CHAPTER 2

28 2 0
                                    

It's Monday, kailangan kong pumasok para naman kahit papano may maipagmalaki pa ako sa mga magulang ko.

Anim na araw na ang nakalipas Mula nung sermonan ako ni Mommy, Parang may dumating na himala dahil pag katapos non wala na ulit syang natanggap na letter galing sa school.

Ewan ko ba bakit lagi na lang ganito. Magpapadala sila ng letter sa mommy ko tapos ang lalabas eh ako nanaman ang may kasalan. Nakakainis na sa totoo lang.

***

Pagdating ko sa school pinagtitinginan ako ng mga tao, alam kong sikat ako dahil Lagi akong nasasama sa mga gulo dito sa school. Pero iba ngayon. Ang iba ay masama ang tingin saaki. At ang iba naman ay Parang hindi makapaniwala. Pero saan? Hindi makapaniwala saan?

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad para marating ko na ang aming classroom. Sa totoo lang, nakakailang ang mga tingin nila. Ano bang dahilan non?

"Huh? Totoo ba to? Bakit sya Yung binoto? Eh di hamak na mas maganda at mas sexy naman ako sakanya!"

"Kaya nga! Sino bang nag sali sakanya dito? Naagawan tuloy tayo ng pwesto"

"Girls, hayaan nyo na, we're not on the same level Kaya hayaan nyo na lang. Hindi naman mananalo Yan for sure!"

"Ah yeah she's right! Let's go na nga! We are only wasting our time here"

Rinig long pag uusap ng mga kaklase ko na ngayon ay naglalakad na palayo. Kanina nasa tapat sila ng bulletin board na para bang may tinitignan.

Marami ring tao ang nag kakagulo don Kaya hindi nako nakipag siksikan pa. Hindi naman siguro importante yon.

Pagkadating ko sa classroom lahat sila ay nakatingin sakin. Ano bang meron ?

"Nakooo nandyan na po ang warfreak"

"Tumabi kayo sa dadaanan ng Reyna"

"Sino ba kasing bumoto sa kanya? Duh"

Ilan lang yan sa mga pagpaparinig nila sakin. Sanay na ako sa ganito. Kung inaaraw araw ba naman nila eh Hindi pa ako masasanay?

Umupo na ako sa upuan ko at nanahimik na lang. Tsk. Yung naman ang palagi kong ginagawa, ang manahimik kahit nasasaktan na.

Dumating na ang prof namin at pinaupo kaming lahat dahil may iaannounce daw syang importante.

"So siguro naman alam nyo ng lahat  ang magaganap na pageant next month, at Ikaw Miss Zappre ang magiging representative ng ating section. It's exciting right?"

"A-ako? Maam! Pero bakit ako? Wala naman akong kaalam alam dyan baka matalo lang tayo. Humanap na lang Po kayo ng iba. Ayoko pong sumali!" Pagpoprotesta ko.

"Well, talaga nga namang matatalo Yung section natin kung sya Yung lalaban diba! Hahaha"

"Oo nga ma'am! Pumili na lang kayo ng iba! Yung siguradong magpapanalo saatin. Hindi yung katulad nya! Diba?"

"Class quiet! Alam nyo naman ang rule diba? Kung Sino ang unang binoto sya ang lalaban. Magtiwala kayo! Mananalo tayo diba Miss Zappre? HAHAHAHA"

Ano bang klaseng teacher ito? Nakakainis sya ha. Tsaka Teka, Sino bang bumoto sakin?

"Pero ma'am ayoko Po talaga. I've never been in a pageant before. Ayoko Po please"

"I'm sorry Miss Zappre pero wala ka ng magagawa. That's final."
Nakangising Sabi nya.

Urgh! Pinagtitripan ba nila ako? Nakakainis sila!

I think it's youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon