Come back to young and beautiful Jana. Amen😹😹
A/N: Wala lang naisip ko lang kaya naisulat😹😹
So eto kami ngayon. Nandito kami sa lugar na nangangalang Boulders Beach. Fortunately, nasa Cape Town lang din ito kaya di na kailangan mag check in. Di naman in-check ang nakatira dito eh. Gets? Hihi.
Eto po ang itsura ni Boulders Beach.
Yes. May penguins po!! Kaya nga nag agree na ako eh! Ang cute kaya nga mga penguins!!
Naka black bikini ako. Yun lang extra ni Karabou eh. At dahil hindi ko ma explain ang itsura nito, eto na lang picture.
Medyo uncomfortable ako nung una lalo na nung paglabas ko ng CR kanina kahit may nakapatong pa akong shirt at shorts na pambahay na syempre si Karabou din ang may ari.
Ngayon, tinatanggal na namin ang mga nakapatong na damit upang makasimula na kaming lumangoy. Nang matanggal ko ang aking shirt, nagulat ako nang biglang sumigaw si Keho
"Jana!" Nagulat ako kasi usually Annie tawag niya sa akin. Lumapit siya sa akin at sinamaan ng tingin.
"Ang panget panget mo! Magpatong ka nga ng damit dyan!! Yuck! Nadidiri ako sa katawan mo!" Gigil niyang sigaw sa akin. Luh. Shet. Parang naiiyak ako. Amputa. Alam ko naman yun eh!
Pero imbes na umiyak ako o sinunod ang kaniyang sinabi, kinuha ko damit ko at tinapon ito sa mukha niya.
"Tangina mo! Alam ko naman yun eh! Pero ano pakelam mo kung pangit katawan ko! Wala diba?! Wapakels!" Kung siya kaya niyang sumigaw, pwes, ako kaya ko rin! Nakita kong lumambot ang mga mata niya nang mapansin niyang halos hindi ko na mapigilang luha ko. Tinalikuran ko siya at tsaka nag walk out! Manigas siya dyan! Bahala siya!
Habang papunta sa dagat, unti unting, pumapatak ang aking mga luha. Umupo ako sa sand at pinagmasdan ang dagat. Peaceful. Ang sarap pakinggan ang mga kanta ng dagat. Nakakalma ako sa kanta nito kahit hindi ito masyadong marinig dahil sa ingay ng mga turistang tulad ko.
Nakikanta ako sa dagat. Ang pangalan ng kanta ay Migraine by Moonstar88. Ewan ko. Parang feeling ko dapat yun kantahin ko ngayon.
"Oo nga pala
hindi nga pala tayo
Hanggang dito lang ako
nangangarap na mapa-sayo
Hindi sinasadya
Na hanapin pa ang lugar ko
Asan nga ba ako?
Andiyan pa ba sa iyo?
Nahihilo, nalilito
Asan ba ko sayo?
Aasa ba ko sayo?"
Dumeretso na ako sa dagat pagkatapos kumanta. Lumangoy ako, iniisip ang eksena namin ni Keho kanina. Ano problema nun? Bakit siya nagagalit? Usually, pag ganun, ginagamit niyang tono ay mapagbiro. Ngunit ngayon....
Ay ewan, basta ako, maganda. Siya, panget. Period
Maya maya ay umahon na ako at naisipang mapanood ang mga cute na penguin. Hihihi. Ang cute cute nila! Parang si Keho kapag ngumingiti siya, kahit inaaway niya ako palagi. Sana bumalik na siya.... miss ko na ang Keho na iyon. Ay bwisit! Bakit siya iniisip ko!! ERASE ERASE ERASE!!
"Putek." Mura ko habang pabalik na sa pwesto namin kanina. May umbrella at malapad na tuwalya sa aming pwesto. Walang nandito. Inilibot ko ang aking paningin sa beach nang bumagsak ito sa isang katawang kilalang kilala ko. Nakahiga ito at nakasara ang mata habang may babaeng nilolock siya dahil ang kanyang dalawang tuhod ay naka luhod at both sides of the body. Hinalikan ng babae ang mga labi ng lalaki nang maramdaman ko ang pagbasag ng aking puso.
Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha mula sa aking kanang mata.
A/N: Guysh please vote po kahit puro away ang ganao hihi
YOU ARE READING
You're Mine
RomanceBy @Cupcake_Chase Ang panibagong love life ni Jana. I recommend reading Lost in your Eyes bago ito kasi baka malito kayo. She is the typical fangirl nowadays. Mahilig sa wattpad, kdrama, kpop at kung ano-ano pa. As she is the very supportive na best...