Chapter, 17 Stanford

155 18 4
                                    

Xena Habes Point of View

"Saan ba kasi kayo pupunta? "Kanina pa ako naiinis kay Minho na ito at kanina pa din ako nagtatanong kung saan kami pupunta kaso hila lang ng hila sakin si Minhong to.

"Basta Habes ang ingay mo. "Inis na bulalas ni Minho at tinakpan pa ang bibig ko gamit ang kamay niya. Inis ko namang itong iwinagli at sinamaan ito ng tingin.

"Pwe! Minho kasi sagutin mo nalang ang tanong ko kasi. "Tadyak ko sa simento. Nahinto naman ang mga Kaibigan nito na nasa unahan namin at sabay na sabay silang bumaling saaming dalawa ni Minho.

"Duts what's going on there? "Baling saamin ni Renshien

"Nothing Duts. "Ngiti naman ni Minho sakanya

Nothingan ko kaya ito. Bakit kaya hindi niya itanong kung saan kami pupunta. Muntanga din to. Tsss! Bakit kaya hindi nalang pala ako ang magtanong noh?

Dahil sa naisip ko ay lumapit na nga ako kay Renshien upang sakanya na nga magtatanong. Walang kwenta din kasi tong si Minho eh. Sarap kuyusin! "Hey Shien. "Tapik ko sa kanang balikat nya at nginitian din ito. "Saan nga pala tayo pupunta? "

Napataas naman ang kilay nito. "What did you say? "

"Ang sabi ko saan tayo pupunta? "Ulit ko sa tanong ko

"Hindi. Anong tinawag mo sakin? "Tanong nya habang nakikisabay ako sa mga hakbang niya at nakasunod kina Shown na nasa unahan namin na naglalakad patungo kung saan.

"Shien. Bakit ayaw mo? "

"Yeah, next time do't call me this name anymore. Nakakababae pakinggan. "Kamot pa nya sa taynga nya na waring nandidiri. Tae tong magsyotang Renshien at Minhong to. Ang aarte.

"Hindi ang ganda kaya. "

"Anong maganda don? Basta huwag mo na akong tatawagin na ganon. "Akbay nya sakin at kinurot pa ang tungki ng ilong ko.

"Sya nga pala saan nga pala tayo ulit pupunta? "Sana naman sa pagkakataong ito sagutin na nya ang Tanong ko. Naiiba kasi ang usapan eh.

"Bar. "Masiglang sagot nya.

Hindi ko malaman kung ano ang magiging reaction ko kung matutuwa ba ako o maiinis dahil makakapunta nanaman ako ulit sa Bar. Bar ang naging sandalan ko upang makalimot sa lahat-lahat ng masasakit na pangyayari sa buhay ko. Dahil na din kay kuya Stanford natuto akong maglasing at makipagbasag ulo, madalas kami non nasa Bar at isa din si kuya Stanford sa tumulong saakin upang kalimutan siya na hanggang ngayon ay hindi ko parin nagagawa. Pagtung-tong ko ng eighteen madalas na akong pumupunta sa Bar at laging nasasama sa kaguluhan, lagi din kami nong napapadayo ni kuya Stanford sa mga ibat-ibang lugar para doon lang mag-inom at makipag-away. Sa pagkakataon naman na iyon hindi Babae ang ayus ko. Madalas akong pinagsusuot non ni kuya Stanford ng mga panglalaking mga damit at iniiba ko din ang mga kilos ko upang hindi ako makilala ng mga ibang Taong nakakasagupa namin, kaya hindi mo talaga maiisip na isa talaga akong Babae. Masasabi ko na napaka bait talaga ni kuya Stanford bukod sa gwapo na ito napaka lakas pa ng dating nya sa mga Babae, maangas at kilala sa buong war higit sa lahat mayaman.

"Hey Habes are you okay? "Nabalik ako sa tamang pagiisip dahil narinig kong nagsalita muli si Renshien.

Pakurap-kurap naman akong ngumiti dito. "Yes, anong gagawin natin sa Bar? "Hindi mapigilang tanong ko

"Hmmm.. maybe iinom. Pampabawas ng stress. Hahaha! "Himala na iistress din pala ito. Hindi halata e.

"Ah okay. "Sagot ko nalang at binilisan ang mga hakbang ko upang makaabol sa kanila. Ang bibilis ng mga lakad nila. Bakit kaya hindi nila sinakyan ang kotse nila? Malayo-layo din ito ah.

My Stupid Maid!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon