Part 11

29.8K 682 72
                                    

PAGLAPAG NA PAGLAPAG ng chopper sa helipad ng Stallion Riding Club ay mabilis na nagtungo sa nag-aabang na sasakyan si Diosa. Naitawag na kasi ng mga kuya niya ang kanilang pagdating at dahil malayo-layo rin ang helipad sa Clubhouse proper ay kinakailangan pa silang sunduin doon ng sasakyan. Sensitibo raw kasi ang mga kabayo sa ingay kaya inilayo talaga ang helipad. Iniwan na niya ang mga nakatatandang kapatid at tinangay ang isa sa dalawang sasakyan.

A few minutes later, ngarag na siya sa paghahanap kay Yozack. Una niyang pinuntahan ito sa bahay nito. Wala. Sumunod ay sa mga kuwadra. Wala rin. Ang sabi ng mga tauhan doon, katatapos lang ng mga match races kaya posibleng nasa private spa ng SRC ang binata kasama ng iba pang miyembro. Madali naman niyang natagpuan ang naturang lugar dahil iyon lang ang nag-iisang spa facility doon. Ang The Spa and Lodge. Ang problema lang, dalawa pala ang part niyon. Isa para sa mga guests ng Club at ang isa ay exclusive lang para sa mga members. Ibig sabihin ay hindi siya puwedeng makapasok. Bukod pa sa bawal doon ang mga babae.

Ngunit siya si Diosa Samaniego. At walang sinoman o walang anoman ang puwedeng makapigil sa kanyang gawin ang isang bagay na dapat ay matagal na niyang ginawa.

May namataan siyang isang empleyado ng The Spa. Marahil ay breaktime nito sa trabaho kaya saglit itong lumabas upang manigarilyo sa smoking area ng lugar. Nahirapan lang siyang kausapin ito dahil masyado itong loyal sa trabaho nito at sa pamunuan ng buong Club. Ngunit nang sabihin niyang kapatid siya nina Jigger at Trigger ay bahagyang nagliwanag ang mukha nito.

"Ikaw si Diosa Samaniego?"

"Kilala mo ako?"

"Naging usap-usapan kasi kayo ni Sir Yozack sa buong Club nitong mga nakaraang araw."

Nagningning naman ang mga mata niya nang marinig ang pangalan ng binata. "Nandiyan ba si Yozack sa loob? Ang sabi kasi ng napagtanungan ko sa kuwadra kanina, baka raw nandito siya."

"Oho. Nandoon nga siya sa loob. Nagpapamasahe kasama ng iba pang members."

"Tulungan mo akong makapasok. Please. Kailangan kong makausap agad si Yozack." Naglabas pa siya ng pera. "Kakausapin ko lang siya. Wala ng iba. Hindi ako manggugulo o mag-e-eskandalo. I love him. And I need to tell him that, bago pa magkagulo na naman kami. Please?"

Nangilid ng luha ang mga mata nito. "Huwag na ninyo akong bayaran, Ma'm. Tutulungan ko na kayo. Mas bagay kayo ni Sir Yozack kaysa sa sino pa mang babae dito sa Club."

"Salamat."

Lumingon-lingon ito sa paligid. "Sumama ka sa akin, Ma'm."

Ilang sandali pa ay dire-diretso na ang lakad niya sa mahabang hallway ng The Spa, suot ang uniporme ng babaeng empleyadong nakausap niya kanina. Binigyan din siya nito ng instructions tungkol sa kung saan niya makikita sa mga rooms na iyon ang binata. Sa huling room, sa west wing, walang sere-seremonya niya iyong binuksan. Ngunit imbes na si Yozack ang matagpuan ay si Zell ang natagpuan niya.

"What are you doing here? Bawal dito ang mga...why are you wearing that uniform?"

"Nasaan si Yozack?"

"I don't know. Diosa, you need to get out."

"No, not until I found Yozack."

"He's not here."

"Kung ganon nasaan siya?"

"Nasa men's locker room—"

Hinila na niya ang kuwelyo nito. "Where is it?"

"What do you want him for? To lead him on again and then turn him down?"

"I didn't lead him on..."

"Of course you did. Iyon naman lagi ang ginagawa mo sa kanya. May mga mata kami, Diosa."

Stallion Riding Club #12: YOZACK FLORENCIO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon