Part 2

26.3K 565 46
                                    

"KUMUSTA NA nga pala sina Mommy at Daddy? Hindi pa ba sila tapos sa paglilibot nila sa buong mundo?"

"Hindi pa yata. Wala, eh. Mayaman tayo kaya pa-tour-tour na lang sila around the world." Inalis ni Diosa ang scarf sa kanyang leeg bago naupo sa visitor's chair sa opisina na iyon ni Trigger. "Last time ko silang nakausap ay nasa Vienna raw sila. Sabi ko nga, huwag nilang kalimutang magdala ng Vienna sausage pasalubong."

"Ano iyan, joke?" Ang sama na ng mukha nito. "Nahawa ka na rin ba sa kakornihan ng mga Puti? Kung ganon, lumayas ka sa harap ko, Erning."

"Eto hindi korni." Sinilip muna niya ang kulay ng mga kuko niya sa paa bago nagpatuloy sa pagsasalita. "I'll stay here in the Philippines for good. Kasi sabi ni Mommy, kailangan na ninyong mag-asawa ni Kuya Jigger. Gusto na raw nilang magka-apo ni Daddy at para mangyari iyon, kailangan kong kunin sa inyo ang kumpanyang ito."

Hindi man lang ito natigatig. "Really." May iniabot itong isang papel sa kanya. "Fax this."

"Ah, no, Kuya Trigger. I only deal with clothes, pencils and anything that concerns me."

"I thought so."

Bumukas ang pinto ng opisina at pumasok ang isa pang mukha ng taong laging nakakapagpangiti sa kanya. Kahit halos magdikit na ang mga kilay nito sa pagkakakunot ng noo nito.

"Trigger, Vanessa came crying to me. Sabi niya ay nakipag-break na raw ako sa kanya."

"Si Berting ang may kasalanan," sagot ni Trigger sabay turo sa kanya.

Lalo lang lumukot ang noo ni Jigger nang mapadako sa kanya ang pansin nito. Ginandahan lang niya ang kanyang ngiti. "Hello, Kuya Jigger."

"Sino ka naman?"

Imbes na maasar ay nilapitan lang niya ito at mariing hinalikan sa pisngi nito. "Its good to see you again, Kuya Jigs. Na-miss ko nang husto ang mga katarayan mo."

"Punasan mo iyang lipstick sa mukha ko, Diosa."

She wet thumb and rubbed it against her brother's cheek. Hind na maintindihan ang itsura nito pagkatapos.

"You're really gross, Diosa. Sinabi na sa iyong sa France ka na lang dapat nag-aral imbes na sa America." Lumapit ito sa table ni Trigger at kinuha ang tissue na iniabot ng kakambal nito. Naupo ito sa gilid ng table at hinarap siya bago muling nagsalita. "Anong ginagawa mo rito sa Pilipinas?"

"She's taking over our company," sagot ni Trigger. "Para daw makapag-asawa na tayo at magka-apo na sina Mommy."

"Really." Kinuha nito ang papel na ibinigay sa kanya kanina ni Trigger at ibinigay iyon sa kanya. "Fax this."

Ngumiti lang siya imbes na patulan ang mga ito. Halata naman kasi na pinagti-trip-an lang siya ng mga ito dahil batid nilang wala siyang kaa-amor-amor sa mga office machineries. So obviously, walang sinoman sa mga ito ang nagseryoso sa banta niya. Oh, well. Nilapitan niya ang mga ito at iniangkla ang mga kamay sa braso ng mga ito.

"Ilibre ninyo ako. Nagugutom na ako."

"Umuwi ka lang ng Pilipinas para magpalibre?"

"Wala bang nanlilibre sa iyo sa America?" Nagkatinginan ang mga ito sa isa't isa saka sabay ding sinagot ang katanungan. "Matakaw ka nga pala."

"Okay! Let's go!"

Naka-angkla pa rin siya sa braso ng mga ito habang naglalakad patungo sa elevator. This was what she liked about her twin brothers. Lagi siyang pinagbibigyan sa kahit na anong gusto niya, sa kabutihan at mas lalo na sa kalokohan. Kunsintidor. Iyon ang tamang deskripsyon sa kung paano siya nitong pagbigyan sa lahat ng kapritso niya. Gaya na lamang ng kanyang mga magulang.

Stallion Riding Club #12: YOZACK FLORENCIO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon