Part 7

22.1K 495 13
                                    

"HAPPY BIRTHDAY."

Nag-angat ng tingin si Diosa mula sa binabasang libro at binati siya ng nakangiting mukha ni Yozack. This was like the time right before she had her toothache dilemma three days ago. Nasa front porch siya at nananahimik sa kanyang mundo nang dumating ang binata. Ngunit sa pagkakataong ito, buong puso niyang tinanggap ang invasion nito sa kanyang pananahimik.

Tiningnan niya ang maliit na karton na hawak nito. "Next year pa ang birthday ko."

"I wasn't talking about you. I meant your tooth that just had a cavity fill." Itinaas nito ang cake. "Happy birhtday to it."

"Alam mo, Yozack, mabuti na lang at ka-eksena mo ako ngayon sa buhay mo. Kung hindi, nilangaw ka na sa sobrang corny ng joke mo."

Napangisi na lang ito at nagkamot ng batok. "Corny ba? Hindi bale, guwapo naman."

Hindi na niya ito binara pa. He'd been good to her the past few days. Ito kasi ang matiyagang nagdala sa kanya sa dentista at nag-asikaso sa kanya. Ang mga kuya kasi niya ay hindi na talaga lumapit sa kanya habang may sakit siya. Hindi niya masisisi ang mga ito. Its always been her problem when she's not feeling good. Kaaway niya ang mundo kaya noon pa man ay natutunan ng mga kuya niya na hayaan na lang siya hanggang sa gumaling siya. O kaya naman hanggang sa siya na mismo ang lumapit sa mga ito upang humingi ng tulong. Pero hindi na nga niya kinailangan ang tulong ng mga ito dahil nasa tabi na niya lagi si Yozack. At wala siyang reklamo.

Ano ba ang irereklamo niya? Inaalagaan siya ng lalaking hindi niya inakalang mamahalin niya ng ganito? At kahit magaling na siya, heto pa rin ito sa kanyang tabi.

"Hindi ako puwedeng kumain ng matatamis. Utos ng doctor."

"Ang sabi lang niya, huwag mong kalilimutang magsepilyo tuwing pagkatapos kumain ng matatamis. Wala siyang ipinagbawal na kainin mo." Inilabas na nito ang kasamang paper plate at plastic fork ng cake. "Ikaw kasi, hindi ka nakikinig. Mas inintindi mo pa ang pagtingin sa mukha ko."

Napadampot tuloy siya ng paper plate nang wala sa oras. "Excuse me. Hindi ikaw ang tinitingnan ko, 'no? 'Yung bungong display sa likuran mo ang tinitingnan ko doon. At tsaka, ano naman kung tiningnan nga kita? Masama na ba iyon?"

"Hindi naman. Natutuwa lang ako." Ito mismo ang naglagay ng piraso ng cake sa kanyang plato. "Inisip ko kasi noong unang beses tayong magkita, na wala kang ibang nakikita o nakikilala kundi ang sarili mo. Marunong ka rin naman palang tumingin sa mga tao sa paligid mo."

"Ano naman ang palagay mo sa akin? Autistic? May sariling mundo?"

"Nah. I just thought you're a bit of a snob, that's all. Hindi naman pala."

"I'm... a snob? Kaya ba hindi maganda ang tingin sa akin ng ibang babae doon sa Clubhouse?"

"Sabi ko na nga, hindi na, di ba? Besides, those women, I'm pretty sure na medyo naiinggit lang sila sa iyo."

"Naiinggit?"

"Dahil ako lagi ang kasama mo."

"Ganon?" He was probably right, though. Dahil kahit siya, kaiinggitan ang babaeng laging nasa tabi nito. Pero hindi na niya iyon kailangang problemahin ngayon. Yozack was at her side now. And she's loving every second of it.

"Yozack."

"Hmm?"

"Salamat, ha?"

"For what?"

"For everything."

"Wala iyon."

"At tsaka sorry din nga pala. Sinaktan pa kita samantalang tinutulungan mo na nga ako."

Stallion Riding Club #12: YOZACK FLORENCIO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon