Part 10

17.9K 409 35
                                    

"DIOSA, DARLING baby. Bakit kanina ko pa napapansin na wala ka sa sarili mo? May problema ba?"

Sumiksik lang si Diosa sa tabi ng ina. Parang bagyo ang naging pagtatapos ng eksena nila ni Yozack sa Café Helenas kanina. He kissed her and then he just left with those irritating parting words. At ang peste naman niyang puso, parang walang anoman iyon. She was supposed to hate him. Dini-disregard lang kasi nito ang nararamdaman niya. Hahalikan siya nito at pagkatapos ay babalik sa kandungan ng ibang babae. Hinabol nga niya ito para sana kumprontahin. Ngunit nakaalis na pala ito. Medyo natagalan pa kasi siya ng kaunti bago mahimasmasan kaya hindi na tuloy niya ito naabutan.

At bitbit niya hanggang sa kanilang bahay ang dilemma niyang iyon.

"Mommy, may nangyari sa akin kanina."

"Ano iyon?"

"Someone kissed me."

"That Yozack guy?"

Napaangat siya ng mukha. "Kilala ninyo si Yozack?"

"He kissed you again? Aba, nakakarami na yata siya sa aming unica baby."

"Paano ninyong nakilala si Yozack? At paano ninyong nalaman na nahalikan na niya ako dati?" Then it struck her. "Sinabi nina Kuya Trigger?! Ang dalawang asungot talaga na iyon!"

"Kung ganon hinalikan ka nga niya uli?"

Hindi na siya nakatanggi sa ina. Inamin na niya rito ang totoo. "Pero balewala lang naman iyon sa kanya, Mommy. Dahil sa tuwing hahalikan niya ako, lagi niyang sinasabing 'wala lang iyon'."

"Naniwala ka naman na wala lang nga talaga iyon?"

Sumandal siya sa kinauupuan. "Ano naman ang magiging dahilan niya bukod sa masarap lang talaga akong halikan?"

"What else do you think?"

Nilingon niya ang ina. "May...gusto siya sa akin?"

"Anak, sino ba naman ang makakatanggi sa ganda mong iyan? Mana ka sa akin, eh. Okay, so now tell me kung bakit umabot ng ganito katagal ang drama ninyong ito."

Atubili na siya sa pagsasalita. Kahit kailan talaga, hindi siya kumportableng pag-usapan ang kanyang mga nararamdaman. She hated revealing herself. Dahil baka may makitang flaw sa kanya ang ibang tao at ayawan na siya. But this was her mom. Ang taong laging nakaalalay sa kanya, sumusuporta sa lahat ng bagay na may kinalaman sa kanya at makikipag-away sa mga pulis at abogado para lang ipagtanggol siya, kahit siya ang mali.

If she exposed her feelings now, her mom was the last person who would criticize her. Niyakap niya ito.

"I love him, Mommy. Kaya nga siguro hinahayaan ko siyang halikan ako kahit ang dahilan niya ay wala lang. ngayon lang ako nakaramdaman ng ganito. 'Yun bang tipong nakakalimutan ko na kung sino ako at kung paano ninyo ako pinalaki dahil lang sa nariyan siya sa harap ko. Nanghihina ako kapag siya na ang pinag-uusapan. Hindi ko kayang maging matapang sa harap niya, Mommy. Siya lang ang tanging lalaking nakapagparamdam sa akin na okay lang maging mahina. Dahil nandiyan lang naman siya sa tabi ko para ipagtanggol ako."

"Napakasuwerte ng kulugong iyon."

"His name's Yozack, Mom."

"Okay. O, tapos?"

"He's the first guy who made me take notice. Nasanay akong sarili ko lang ang nakikita ko at ang mga bagay na mapapakinabangan ko. The rest, dini-discard ko na. Kay Yozack, hindi ko mapigilang hindi siya tingnan kahit nasa ibang direksyon ang tingin niya."

"Hindi ka niya tinitingnan at nasa ibang direksyon ang tingin niya? Baka naman duling iyon, anak. Dapat nga lang natin siyang unawain-"

"Mommy, he's perfectly fine. And he has the most beautiful eyes I've ever seen." She filled her mind with his smiling eyes, sexy lips and handsome face. "He's the most handsome man I've ever known. At alam mo, Mommy, nagtiyaga siyang alagaan ako noong sumakit ang ngipin ko. Kahit na nga bugbog-sarado siya sa akin, hindi niya ako iniwan."

Stallion Riding Club #12: YOZACK FLORENCIO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon