Chapter, 16 Business

167 14 2
                                    

    Xena Habes Point of View

Maaga akong gumising dahil kinakailagan kong linisin ang buong bahay. Mga walang hiyang mga Lalaking iyon nagkalat sila kahapon dito. Ang sarap talaga nilang tirisin lahit kailan.

So ayun linis dito walis doon, punas dito. Hay! Kapagod talagang maglinis lalona't ang laki-laki ng bahay nato.

Pagkatapos kong nilisin ang buong bahay. Tumungo naman ako sa kusina upang magluto ng makakain namin. Tuesday ngayon so it's means may pasok ngayon? Whaaa.. ayus to gusto kona din makita ang mga Babaeng nakasagupa ko nung isanag araw, hindi kasi ako pumasok kahapon.. ay hindi pala kaming lahat pala ay hindi pumasok kahapon. Maghapon kayang tumambay ang mga Kaibigan ni Kupal kahapon dito kaya sobrang kalat talaga.

Ayun natapos na akong magluto at hanggang ngayon hindi parin bumababa si Boss. Tulog pa ata?  Magdamag iyan nasa kuwarto kahapon. Hindi ko nga alam kung kumain ba siya e paano dadalhan ko sana siya ng makakain niya kahapon kaso kahit anong tawag o katok ko sa pinto ng kuwarto niya walang sumasagot, kaya hinayaan ko nalang siya at nakipag-asaran nalang sa mga baliw niyang mga Kaibigan.

Aakyat na sana ako upang tumungo sa kuwarto niya. Baka kasi kung ano na ang nangyari doon kaso nakita kona ito na pababa ng hagdan habang ang gulo-gulo ng buhok niya at gusot-gusot ang suot niya. Malamang kasi bagong gising noh?

"Hi Boss. Good morning kain kana. "Bati ko dito kaso nilampasan niya lang ako at may mga salitang winika ito.

"It's nothing good in the morning.  "Wika nito at nagtungo sa kusina upang uminom nang tubig. "Ikaw ang nagluto nito? "Sabay upo niya at kumuha na ng makakain niya.

"Yup. "Nod ko. "Siya nga pala anong nangyari sayo? "Imbis na sagutin nito ang tanong ko tumaas ang kilay nito at matalim niya akong tinitigan. Kaya napaismid nalang ako at tumingin sa ibang direction. Tsss! Sana pala hindi nalang ako nagtanong.

"Why are you interested? "Ang kaninang matalim na tingin nito ay nabago ng nagpupungay na mata at nakakalokong ngiti nito.

"Oo. Maghapon ka kasi sa kuwarto akala ko kung ano na ang nangyari sayo. "Wika ko saka na din kumuha ng plato at nakisabay ng kumain sakanya.

"Do you worry about me? "

"Hmmm.. "nod ko. Napansin ko naman na napangiti ito. Te..teka ano? Sinabi koba talaga iyon? Nababaliw na ata ako. Baka ano pa ang isipin nito. "Hi.. hindi ang ibig kong sabihin. Ano ka.. kasi. "Kamot batok na saad ko. Tae! Ano ba ang ipapalusot ko? Wala na eh nasabi kona.

"Ang sabihin mo in love kana sakin noh? "

"Oo. "

"Hahaha! Shoot sabi na eh. "Napalatak naman ito sa tawa at itinapat ang kanang daliri niya sa noo ko saka pinitik iyon.

Tae! Sh*t! Hindi. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Tae! Mababaliw na talaga ako. Wala na ako sa tamang pag-iisip ito kasi eh. Kaya kailangan kong humanap ng ipapalusot ko.  "Oo ang ibig kong sabihin oo kasi mangarap ka! "Inikot ko naman ang dalawang eyebrow ko at nag-cross arms sa harapan niya. Yaa... sana maniwala ka. Please...

"Hahaha! Okay. By the way what time did my insane Friends come home? "Sabay subo nito ng pagkain na nasa spoon.

"Mga ten o'clock na ata iyon. Enjoy na enjoy nila dito sa bahay mo ang sarap nilang kasama. "Masayang pahayag ko dito habang ngumu-nguya ng kanin. "Kaso ngalang makalat sila. "Pout ko

"They spread here? "Kunot noong tanong nito kaya nagnod naman ako. "Humanda ang mga iyon saakin. "

"Bakit? Anong gagawin mo? "Naniningkit na matang tanong ko. Naku! Baka mamaya kung anong gawin nito at kapag nangyari yon baka saakin gumanti ang mga iyon. Mahirap na noh.

My Stupid Maid!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon