Chapter, 10 Demonyita

175 15 0
                                    

Chapter, 10

     Xena Habes Point of View

"Tara na. "Ngiting yaya saakin ni Clifford saka hinila ang kamay ko. Salamat sakanya dahil kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.

"Cifford. Salamat ah? "Ngiti ko sakanya

"Naku wala yon noh. Ikaw paba. "Sabay hawak nya sa chin ko

"Anong oras na pala? Nak na! Paktay tayo nito hindi tayo nakapasok sa first class natin. "Kagat labing wika ko dito. Napansin ko naman itong napangiti. Anong nakatatawa? Baliw na ata ito eh.

"Hahahaha! Kahit si Skyler hindi din naman sya pumasok eh. "Bulong nya lang pero narinig ko ang sinabi nya.

"Ba..bakit? "Kunot noong tanong ko

"Ah? Anong bakit? "

"Sabi mo kasi hindi din pumasok si Skyler. Kaya tinatanong ko kung bakit? "Sagot ko

"Ma..may sinabi ba ako? Hayaan mo na iyon tara na. "Sabay hila nito saakin a
pababa ng rooftop. Pag baba naman namin ang dami na nanamang mata ang nakatingin saamin. Ayyy! Mga Tao nga naman oh.

"Akala ko ba si Skyler ang syota ng Babaeng yan!? Bakit si Clinton ang kasama nya mag kahawak pa sila. "Wika ng isang magandang Babae habang ang sama makatingin saakin, parang lalamunin na ako ng buhay nito ah.

"Tch! Totoo nga ang sinabi ni Kate malandi nga ang Babaeng yan. "Upakan ko kaya ang mga to! Anong pinag sasasabi nila? Ha! Ako malandi? Kung ipatikim ko kaya ang hinagpit ng isang malandi para manahimik sila!

"Huwag mo na lang pansin ang mga iyan. Papansin lang sila. "Bulong saakin ni Clifford. Sabagay mga mukhang walang magawa sa buhay at buhay ng may buhay ang pinag tsitsismisan nila.

"Wait Cr lang ako. Dito ka lang babalikan kita dyan ah. "Paalam nya saka na tumalikod saakin. Nandito ako ngayon sa harapan ng yellow building hindi ko din alam kung saang parte ba ito ng paaralan.

"Ow! Kita mo nga naman pag sinuswerte ka makikita mo si flirting Girl. "Wika ng isang boses na Babae kaya dahan-dahan kong naibaling ang ulo ko upang malaman kung sino ito. Ow! Si Ugly Girl at may kasama pa syang dalawang Babae. Hahaha! Put*k na mga itsura nayan! Bat may mga clown dito?

"Hahaha! Ugly Girl ikaw pala. "Natatawang sita ko dita. "Kamusta ? Kahapon palang tayong hindi nag kita miss mona kaagad ako. "Ngising wika ko dito habang naka cross arms pa. Nakita ko naman na naiinis ito sa sinabi ko. Hahaha! Mabilis talaga itong mapikon.

"You fu*king flirting Girl..... how dare you!!!! "Death glare nito saakin. Aba sumusobra na ito ah.

"How dare you too!!! "Ngising wika ko din dito. Hindi na ata nya mapigilan ang pang iinis ko sakanya, lalapitan na nya sana ako ngunit pinigilan sya ng nasa harapan nila. Mukhang ito ata ang leader nilang mga clown hahaha!

"Calm down Kate stay here. "Hawak ng Babae sa braso ni Ugly Girl

"Bu...but Demon. "Angal ni Ugly

"I SAID STAY HERE!!! "Nanggigigil na wika nito kaya napaatras ang mga kasama nya. Hahaha! Weak para ganon lang takot na sila. "And you insane Girl. "Lapit nito saakin kaya napatitig naman ako sakanya. "You are  a new transfer here right? "Taas kilay na tanong nito

"Yeah and so? "Taas kilay din na sagot ko dito. Gusto mo ng away game ako dyan hindi ko kayo uurungan.

"Brave Girl. "Ngisi nya sasampalin na sana nya ako ngunit nailagan ko iyon.

"Teka. Wag naman ganyan. "Sabay sampal ko sakanya na ikinalaki ng mata nya. Tch!

"Ikaw sumusobra kana!!! "Galit na wika nito at hinila ang buhok ko, lumapit naman saakin ang tatlo nya pang kasama at sinabunutan din ang buhok ko. Dahil sa hindi ko na mapigilan ang sarili ko kinuha ko ang buong lakas ko at pinag sisipa ang mga sikmura nila, kaya ayun napa upo sila sa simento. Mabilis namang tumayo yung isang Babae at hinila nanaman ang buhok ko. Sa sobrang inis kong hinila ko din ang buhok nya at kinaladkad papunta dito sa isang drum na may lamang tubig at isinubsob ang ulo nya doon.

My Stupid Maid!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon