CHAPTER 4

33.4K 810 41
                                    

Mary Joy

Humarap ako sa salamin matapos ko mag bihis, wala pa si Victor kasi umuwi siya kanina matapos linisan ang room ko.

Pero unfairness ah, ang galing niya mag linis. Walang alikabok na nakakatakas sa kanya.

Inayos ko ang Gray T-shirt ko at tinaas ko rin ng kaonti ang maong pants na suot ko. Nag lagay ako ng pulbo tsaka ako ngumiti sa salamin.

"Maganda sana ako kung payat ako. Papayat na kaya ako" Sabi ko habang sinisipat ang bewang ko at legs ko.

"Papangit ka pag pumayat ka na" Nagulat ako at napatingin sa pinto ng kwarto ko, si Victor lang pala.

Pinasadahan ko ng tingin ang suot niya, naka beach shorts siya at white sando kaya kumunot ang noo ko.

"Bakit ganyan ang suot mo?" Tinignan niya naman ang suot niya at natawa,

"Resort ang pupuntahan natin. Ikaw ang mag bihis kasi out of place ang damit mo doon" Ngumuso ako at pagod na umupo sa kama.

"Naka bihis na ako eh, tsaka ano naman ang susuotin ko?" Tinawanan lanh ako ni Victor kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ako na nga lang ang pipili" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at nag madali akong tumakbo para pigilan siya sa pag lapit sa cabinet ko.

"Uy wag! Ano ka ba, ako na ang mag hahanap" Tinaas niya ang dalawang kamay niya at tumalikod, 

"Okay okay, sige lalabas na ako. Hintayin kita sa sala" Nag lakad na siya palabas kaya bumaling na rin ako sa cabinet.

Kumuha ako ng white sando at black shorts, ayieh. Terno kami ni Victor ng sando!

Nag madali akong hinubad ang suot ko at nag bihis ulit, tapos humarap na naman ako sa salamin at ngumiti.

Pag labas ko ng sala ay naabotan ko si Victor na nilalaro ang sunglasses niya. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako nag akad papunta sa harap niya.

"Let's go" Natawa ako kasi nabitawan niya ang sunglasses niya at nakangangang nakatingin sa akin.

"You look amazing" Ngumiti ako at hinila na ang braso niya para makatayo na,

"Wait, my sunglasses" Pinulot niya ang sunglasses niya at nag lakad na kami palabas ng room.

Pupwesto na sana ako sa elevator pero agad akong hinila ni Victor paalis doon kaya nag taka ako,

"Saan ba tayo pupunta?" Inakbayan niya lang ako kaya tinignan ko ang braso niyang nasa balikat ko.

Is this even normal for a food buddies? or friends? well,

Dinala niya ako sa Helipad nitong Beckham Hotel at naabotan namin ang isang chopper doon kaya napatingin ako sa kanya.

"Don't tell me, iyan ang gagamitin natin?" Ngumisi si Victor at inalis ang pagkaka-akbay niya at naunang mag lakad.

"Then I won't" Nanlaki ang mga mata ko at umawang ang labi ko habang sinusundan ko siya na papalapit na sa chopper,

"Are you really? Is this safe? You know how to maneuver this chopper?" Wala siyang sinagot sa mga tanong ko. Instead, he open the door for me at pinaupo na sa loob.

"Relax okay? Trust me" Hindi ako naging relax! Mas kinabahan ako kasi first time ko itong makasakay sa chopper.

Nabaling ang tingin niya sa seat belt nitong kinauupoan ko, I almost forgot to put it on. Ikakabit ko na sana pero naunahan niya akong kuhanin iyon at ikabit sa akin.

"There, just relax and enjoy the ride" Sinarado niya ang pinto ng side ko at umikot na siya sa kabilang bahagi para makasakay na din.

Marami siyang kinalikot sa harapan at hindi ko iyon masundan kasi panay ang kapit ko sa seat belt kahit hindi pa naman nakakalipad.

Tiger 7: Victor James (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon