Manhid-manhidan (1)

665 28 1
                                    

Napangiti ako habang binabasa bagong issue ng isang business magazine. Hindi lang siya featured ngayon. Siya ang nasa cover. It's about time they recognized how great she is.

Her name is Contessa Beatrice Venganza. Most people know her as Contessa, Guadalupe Venganza's daughter. To me, however, she will always be Bea. Kaibigan ko, business partner, mahal ko at---

"EEEEEMKAAAAAY!!!"

Nagulat ako nang may biglang dumamba sa akin mula sa likuran.

"Aray! Ano ba, Venganza?!" kunot-noo kong baling kay Dora este Bea na kapit-tuko ngayon sa akin. "Sakit sa tenga, ha."

Bigla naman siyang napasimangot sa sinabi ko.

Jusko, Bea. Huwag kang ganyan. Halikan kita eh.

"Ay... Di mo ko nami-miss? Di mo ako nami-mish ha, MK?" nakanguso siya habang naka-akbay sa akin at sinusundot-sundot ang pisngi ko.

Problema nito?

"Problema mo?" Inalis ko ang pagkaka-akbay niya. Napatigil ako sa paglalakad nang hindi siya sumunod.

Paglingon ko, ayun na naman. Naka-pout lang habang nakatingin sa akin ang malaki niyang mata. Parang nagpapa-awa. Seryoso, trenta na ba ang edad nitong ni manang, o tatlo? Parang bata eh. "Most Innovative Tycoon of the Year" daw. May pa "The name is Contessa Venganza" pang nalalaman.

Napabungtong-hininga na lang ako at naglakad pabalik sa kanya. Hinila ko siya palapit sa akin at niyakap ng mahigpit. Mahirap na, baka umiyak pa.

Bahagya kong ginulo ang buhok at hinalikan ang ulo niya. Gustong-gusto niya yun habang niyayakap ko siya.

Gumanti naman siya ng yakap at sumiksik pa sa leeg ko. Juskolord! Mama Guada, yung anak niyo po, oh! Hinaharot ako.

Tumikhim ako. Sana hindi niya marinig ang tibok ng puso ko sa sobrang lakas. Pulang-pula na ang mukha ko. Nakatingin na rin ang ilan sa mga customers sa loob ng restaurant na pagmamay-ari namin ng kapatid ko, pero hindi ko na lang pinansin.

"Okay ka na?"

"Uhmm-hmm."

Saglit niya pang hinigpitan ang yakap niya bago lumayo ng kaunti.

Ayan. Ayan na naman yang ngiti niyang nawawala ang mata sa paniningkit.

"Anong meron at nagpapa-baby ka ngayon sakin?"

"Masama ba?" Nakanguso na naman siya. Nako!

"Wag ako. Kilala kita. May kailangan ka, ano?"

"Eh... Oo sana."

Natawa na lang ako at pinanggigilan ang pisngi niya.

"Halika na nga. May dala akong sineguelas galing probinsya."

Hinila ko na siya papunta sa office ko.

"Kanino galing?"

"Kay Liam."

"Wag na lang."

Bibitaw sana siya pero hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya.

"Charot lang. Kakabalik lang ni Sam galing sa bakasyon niya. Ang dami niyang dala. Merong isang supot dun na para talaga sa'yo."

"Yehey!"

Tsk. Parang bata talaga.





Nakatitig lang ako sa kanya nung dinidil niya ang prutas sa asin bago yun sinubo. Enjoy na enjoy siya habang kumakain, parang kinikilig pa.

Ang cute! Pucha, yung puso ko! Kelan pa naging sexy ang pagkain ng sineguelas?!

"Beh," tawag ko sa kanya.

Ano? May angal kayo? Ha?

"Hmmm?" Humarap siya sakin habang kagat pa rin yung sineguelas pero yung isang kamay niya nasa lalagyan na. Kukuha na naman. Ang takaw. Jusko, lab. Naglilihi ka?

Yung mata niya habang inosenteng nakatingin sakin... Hayy...

Nagsimula nang kumunot ang noo niya. Ang tagal ko kasing nakatitig lang sa kanya. Hay nako, Bea... Bakit nga ba mahal kita?

"Kahit di pinapansin ang damdamin ko
Heto pa rin ako
Nagmamahal ng tapat sa'yo

Bakit nga ba mahal kita
Kahit pa may mahal ka nang iba"

Yudiyati!

Sinamaan ko ng tingin ang pinto. Ang lakas ng ringtone. Fiesta lang, pre?! Basagin ko yang cellphone mo eh. Sino ba yan, ha? Sisantehin kita.

"MK, ano yun?"

Ayan na naman yung MK na yan.

'Mumo Ko' raw ang ibig sabihin nun. Mukha raw kasi akong mumo sa madalas na ayos ng buhok ko.

Eh di wow. Siya na 'tong palaging plantsado ang buhok. Pake niya ba, eh sa trip ko ang messy hair, don't care look ko? Zoe Velasquez, 'to no. Ang ganda ko kaya.

Okay lang. Mumo man ako sa paningin niya, kanyang-kanya lang rin naman. Ayieeee! Teka, Zoe, kalma.

Pero hindi pa rin ako makapaniwala. Posible palang maging ganito kayo ka close ng ex mo?

Oo. Naging kami, pero naghiwalay din.

Minahal ko naman. Wala na nga siguro akong ibang ginawa kundi mahalin siya. Kaso, ayun. May nakilalang bago. Nilandi, nagpalandi, at naglandi--- I mean, nagmahal.

Iyak ako nang iyak noon sa harap niya. Maraming luha at uhog ang tumulo pero wala talaga.

Pero ni minsan hindi ako nagalit sa kanya. Ganun talaga siguro kapag mahal mo, ano?

Nagpag-usapan na rin namin ang nangyari sa amin dati. Closure. Restart. Pero syempre natuto na. Ayoko nang sumugal ulit. Muntik na akong mabaliw noon. Ayoko nang pagdaanan ulit. Kaya eto, kahit na mahal ko pa rin siya, okay na ang kung anong meron kami ngayon. Friendship na lang. At least wala nang sakitan.


Paminsan-minsan may harutan, pero hindi ko na binibigyan ng kahulugan. Manhid-manhidan na lang.

"Uy, Zoe, ano na?"

"Wala. Bakit napasugod ka dito?"

"Magpapatulong sana ako."

"Sa ano?"

"May liligawan ako."







At tumigil ang mundo... nung sinabi niyang may liligawan siya.

Kakayanin ko ba?

Life With YouWhere stories live. Discover now