CHAPTER 14

32.7K 771 21
                                    

Mary Joy



Nakaharap ako sa salamin at tinignan ang sarili ko habang inaayos ni Senna ang buhok ko.

"Ang haba ng belo mo. Hindi ka ba mahihirapan?" Marahan akong umiling kay Senna at kinabit na ang belo ko,

"Hindi ko siya pwede isuot hanggat hindi pa araw ng kasal diba? Manipis lang naman yan. Kaya ko" Tumango si Senna at tinapos na ang pag aayos sa akin.

"Ang ganda mo talaga kahit anong ipasuot sayo. Pero mas magada ka ngayong nakawedding gown ka" Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Senna mula sa salamin kaya hinarap ko siya.

"May problema ba Senna?" Yumuko siya kaya alam ko talagang may problema.

"Hiwalay na kami ng long time boyfriend ko" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya,

"Long time boyfriend? iyong boyfriend mo simula college pa lang tayo? Bakit kayo nag hiwalay?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya dahil nakakagulat naman talaga! Simula college kami ay sila na ng boyfriend niya tapos biglang ganito?

"Ayaw ko kasi ibigay sa kanya ang gusto niya. Sabi naman ni Kuya na mas maganda daw na nakipag hiwalay ako sa kanya. Alam mo naman na hindi boto si Kuya sa kanya" Tumango ako. Tawag nga ni Joseph sa boyfriend niya ay Adik eh. Mukha din naman kasing adik.

"Senna, Mary let's go" Sinilip kami ni Joseph sa pinto at tumango naman kami. Tinulongan ako ni Senna sa pag tayo at kinuha ko na ang bouquet ko.

Si Lelantos ang best man at ang pinsan ko namang si Monica Andaya ang maid of honor. Nauna na sila sa simbahan ng Alegria at kami nalang ang natira dahil si Joseph na daw ang mag mamaneho para sa akin.

Pinag buksan kami ni Joseph ng sasakyan at pumasok naman kami ni Senna. Pag pasok ko ay bigla agad akong kinabahan. Ganito ba talaga pag ikakasal ka? Kinakabahan na parang maiihi na ewan?

Ganoon kasi ang nararamdaman ko ngayon. Ang hirap huminga dahil sa kaba. 







Victor

Patingin tingin ako sa kalsada habang nakatayo sa bukana ng simbahan. Ang tagal naman nilang dumating. Kinakabahan na ako.

"Victor. Panyo oh, pinag papawisan ka na" Tinanggap ko ang panyo ni Lelantos at nakitingin na din siya sa kalsada.

"Wala pa namang oras Victor. Umayos ka nga, para kang baliw diyan eh" Kunot noo akong bumalik sa pinto ng simabahan at sumunod naman siya.

"Baka hindi ako siputin ni Mary" Tinawanan ako ni Lelantos at tinapik ang balikat ko.

"Mukhang kailangan mo ng mag pa-check up weirdo, kung ano ano iniisip mo eh. Tinatakot mo lang ang sarili mo" Huminga ako ng malalim, nakita kong palapit sa amin sila Nyle kaya umayos ako ng tayo.

"Kinakabahan ka? Huwag kang mag alala. Ganyan din ako ng kinasal kami ni Cleassie. Normal lang yan" Nag papasalamat talaga ako sa mga kaibigan ko kasi kahit na minsan na sosobrahan na ako sa katarantadohan ko ay nandiyan pa rin sila.

Kahit noong high school pa lang kami ay lagi kaming napapaaway dahil sa akin pero hindi pa rin nila ako pinagtaboyan. Lagi silang nandiyan at handang tumulong.

"Nandiyan na ang bride! Umayos na kayo doon sa altar sir" Tinanaw ko ang gate ng simbahan at nakita ko ang puting Limousine na sinasakyan ni Mary kaya nakangiti akong nag lakad papunta sa altar at sumunod naman si Lelantos sa akin.

"This is it weirdo. Congratulations and have a happy married life" Nag kamayan kami ni Lelantos at sabay na humarap sa pinto ng simbahan kung saan nakatayo ang mga mag lalakad.

Tiger 7: Victor James (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon