Part 9

19K 459 29
                                    

DIOSA TAPPED her pen on her sketch pad. She'd been trying to create a new designs for her creations. Tinawagan na kasi siya ng mga clothing companies kung saan isa siya sa mga senior designers. Pero nakakadalawang order na siya ng mocha frappe ay wala pa ring pumapasok na kahit na anong idea sa utak niya. And all she came up with were weird sketches of undecipherable things on her paper. At ang utak niyang ilang beses na niyang pinakiusapan na makisama naman ay walang ginawa kundi ang punuin ng mga larawan ng guwapong mukha ni Yozack ang kanyang alaala.

Tatlong araw na mula nang magpahatid siya sa Maynila mula sa Stallion Riding Club. Dumating na kasi ang mga magulang niya galing Australia kung saan ang huling destinasyon ng mga ito para sa kanilang around-the-world tour. Nagpapahinga na ang mga ito sa kanilang bahay sa isang exclusive village sa Marikina.

"Hay naku, nakakainis!" Naupo sa bakanteng silya sa table niya si Cheka, ang isa sa mga waitress ng naturang café bar. Dinukot nito sa bulsa ng uniporme ang isang face powder at walang kiyemeng nag-retouch. "Ang hirap talagang magbanat ng buto, 'no? Nakaka-oily ng skin. Mabuti ka pa at nakaligtas dito kahit paano."

"Kaya mo rin namang makawala sa obligasyon mo rito kung gugustuhin mo," wika niya. "You're an international model now, aren't you? Kapag nagto-tour ka na sa ibang bansa."

"Well, yeah..."

Kapitbahay at kababata niya si Cheka since magkakaibigan ang kanilang mga magulang sa iisang village kung saan karamihan sa kanila ay doon pa rin nakatira. At dahil sa isang pangako noon ng mga magulang nilang iyon kaya ngayon ay heto silang mga anak na nagseserbisyo sa Café Helenas minsan sa isang buwan. May sentimental value raw kasi ang lugar na iyon sa mga ito kaya dapat lang na alagaan nilang mga anak iyon. When she was in highschool, madalas na siya roon mag-waitress. Natigil lang iyon nang magpunta siya sa America para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

"Yozack Florencio," sambit ni Cheka.

Napamaang siya rito. "Paano mong nakilala si Yozack?"

Itinaas niya ang sketch pad niya. Ang mga weird na sulat niya roon ay may isang malinaw na pangalang rumehistro. Yozack Florencio.

"Ikaw, ha? Kaya pala kanina pa kita napapansin na parang lumilipad ang isip. Naalala mo ang iyong fafa."

Binawi niya rito ang sketch pad at pinagmasdan iyon. "Oo nga, eh. I miss him."

"Tawagan mo. Kaya nga nauso ang cellphone para sa mga hopeless romantics na gaya mo."

"I can't."

"Why not?"

"Gusto ko muna kasi siyang kalimutan ngayon. Nagugulo kasi ang utak ko kapag nasa tabi ko siya. Hindi ko alam kung ano ang gusto at ayaw ko."

"Sino ba naman kasi ang nagsabi sa iyong matino ang magmahal? Kayanga maraming nababaliw sa pag-ibig, di ba? Ganon talaga iyon."

"May boyfriend ka na?"

"Dati. Pero ngayon wala na muna. And anyway, puwede naman akong magka-boyfriend kung gugustuhin ko. Ang daming guwapo sa paligid."

Iminuwestra pa nito ang mga lalaking customers ng Café Helenas. Isa-isa rin nitong itinuro ang mga kapitbahay nilang lalaki sa village na naroon at pinagsisilbihan ang mga customers. Mga guwapo nga ang mga ito. Ngunit wala siyang ibang guwapong mukhang hinahanap kundi ang mukha ni Yozack.

"You're not interested," wika nito nang mapansin ang reaksyon niya. "Ang suwerte ng boyfriend mo. Wala kang ibang tinitingnan kundi siya."

"He's not my boyfriend."

"He's not? E, sino iyong iniisip mo kanina pa?"

"The man I love."

"O, e di boyfriend mo nga."

Stallion Riding Club #12: YOZACK FLORENCIO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon