CHAPTER 10

33.9K 835 36
                                    

Mary Joy

Mag alas dose na ng gabi pero nakaharap pa rin ako sa laptop ko habang inaayos ang mga format na kailangan ng boss ko at nag aayos na din ng schedule.

Ang anak ko naman ay pinatulog ko na sa kwarto at nandoon din si Victor kaya ayaw ko pumasok doon. Pinilit niya pa na mag run kami ng DNA test para sa kanilang dalawa ni Vincent pero kalaonan ay nalaman niya din na anak niya talaga si Vincent dahil sinabi ng boss ko sa kanya.

Hindi ko naman alam na mag kaibigan pala sila ng boss ko. Tsk.

Napaigtad ako ng may biglang yumakap sa akin mula sa gilid ko kaya lumingon ako doon.

"Matulog ka na sexy, bukas mo na taposin 'yan" Sexy huh? Hindi ko siya sinagot at nag patuloy nalang sa pag tipa sa laptop ko.

"Matutulog ka o wawasakin ko ang tanginang laptop na 'yan?" Natigil ako, knowing him na gagawin niya talaga kung ano ang sasabihin niya.

Huminga ako ng malalim at ni-save ang ko ang documents bago ko sinara ang laptop. Tatayo na sana ako pero kinulong ako ni Victor sa kinauupoan ko at bigla akong hinalikan sa labi ko kaya sobra akong nagulat.

"I can't control my self when it comes to you" Kusang tumulo ang luha ko at wala akong lakas na punasan iyon kaya hinayaan ko na.

"I want to know the reason why you left me two years ago. I deserve to know" Hanggang sa himikbi na ako sa harapan niya dahil naalala ko na naman lahat.

Gusto kong sabihin kung anong hirap ang dinanas ko sa New York bago ako makatungtong sa buhay ko ngayon. Gusto kong sabihin na sobra akong lugmok sa mga panahon na iyon kung hindi lang ako nakita ng boss ko. Gusto kong mag sumbong sa kanya kung gaano kasakit ang mawalan ng ina habang sa mga panahon na iyon ay dinadala ko ang anak niya-namin.

Pero hindi ko magawa, hindi ako hinahayaan ng pride ko na sabihin sa kanya lahat. Pinipigilan ako sa pag iisip ko na bakit kailangan niya pang malaman? Alam kong hindi niya ako mahal at nakikipag laro lang siya sa mga babae kaya bakit ko siya bibigyan ng pagkakataon na mag paalam?

Two years ago, I felt rejected and down.

"Hindi mo na kailangan pang malaman Victor" Mahinahong sabi ko at umigting naman ang panga niya dahil doon.

"Tangina, bakit ba parang sinasarado mo ang sarili mo pag dating sa akin? What happened two years ago is meaningful to me Mary Joy. When you asked me about my feelings for you, yes I'm shocked because it's new to me. I don't know the feeling of love that time" Huminga siya ng malalim at pumikit, tuloy lang sa pag labas ang mga luha ko.

"I played girl. I bed girls. Pero noong may nangyari sa atin, hindi lang isang simpling sex ang naramdaman ko. I didn't call it sex because it's make love, sexy. We made love that time and it is understood that I already love you. Hindi ko lang maamin sa sarili ko" Yumuko ako at inalis ang kamay niya para makatayo ako pero mas humigpit iyon kaya nawalan na ako ng lakas.

"I felt rejected!" Biglang sigaw ko sa mukha niya mismo at nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha,

"Nasaan ba ang mga salitang iyan noong kailangan ko Victor? Bakit hindi ko narinig?" Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil nakita ko na may luhang lumabas sa mga mata niya.

"Sobra akong lugmok sa mga panahon na iyon Victor. I lost my mom and I'm pregnant that time kaya hindi ako makapag trabaho lalo na't masilan ang pag bubuntis ko. Pero kahit nag hihirap ako, hindi sumagi sa isip ko na ipalaglag si Vincent. Because I'm still hopping that you may find me, pero wala akong Victor na nakitang nag hahanap sa akin" Mabilis siyang umiling at hinawakan ako sa dalawang pisnge ko habang umiiling siya,

Tiger 7: Victor James (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon