan sakanya" -Daddy
Hindi ko na kaya, di ko na kaya yung ganito. I'm not just hurt physically but also emotionally. Parang unti unting nadudurog ang puso ko. It hurts every part of me, di ko na kayang magpigil. Sawang sawa na ako, ayoko na.
"MA! TAMA NA! AYOKO NA! NAPAKASAKIT NA!"
Dahil sa sigaw ko na yon ay binitawan ako ni Mommy at gulat silang napatingin sakin. Unti unting tumulo ang mga luha ko.
"MOM, DAD, ANG SAKIT NA! Masyado ng masakit dito" sabi ko at itinuro ang puso ko"Anak nyo ba talaga ako? kung sasabihin nyong hindi, ayos lang kesa sa ginaganito nyo ako. Nakakasawa rin po kasi na puro kamalian ko nalang ang nakikita nyo. Hindi nyo man lang ako magawang pakinggan, hindi nyo man lang ako magawang kampihan, ni kamustahin nga hindi nyo magawa" patuloy parin ako sa pagsasalita habang patuloy ring bumabagsak ang mga luha ko.
"Mom,Dad, alam nyo bang kahit isang minuto eh hindi ko man lang naramdaman na kasali pala ako sa pamilya na to? Masakit at mahirap magpanggap na ayos lang ako habang pinapanood ko kayong tatlo na masaya at sabay sabay na tumatawa. Yung tipong parang walang isang Yuna na nag eexist sa mundo. Napaka sakit na meron akong mga magulang pero hindi ko naman maramdaman. Di nyo man lang ako mabigyan kahit kaonting pagmamahal lang. Gusto ko ng atensyon pero hindi sa ganong paraan. Gusto kong maranasan na may nangangamusta sakin na magulang. Si kuya, sya na lang yung tanging kakampi ko dito. Sya na lang yung tanging nagmamahal at naniniwala saakin. Pero kayo? wala. di nyo magawa. Ayoko na po. Sawang sawa na ko. Hindi ko na kaya. Kaya Simula ngayong araw na to tatanggapin kong wala na akong mga magulang at iisipin kong si kuya na lang ang natitirang pamilya ko."
Pagkatapos kong sabihin yon ay umakyat na ako papunta saaking kwarto.
Pakiramdam ko wasak na wasak ako. Ayokong bumalik sa dati. ayokong bumalik sa pagiging malamig katulad ng yelo.
Sana hindi mangyari. Mahirap, napaka hirap.