Part 1

43.5K 710 33
                                    


FEEL NA FEEL ni Diosa ang paglalakad sa malawak na hallway ng JT Builders. Sumasayaw kasi sa hangin ang mahaba niyang buhok at pakiramdam niya ay babaeng babae siyang naglalakad sa runway. 

 Hmmm, maganda pala talaga ang Stallion Shampoo na iyon, ha?

Bagong diskubre lang niya ang naturang shampoo nang mag-check in muna siya sa isang hotel sa Makati at doon nag-stay ng isang araw para makapagpahinga bago harapin ang mundo. Este, ang mga importanteng lalaki pala sa kanyang buhay nang mga sandaling iyon. At siguradong hindi na siya makikilala ng mga ito ngayon. Halos isang taon na rin kasi silang hindi nagkikita dahil sa America na siya nakabase mula nang kumuha siya roon ng master's degree sa fashion design at doon na nga rin nakapagtrabaho pagkatapos. And she missed them so much.

Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi nang muling maalala ang pakay niya sa naturang gusali. Lalo na nang makita niya ang isa sa kanyang pakay. May kausap itong babae.

"Jigger, please. Stop pretending you're Trigger. Alam ko na noon pa man na madalas kayong magpanggap na magkakambal na ang isa't isa kapag convenient iyon sa inyo. And I'm not falling for it."

"Lady, I don't want to be rude but you're really talking to another man. I am Trigger."

"Gusto mo na naman bang mag-away tayo, Jigger? Lagi na lang ba tayong ganito? If you want out of this relationship, just say so."

"I would. If I am Jigger."

May kalupitan din palang itinatago sa katawan ang isang ito.

Inakala niya noon na sa isang magkakambal, may isang mabait at may isang may reserved seat na sa impiyerno. But the ultimate twin she knew, were either both. Minsan mabait, minsan masama. Pareho. As in sabay. Kung kailan convenient sa kanila ang isang sitwasyon. Kumbaga sa goma, de colores. Kahit ano ay puwedeng maging sila. Napaka-unpredictable. Too bad for those women out there, dahil isa siya sa tatlong tao lang na nakakaalam niyon.

"Ang sama talaga ninyong magkapatid!" pigil sigaw ng babae. Unti-unti ng nalulusaw ang kabaitang ipinapakita nito. "Pareho kayong walang kuwenta. Lagi na lang ninyong pinaglalaruan ang mga babaeng nagmamahal sa inyo."

"Si Jigger lang ang may ganyang ugali."

Kalmado pa rin ang lalaki. Muli siyang napangiti habang patuloy na pinapanood ang mga nangyayari. Walang sinoman ang makakatibag sa disposisyon ng magkakambal kapag nagpasya na ang mga ito.

"Why don't you look for Jigger and talk to him instead? You're just wasting your time with me, lady. I don't even know you."

"Jigger, don't do this. Don't make me hate you."

"Ayokong masaktan ka sa mga nangyayari ngayon, Miss. But you were really wrong about me. I am not Jig—"

"Jigger!" Lumapit na siya sa mga ito nang may kung anong pumasok na invisible insect sa kanyang kukote. Nilundag niya ang lalaki at kumapit sa leeg nito saka ito mariing hinalikan sa pisngi. "Kumusta, Jigs! Long time no see, ah. You look dashing, as usual." Nilingon niya ang babae na ngayon ay halata na ang galit sa mukha. "Hello. Ikaw na ba ngayon ang bagong girlfriend ni Jigger?"

"I hate you, Jigger!" tili ng babae sabay alis.

"Ay, nagalit," aniya. "Joke lang naman iyon."

"Anong ginagawa mo rito, Geronimo?"

Marahan na lang siyang napailing. Hanggang ngayon ay paborito pa rin siyang tawagin nito sa mga pangalan ng lalaki sa pag-aakalang iyon ang maaaring makapagpa-inis sa kanya. E, hindi naman siya napipikon. Kaya sa huli ay tila iyon na lang ang naging sort of endearment nito sa kanya.

"Bakit nandito ka sa PIlipinas?"

"I gave Uncle Sam a break," sagot niya. "Hindi mo ba susundan ang girlfriend mo?"

"She's not my girlfriend. Bahala na si Jigger sa kanya. And anyway, kasalanan mo naman kung bakit siguradong break na sila ngayon nang hindi niya nalalaman. Ikaw ang mapupunta sa impiyerno."

Tinapik niya ito sa balikat. "Sus. Meron ba namang diyosa na itinatapon sa impiyerno?"

"Meron. Ikaw." Inayos nito ang bangs niya saka ngumiti. "Welcome home, sis."




Stallion Riding Club #12: YOZACK FLORENCIO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon