Victor
Tangina talaga, kanina pa ako drive ng drive habang si Joseph naman ay sinusubokang tawagan ang kapatid niyang si Senna.
"Hindi talaga ma-contact weirdo, pinatay siguro ang phone" Halos mapahampas ako sa manebela ng kotse ko dahil sa galit ko.
Isang linggo, isang linggo akong nawala tapos ganito ang maaabotan ko? Naging busy ako sa kasal ni Daniel at sa companya tapos pag balik ko nagkakaganito na?
What the fuck, yeah?
"Gumawa ka ng group message, tanongin mo sila kung nakita ba nila si Senna. Mag kasama sila ni Mary" Sabi ko kay Joseph at tinigil ang sasakyan sa gilid ng daan dahil pag nagpatuloy pa ako sa pag drive, baka mabangga lang kami dahil sa galit ko.
"Mens Club Bar, si Brylle at Victos ang nag reply sa akin. Nakita daw nila may kasamang babae at nag iinom" Mabilis kong pinaandar ang kotse at nag maneho papuntang Mens Club Bar na pag aari ng mag kakaibigan na lalaki at kasama doon si Brylle at si Victos.
"Ano namang ginagawa nila Senna doon? May sarili naman kayong Bar" Inis na tanong ko kay Joseph, may sarili naman silang bar bakit kailangan pang dumayo sa iba?
"Weirdo ka na nga, bobo pa. Syempre pag doon sila pumunta edi madali lang natin silang mahahanap" Hindi na ako sumagot at mas binilisan pa ang pag maneho.
Pag dating namin ay sabay kaming lumabas sa kotse at pumasok agad sa Bar, sinalubong kami ng isang kakilala ko na si Perrie Soliven, na isa din sa may ari nitong bar.
"Hey Victor, nasabi ni Brylle na may hinahanap daw kayo? Nandoon sila sa counter, hindi nag papaawat sa pag inom kaya kayo na ang bahala" Tumango kami ni Joseph sa kanya at nag paalam na papasok na kami.
Nag dilim agad ang pingin ko sa nakita ko, silang dalawa ni Senna na panay tungga ng inomin habang nag tatawanan pa. Pero mas nagalit ako sa suot na damit ni Mary. Like what the fuck?
Mabilis kaming lumapit ni Joseph at agad ko namang hinigit ang braso ni Mary, nabaling ang atensyon niya sa akin at papikit pikit pa siya habang bakas ang galit sa mukha niya.
"Hey! Don't touch me!" Nag tagis ang bagang ko at pinilit siyang tumayo at nag tagumpay naman ako.
"Weiedo, mauna na ako. Uuwi ko na si Senna" Tumango ako kay Joseph na buhat buhat ang natutulog na si Senna.
Hinarap ko naman si Mary, she's trying to reach the liquor kaya agad ko itong nilayo.
"Ano ba! Bitiwan mo ako!" Mariin akong pumikit at hinawakan siya sa magkabilang balikat niya.
"Mary, let's go. Uuwi na tayo" Nag pumiglas siya pero mas malakas pa rin ako kahit may kalakihan ang katawan niya kaya nahatak ko siya palabas ng bar.
"Hey! huwag mo nga akong mahatak hatak! Ano? tapos ka na sa babae mo?" Kunot noo ko siyang tinignan at pinilit na pumasok sa kotse.
Nag tagumpay naman ako at sinuotan ko siya ng seat belt. Lasing na lasing na siya kaya hindi na niya alam ang mga pinagsasabi niya.
Sinarado ko ang pinto ng side niya at umikot na sa kabilang side at pumasok.
"Ano? Sumagot ka! Tapos ka na sa ibang babae kaya nandito ka sa harap ko ngayon?" Hindi ko muna pinaandar ang kotse at marahas ko siyang tinignan.
"Watch your mouth Mary. I've been very busy this past week" Maharan ngunit galit na sabi ko at pagak naman siyang natawa.
"Ah! yeah right. You've been very busy with your girls. Tama ba ako? And who am I to tell you that by the way? I'm just your friend, and food buddy" Pinasadahan ko ng kamay ang buhok ko at huminga ako ng malalim.
BINABASA MO ANG
Tiger 7: Victor James (COMPLETED)
Fiksi UmumWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Para sa isang Victor James, ang salitang 'Love' ay nakakasuka, nakakabakla at lahat na yata ng nakaka na pweding sabihin. Basta, ayaw niyang mainlove sa...