Mary Joy
Nagising ako mula sa pagkakatulog dahil sa sakit ng katawan ko, feeling ko nag trabaho ako sa palayan ng tatlong araw na walang pahinga, walang kain at walang inoman.
Ganoon kasakit ang katawan ko na pati braso at mga legs ko ay hindi ko maigalaw. Dinilat ko ang mga mata ko at nilingon ang taong nasa tabi ko.
Si Victor na sobrang tulog pa at nakayakap sa akin na para naman akong aalis at hindi na babalik. Huminga ako ng malalim at napatitig sa kisame ng kwarto ni Victor.
Nakatulala ako habang inaalala ang lahat ng nangyari kagabi, hindi ako makapaniwala na wala na ang virginity ko at binigay ko iyon kay Victor.
Ilang sandali pa akong nakatulala sa kisame ng mag salita ang katabi ko,
"Hmm, sexy matulog ka muna ulit. I know you're tired. Maaga pa naman" Hindi ako sumagot at hindi ko rin nilingon. Nakatulala lang ako habang nakatitig sa kisame.
Pinagsisihan ko ba? Hindi.
Pero ano na ngayon ang gagawin ko? May nangyari na sa amin ni Victor at wala na ang pinaka-iniingatan ko.
"Mary, what's wrong?" This time, nilingon ko na si Victor na nakita ko siyang nakatitig pala sa akin. Namula bigla ang mukha ko kaya kumurap ako at nag iwas ng tingin.
"May iniisip lang" Hinawakan ni Victor ang panga ko at iniharap ang mukha ko sa kanya, medyo magulo pa ang buhok niya at ang kulay apple green niyang mga mata ay halata mong kanina pa siya gising.
"Sabihin mo kung ano ang iniisip mo. Ayaw ko na nag lilim ka sa akin" Huminga ako ng malalim at malamlam ko siyang tinignan. Nag dadalawang isip ako pero wala na akong magawa kundi ang mag salita.
"May ngayari sa atin Victor, ilang ulit mo akong inangkin kagabi. Ngayon ano ang gagawin mo?" Totoo, matapos kong makatulog kagabi ay nagising ako ng alas dose ng madaling araw dahil sa pag lilikot niya at may nangyari na naman sa amin. Ilang beses ba? Ang bilang ko lang naman ay lima kaya sino ang makakatayo agad niyan lalo na at kakabasag pa lang ng pagkabirhen ko.
"Mary, I'll take all the responsibility" So ganoon nalang? May nangyari sa kaya mananatili siya sa akon dahil lang sa may nangyari sa amin?
Hindi ko alam pero nakaramdam ko ng kirot sa puso ko dahil sa sinabi niya. Parang pinag-mukha niya sa akin na mananatili siya dahil may utang na loob siya sa akin na kailangan bayaran.
Ganoon ba kababa ang tingin niya sa akin?
"Mahal mo ba ako?" Natigilan siya sa tanong ko at mariin na pumikit habang ako ay nag hihintay sa tanong niya at umaasa. Umaasa na magugustohan ko ang isasagot niya.
"Mary, matulog ka muna" Mary? Nasaan na ang tawag niya sa akin na sexy? Bakit? Narealize na ba niya kagabi habang may nangyari sa amin na hindi naman talaga ako sexy at sobrang taba ko pala? Ganoon ba?
"Oo at Hindi lang ang sagot Victor" Hinanda ko ang sarili ko sa isasagot niya, matagal bago siya makasagot pero hindi iyon ang inaasahan ko,
"Let's not talk about this Mary. It's too early for that, bago pa lang tayo nagkasama." Matapos niyang sabihin iyon ay tumayo na siya sa kama, may suot na pala siyang damit samantalang ako wala pa.
Lumabas siya ng kwarto kaya napabuntong hininga ako at lumabas na ang kakinang tinatago kong luha.
Bakit ba kasi ang tanga ko? Bakit agad ako pumayag kagabi sa nangyari? Bakit hindi ko man lang naisip kung mahal niya ako o may gusto ba siya sa akin kahit konti lang.
Nagpadalos-dalos ako sa ginawa kong disesyon kagabi. Hindi ko man lang inisip na darating ako sa puntong ito. Ang mag isip ng ganito kalalim at kasakit.
BINABASA MO ANG
Tiger 7: Victor James (COMPLETED)
Ficción GeneralWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Para sa isang Victor James, ang salitang 'Love' ay nakakasuka, nakakabakla at lahat na yata ng nakaka na pweding sabihin. Basta, ayaw niyang mainlove sa...