Mary Joy
Sa buhay ng isang tao, hindi lahat ng pangyayari ay nauuwi sa happy ending. Meron din'g malungkot, masakit at hindi katanggap-tanggap na ending.
Pero may tinatawag tayong second chance o pangalawang pagkakataon, second chance para bagohin ang kataposan, second chance para maging masaya at second chance para maayos ang lahat.
Sa estado namin ni Victor, dumating ang araw na inaakala kong ending na ng storya namin. Iniwan ko siya, nag simula ng panibagong buhay at namuhay kasama ang anak ko.
Doon ko na realized na hindi lahat ng pag babago ay iisa lang ang kataposan, na kahit anong gawin mo ay malungkot pa rin.
Iniwasan kong mahalin ulit si Victor sa pag asang hindi na ako masasaktan pa, sa pag asang mababago ang takbo ng buhay ko. Pero sa bawat araw na nag kikita kami sa iisang hotel room ay hindi ko mapigilang mas mahalin pa siya.
Oo, nawala ang pag mamahal ko sa kanya. Hindi ko naman inaasahan na sa pag kikita namin ay mas mamahalin ko pa siya.
"Hmm, ang lalim naman ng iniisip ni Sexy para hindi na makapagsalita" Nagising ako sa katotohanan dahil sa pag salita ni Victor sa kabilang linya.
"Sorry may iniisip lang ako" Sabi ko at kinagat ang ibabang labi ko, hindi ko naman alam na nag space out na pala ako.
"Nag iisip ka ba na hindi ako siputin bukas? Pag ikaw hindi sumipot alam mo na ang mangyayari" Natawa ako at umiling sa pinagsasabi niya,
"Manahimik ka nga Victor! Alagaan mo si Vincent diyan. Miss ko na siya" Nasa Alegria siya ngayon. Umuwi sa mga magulang niya kasama ang mga kaibigan. Ikakasal na kami bukas kaya bawal daw kami mag kita.
"Oo naman sexy, pero aalis ako mamaya kasi may bachelor's party para daw sa akin" Tumayo ako sa pag kakaupo sa sofa at sumilip sa bintana ng hotel.
"Sila Senna din may pa-bridal shower para sa akin. Mamaya din" Narinig ko ang pag ingos ni Victor sa kabilang linya kaya alam kong tutol siya,
"Diyan ka nalang sa hotel, huwag ka na sumipot. Knowing Senna? alam kong mag dadala ng lalaki iyon para sa bridal shower" Tinawanan ko siya, seloso talaga to kahit kailan.
"Bakit? Ang bachelor's party ba walang babae? diba meron din para pasayahin ang groom?" Tukso ko sa kanya, alam kong madali mainis to pag ako tumukso eh,
"Tsk, walang babae. Ayaw ko ng ganoon. Ewan ko sayo sexy, bahala kayo" Tapos pinatayan na ako ng tawag kaya napailing nalang talaga ako. Weirdo.
Victor
Pag pasok ko sa Restobar ng Alegria ay sumalubong agad ang mga kaibigan ko at tinapik ako sa balikat.
"Congratulations weirdo, isa ka ng ganap na lalaki!" Pabiro kong tinulak si Nyle dahil sa sinabi niya, nag patuloy na kami sa pag pasok at umupo sa pwesto nila kanina.
"Grabe ang lalaking iba iba ang babae sa loob ng isang araw ay mag aasawa na. Anong feeling Victor?" Tinanggap ko ang beer na binigay ni Baxter at hinarap na si Lelantos,
"Bakit ko naman sasabihin? Mag asawa ka na din para malaman mo. Napag-iiwanan ka na eh" Sinipa ni Lelantos ang paa ko sa ilalim ng mesa kaya nag tawanan kami,
"Puro ka kasi Barbie, tumingin ka rin sa ibang babae" Uminom ako ng beer at kinuha ang phone ko sa bulsa,
Hindi ako nakaka-unlock ay nag salita na si Daniel,
"Fuck! Tignan niyo ang Instagram ng mga asawa natin! May kasama silang mga lalaki!" Nanlaki ang mga mata namin at nag unlock na ako ng phone.
Madali kong binuksan ang Instagram at lumantad agad ang mga pictures nila sa Bridal shower, tangina! bakit may lalaki sila?!
"Gago! Makahawak to kay Cleassie tangina ang sarap pilipitin sa leeg!" Nag comment ako doon at ganoon din sila.
COMMENTS
Victory James: Tangina pag yan nakita ko mapapatay ko yan!
Reply: Mary-me Joy: Makukulong ka. Bleeh
Noe Menoitios: Faith baby! Fuck! Nag seselos ako!
Reply: Angel Faith Na-Noe: Paki ko ba?
Dy Smith: Angelic! Umuwi ka na!
Reply: Angelic Face Smith: Oh? ayaw ko nga.
Daniel Naga: Puputolin ko ang kamay niyang gagong yan pag nakita ko yan kahit saan pa.
Reply: Aimee mee Naga: weh di nga?
Jin Jet-Lee: 😑 hampasin ko yang katabi mo eh
Reply; Fyonna Lee: Tapos?
Dr Will Dutch: Angel. I swear, makakapatay talaga ako.
Reply: Shaishai Porn-Dutch: Talaga ba?
Baxter Sexy Vinagre: Mi Esposa? Taga saan ba yang lalaking nasa tabi mo? Gwapo siya pero mas gwapo ako. Nag seselos ako!
Reply: Clea Lea Vinagre: Haha talaga? edi wow.
LanLan Beckham: I'm a Barbie boy 🎵 in the Barbie world 🎤. Yeah! Life is plastic! 🎵🎤 it's fantastic! 🎵🎶
Mary Joy
"Bullshit! Tignan niyo naman ang mga comment ng asawa natin sa Instagram! Bullshit mga triggered!" Nag tawanan kaming lahat, nakita ko ang mga comments nila.
Nag papicture lang naman kami kasama ang mga lalaki kanina pero hindi namin sila kasama dito, si Shaina kasi ang nakaisip. Gusto daw niya painitin ang ulo ni William at mga kaibigan nito kaya nagustohan din namin.
"Pero itong si Lelantos talaga wala ng pag asa. Barbie boy daw" Nag tawanan ulit kami, kinuha ko ang wine sa katapat kong mesa at sumimsim doon.
"Mga uto-uto talaga. Ang daling maniwala na may mga lalaki tayo" Nag refresh ako sa newsfeed ng Instagram at nagulat ako sa unang nakita.
"Luh! check niyo Instagram nila! May mga babae!" Sigaw ko kaya nag check naman sila.
Ang nasa picture ay ang tigers kasam ang iilang babae at nakaakbay pa talaga sila. Ato to gantihan?
COMMENTS
Shaishai Porn-Dutch: Hoy William! Huwag na huwag kang uuwi sa akin ah! Mag sama kayo! Bullshit ka!
Reply: Dr Will Dutch: Wala lang yan Angel. I love you.
Clea Lea Vinagre: Mag e'impaki na ba ako ng damit mo? Kailan ka lalayas ng bahay?
Reply: Baxter Sexy Vinagre: Esposa naman oh. Wala yan, joke lang yan. Mahal kita eh
Angel Faith Na-Noe: Alam mo naman siguro na murunong akong bumaril? Saan ko ba babarilin yan?
Reply: Noe Menoitios: Sa ulo Faith baby para hindi na ako landiin. Love you!
Aimee mee Naga: Okay. Ilalabas ko nalang ang mga damit mo sa bahay mamaya.
Reply: Daniel Naga: Sige pati sayo ilabas mo rin. Pupunta tayo sa lugar na tayong dalawa lang. Ganoon kita kamahal.
Angelic Face Smith: Dylan, pakasaya ka. Papakasaya din ako.
Reply: Dy Smith: 'To naman si honey. Mas masaya kaya ako pag ikaw ang kasama ko.
Fyonna Lee: Hampasin ko rin katabi mo. Ampangit ng taste. Yuck
Reply: Jin Jet-Lee: Oo nga eh hampasin mo nga to Cheer. Ampangit niya eh.
Mary-me Joy: Victor. Akala ko ba walang babae diyan? Ano sa kanya ka nalang?
Reply: Victory James: Makikita rin kita bukas. Igagapos na talaga kita. I love you!
Senna-ty Alberic: Let's talk about sex baby 🎵 let's talk about you and me 🎤🎵🎶
Chill guys.
Reply: Josepha Alberic: Uwi sa bahay. Para kang tanga diyan.
BINABASA MO ANG
Tiger 7: Victor James (COMPLETED)
General FictionWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Para sa isang Victor James, ang salitang 'Love' ay nakakasuka, nakakabakla at lahat na yata ng nakaka na pweding sabihin. Basta, ayaw niyang mainlove sa...