Manhid-manhidan (2)

544 29 12
                                    

Ano daw? May liligawan siya at magpapatulong siya sa akin? Hunghang pala 'to eh!

"Sino naman?"

Palakpakan para sa poker face ni Zoe Velasquez!

"Ikaw."

Ha.Ha.Ha.

"Nakakatawa ka."

"Hindi ako nagbibiro."

"Beatrice."

"Oo na. Joke lang. Ito naman," aniya at nag-peace sign pa.

Whew. Kinabahan ako dun ah.

Pero kebs ko naman kung may liligawan siya? Bahala siya sa buhay niya. Ligawan niya buong mundo. Lanakompake!

Hindi ko namalayan na napapalabi na pala ako sa kakaisip sa tungkol sa panliligaw niya kuno.

"MK... Uy."

"Yuck, Bea! Ano ba?"

Sundutin ba naman ang beautiful lips ko?

"Grabe naman. Yuck talaga?"

"Eh galing na yan sa bibig mo."

Nakita ko yun kanina. May natira kasing asin sa daliri niya.

"Sus. Hindi lang naman yan ang galing sa bibig ko na--- aray! Sorry. Sorry na."

Isang malakas na hampas sa braso pa ang binigay ko sa kanya bago ako tumigil. Nakakainis pa rin ang mga sorry niya.

"Heh! Kung wala ka naman talagang pakay sakin, umalis ka na. Marami pa akong gagawin." Tinulak ko na siya papunta sa pinto. Kanina pa ako naiinis sa pagtawag niya ng MK. Ang ganda kaya ng ayos ng buhok ko today.

"Sandali lang."

"Oh?"

"Gusto kang makita ni Mama. Iniimbitahan ka niyang mag-lunch sa bahay ngayon."

"Ano?! Bakit hindi mo sinabi kaagad?"

"Ehehe... Sorry."

Kurutin ko pisngi nito. Ang cute.

"Sarap ng sineguelas eh."

Na-distract na naman. Ma-traffic pa naman ngayon. Yung tipong tila mas matagal pa ang oras na masa-stuck ka sa traffic kesa sa pagsasama niyong mag-jowa.

"Teka, retouch muna ako."

"Wag na. Maganda ka na. Palagi naman."

Damoves mo, bulok.

"Sabagay. Tama ka."

"Yabang."

"Sumasang-ayon lang ako sa katotohanan."

Nakaharap ako sa salamin at inaayos ang buhok at make-up ko. Naririnig ko siyang bumubulong-bulong habang nililigpit ang kalat sa mesa.

"Kapag si Mama o si Ely ang nag-aaya, sumasama kaagad pero kapag ako, ang daming palusot."

Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay.

"May sinasabi ka, Venganza? Hindi ko marinig."

"W-wala. Ano. Sabi ko, tapos na akong mag-linis."

Mabuti naman.

"Okay. Tara na."

Nagri-ring ang phone niya. She looked at it before turning to me.

"Susunod ako. Ako na bahala mag-lock ng pinto," aniya bago sinagot ang tawag. "Hello, Marga?"

I rolled my eyes at the name.

Life With YouWhere stories live. Discover now