Part 6

21.9K 480 28
                                    

"HELLO."

Tiningnan lang ni Diosa si Yozack na nakatayo na ngayon sa bukana ng front porch ng bahay nila. Pagkatapos ay ipinagpatuloy na niya ang pagngata ng Toblerone bar habang prenteng-prenteng nakaupo sa sofa na nakalatag sa gilid ng pinto.

"Mind if I join you?" tanong nito.

Tumango siya. Ngunit hindi naman nito pinakinggan ang sagot niya dahil naupo pa rin ito sa kanyang tabi.

"Anong ginagawa mo rito? Wala ka bang babaeng bobolahin ngayon?"

"Well, since you declared yesterday that I was exclusively yours, wala ng dahilan para maghanap pa ako ng ibang babae."

"Kaya ngayon ako ang guguluhin mo." Kumagat siya ng isang buong piraso ng tsokolate at walang habas iyong nginuya. "You know the reason why I messed your life yesterday?"

"You got jealous."

"Ha!" Eksaherado siyang tumawa. Muntik pa nga siyang masamid dahil sa ginawa. "You know, that wasn't funny."

"I know. Mahirap mawalan ng ka-date kung kailan gustong-gusto mong makipag-date."

Nilingon niya ito sa kanyang tabi. "Sinisisi mo ba ako kung bakit wala kang ka-date ngayon?"

"Well, medyo."

"Medyo?" Hambalusin kaya niya ito ng chocolate bar na hawak niya?

He turned to her and smiled. Pagkatapos ay hindi niya inaasahan ang sumunod nitong gagawin. Inilapit nito nang husto ang mukha sa kanya.

"I'm your guy now, Diosa. Kapag may nakita pa ang mga tao rito na may kasama akong ibang babae bukod sa iyo, tatanungin ka nila ng kung ano-ano. Gaya ng ginawa nina Neiji sa iyo kahapon. You ran out of alibis and you looked like a fool in front of them because of me. Ayoko ng ganon. I admit I'm a bit of a player. And for that, I have a lot of respect for women. As for you, alam kong sanggano ka. Gayunapaman, babae ka pa rin. Hindi ako papayag na ako ang magiging dahilan ng lahat ng discomfort mo habang magkadikit pa ang mga pangalan natin."

Sa bawat salita nito ay kasabay ng unti-unti niyang paglayo rito dahil naiilang siya sa sitwasyon nila ngayon. Isa pa, nang-iistorbo na naman ang malakas na pagkabog ng pasaway niyang puso. At mas matindi ngayon ang tibok ng kanyang puso. Mas malakas. Mas magulo.

Ano ba ang ginagawa sa akin ng kumag na ito? Bakit ganito na lang ang epekto nito sa kagandahan ko?

"Wala akong..." Natigilan siya nang dumampi ang hintuturo nito sa gilid ng kanyang labi.

"You have chocolate smudges here..." Then he licked the tip of his forefinger. "Hmmm. Sweet. Hindi ka kaya magka-cavity niyan, Diosa?"

Ni-ransack niya ang utak sa mga dapat niyang sabihin upang lumayo ito sa kanya. But her heart was getting in the way. Wala siyang maisip. Malabo ang kanyang utak at ang tanging malinaw sa kanya ay ang malakas na tibok ng kanyang puso. And so, for the first time in her life, she backed down. Umurong siya palayo rito.

"G-go away, Yozack. Naiistorbok mo nak kok." Saglit siyang natigilan, Pagkatapos ay binalingan ito. "Kapag tumawa ka, sasapakin kita."

Tumingin lang din ito sa kanya, umurong at ilang sandali lang ay malakas na itong tumawa. Gusto na niya itong tirisin at burahin sa mundo. Napahiya na nga siya dahil na rin sa saglit niyang pagkawala sa sarili, heto at pinagtatawanan pa siya. Subalit habang patuloy naman niya itong pinagmamasdan at pinapakinggan ang buhay na buhay nitong tawa, tila unti-unti na ring tinutunaw niyon ang pagkaasar niya rito. Kaya imbes na insulto ang naging hatid ng tawa nito sa kanya ay tila inaawitan pa nga siya nito ng lullaby. Ang nangyari tuloy, pinonood na lang niya itong manakit ang tiyan sa katatawa.

Stallion Riding Club #12: YOZACK FLORENCIO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon