Chapter, 4 School

256 25 2
                                    

Chapter, 4)

Xena Habes Point of View 
Maaga akong nagising upang makapag trabaho na ako at makapag luto na ngayon na din pala ang start ng pasok namin. Buti tulog pa si Boss

Ligpit dito,walis doon, punas dito at last ang guest room nalang pala. Sabi kasi ni Ma'am Cecilia kahit daw walang gumagamit non kailangan daw laging malinis. So ayun tapus nadin ako at next magluluto na ako. Magluluto nalang ako ng Egg, Hatdog and Bacon yan naman ang karaniwang dish pag umaga eh. Kailangan ko na itong ihanda upang pag gising ni Boss kakain nalang s'ya at maglilinis pa pala ako ng room nya muntik ko ng makalimutan. Pagakyat ko sa taas dumaretso kaagad ako sa room nya dahan-dahan ko namang itong binuksan baka magising kasi ito. Kaso 

"Bakit walang Tao? "Tanong ko sa sarili ko. Pagpasok ko kasi ng room nya wala si Boss. Na'san naba yon? 

"Bat mo ba sya hinahanap hindi naman sya ang pinunto mo dito diba? "Bulong ng Demonyo sa utak ko. Tsss! Nababaliw na ata ako kung ano-ano na ang sumasapi sa utak ko. Makapag linis na nga lang. Tch! Ang kalat naman ng kwarto ng Kupal na 'yon. Habang naman nililinis ko ang kwarto nya may nakita akong isang piraso ng lollipop sa ibabaw ng kama nya. 

"Wow! Lollipop. "Mangha ko saka bubuksan na sana ng biglang may nagsalita sa likuran ko 

"Anong ginagawa mo dito? "Napatingin naman ako sa nagsalita at si Boss lang pala at... whaaa!! Sabay takip ko sa mga mata ko. Paano wala itong suot na pang-itaas tapos naka tapis lang ito ng tuwalya sa pang-ibaba nya. Nak na my precious eyes! 

"Ma..magdamit ka nga. "Nabubulol na saad ko dito. Unti-unti naman itong naglakad papalapit saakin, kaya napapaatras ako hanggang sa wala na nga akong maatrasan pa at napasandal na ako sa pader. Ang lapit na nito saakin tapos...tapos... ang bango nya. Unti-unti din nitong inilapit ang kamay nya sa kamay ko saka kinuha ang hawak kong lollipop. Tch! 

"Bat na sa'yo ito? "Taas nito sa lollipop 

"Wala. Nakita ko lang kakainin ko na sana istorbo kapa. "

"What!! Kakainin? Kanino ba ito at basta-basta mo nalang kakainin? "Galit na tanong nito 

"Sa kama. "Ngiting sagot ko 

"Stupid! Lumabas ka na nga dito. "Taboy nito sa'kin. Bwisit! Ayan nanaman po si Mr. Sungit. Lumabas naman ako saka pinukawan ito ng masamang tingin. Paglabas ko sa kwarto nya pumunta muna ako ng kwarto ko upang magbihis na at after kong magbihis bumaba na ako. Ilang minuto pa ang lumipas nakita ko na din na pababa si Boss habang inaayos ang necktie nya. Wow! Ang gwapo nya sa suot nya ah 

"Nandito ka pa pala? "Salubong na wika nito 

"Malamang. Hindi ko kaya alam ang paaralan. "

"So? "

"So sasabay ako sa'yo? "Ngiti ko dito 

"No. AYOKO! "Matigas na saad nito sa ayoko 

"Pe..pero hindi ko nga alam ang location ng school eh. "Papadyak padyak na wika ko 

"Tsss! Tumigil ka nga mukha kang bata. "Saway nito 

"So isasabay mo na ako? "

"Hindi parin. "Tangi parin nito 

"Hi Habes and Skyler, kamusta ang araw n'yo. "Bati ng kararating na si Minho kasama sina Renshen, Saitonn at Clifford 

"Anong ulam n'yo? "-Renshen daretso sa kusina. Buti nalang nakapagluto ako 

"Habes. "Salute naman ni Clifford habang naka ngiti sa'kin. Ang gwapo talaga nito 

"Hello. "Bati ko sa kanilang apat 

My Stupid Maid!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon