Part 3

24.6K 533 37
                                    

HINDI MAWALA-WALA ang kunot sa noo ni Diosa habang naglalakad patungo sa Clubhouse lobby ng engrandeng Stallion Riding Club. Mula kasi nang dumating silang tatlo doon ng kanyang mga kuya ay napansin na niyang tila masama ang tingin sa kanya ng mga nakakasalubong nilang mga babae.

"Bawal ba ang mga magaganda dito, Kuya Trigger?" Nasa pagitan siya nina Trigger at Jigger habang nakayakap siya sa magkabilang braso ng mga ito. "Para kasing hindi sila natutuwa na makita ako."

"Kahit ako hindi matutuwa kapag nakita ka." Napasinghap lang si Jigger nang kurutin niya ito.

"Nagtataka lang ang mga iyon kung bakit may kasama kaming alagang pusa ngayon." Napasinghap din si Trigger nang kurutin niya ito.

Wala naman siyang makuhang matinong sagot sa mga ito kaya siya na lang ang nagpaliwanag sa kanyang sarili. "Naiinggit lang siguro ang mga babaeng iyon dahil diyosa ako at sila'y mga hamak na tao lamang."

"May kausap ka?"

"Kuya Trigger, would you rather be with those mere muggles than the goddess you're with right now?"

"Yeah."

"Me too," segunda ni Jigger. "I'd rather be with a perfectly normal human being. Preferrably of the female specie."

"Hoy, anong palagay mo sa akin? Hindi babae?"

"Who knows? Hilo pa si Mommy noong ipinanganak ka niya, hindi ba? Baka mamaya 'girl' lang ang nailagay niya sa birth certificate mo imbes na 'boy'."

Nag-high five lang ang mga kuya niya nang tingnan niya ang mga ito ng masama. Pero hindi siya magpapatalo.

"Bakit, hilo rin naman si Mommy nang pirmahan niya ang birth certificate ninyong dalawa, ah."

"Si Daddy ang pumirma para sa amin"

"Mas malala iyon." aniya. "Disorriented si Daddy nang ipinanganak kayo. Kaya imbes na male ay letter x ang nailagay ni Daddy sa gender ninyo." Napangisi siya nang mapakunot ang noo ng mga ito. "O, bakit?"

"How did you know that?"

"Siyempre, magaling ako, eh." Ang totoo, paborito lang iyong ikuwento sa kanya ng kanilang ina noong maliliit pa sila. Her mom thought it was a cute story. She thought it was funny. And very much useful, lalo na sa tuwing nagkakabarahan na silang magkakapatid. Lagi na lang kasi siyang pinagtutulungan ng mga ito. But through the years they'd been together, natutunan na rin niya kung paanong sakyan ang topak ng mga ito. Sa katunayan, siya na nga lang siguro ang nag-iisang tao sa mundo na hindi tinatablan ng kalokohan ng mga ito.

Napapataas ang kanyang mga kilay sa tuwing may makakasalubong na mga club members. Ilang beses din siyang napapalingon sa iba't ibang direksyon dahil sa mga interesanteng bagay na kanyang nakikita. Or rather, interesanteng tao.

"Bakit ang daming guwapo dito?" tanong niya.

"Naaambunan namin."

Hindi niya pinatulan ang patawang kalbo ng mga ito. "Lahat ba ng club members ay mga guwapo?"

"Hindi. Kami lang."

Imbes na patulan ang kayabangan ng mga ito ay inabala na lang niya ang sarili sa panonood sa mga biyaya ng Diyos sa kababaihan. Kahit saan siya lumingon, may mga naka-unipormeng mga club members siyang nakikita. Madali niyang na-distinguished kung sino sa mga lalaking naroon ang mga club members at kung sino ang mga guests lang ng naturang riding club gaya ng mga ipinaliwanag sa kanya kanina ng mga kapatid.

Hinila niya sa isang café bar na nadaanan nila ang kanyang mga kuya.

"Akala ko ba nagugutom na ang mga anaconda mo sa tiyan?" nagtatakang tanong ni Jigger. "Bakit dito tayo sa café pupunta?"

Stallion Riding Club #12: YOZACK FLORENCIO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon