Chapter, 9 Past

177 17 2
                                    

(Chapter, 9)

Xena Habes Point of View

Patungo na kami ngayon ni Shown sa School, halos ang tahimik dahil walang nagsasalita saamin. Aba syempre kung hindi nya naman ako tatanungin o kauusapin hindi din ako magsasalita baka isipan pa nito feeling close ako, mga ilang minuto naman na nasa byahe kami nakarating nadin kami sa isang pasikot ng School, bago ka kasi makararating sa School may pasikut-sikot kapang dadaanan kaya malayo layo palang kami masisilayan muna ang sandamak mak na mga Tao sa hallway na waring nag aabang ng Artista. "Ano bang meron? "Hindi ko maiwasang Bulong ko sa sarili ko.


"Bumaba kana. "Walang emosyong wika nito. Problema nito? Ang layo layo pa namin kaya namin bakit pinababa nya na ako?



"Pe...pero ang layo pa natin eh. "Pout na wika ko dito


"Aangal kapa! Kayo nga ni Clifford nilakad nyo lang yang kahapon. "Bulong nito na waring hindi ko naman narinig kaya pinaandar nya na ulit ang kotse nya. "Tch! Ikaw ang bahala. Huwag ako ang sisisihin mo. "Wika nya ulit at Mabilis na pinatakbo ang kotse nya. Pagdating naman namin sa harapan ng gate maririnig mo na ang screams ng mga estudyante. Napa sulyap naman ako kay Shown at sakto nakatingin din saakin habang nakangisi. Ba...bakit? Kinakabahan tuloy ako.



"Whaaaa! Ayan na si Papa Skyler!!! "Tili ng isang estudyante na naka abang dito.

"Kyaaa...ayan na din si Clifford!!! "Tili din ng isa habang nakatingin sa side. Kaya pala nandoon na silang apat at ayun si Kupal lumabas na din at iniiwan ako dito.


"*tok *tok. "Napatalon naman ako sa kinauupuan ko ng makarinig ako ng katok mula sa loob ng kotse ni Kupal. Si Shown pala at kinakatok ang bintana ng Kotse nya, binuksan ko naman iyon at isang malakas na bulungan ang sumalubong saakin.


"Te...teka may kasama ba si Oppa Skyler? "

"Eh! Sya yung Babaeng malakas ang loob na lumaban kay Femmy eh. "


"Sabi sainyo eh. Girlfriend sya ni Hubby. "


"A..anong ginagawa ng Babaeng yan sa loob ng Kotse ni Skyler!? "


Yan. Yan lang naman ang sumalubong saakin. Ganon naba ka sikat ang mga Lalaking ito dito? Ayyy!! Sana pala kaninang pinababa nya ako bumaba na ako edi sana hindi na umabot pa sa ganto. Napayuko nalang ako habang takip takip ang dakawang taynga ko.


"Tch! Umayos ka at bumaba kana dyan. Kasalanan mo naman eh. "Wika nito at sinamaan pa ako ng tingin.


"Habes let's go. "Hindi ko naman namalayan na nakalapit nadin pala ang Kaibigan ni Shown saamin. Tsss! Buti pa itong si Saitonn gentleman pinagbuksan pa nya ako ng pinto.



"Awww!! Ang sweet sweet naman ni Sweetie..." Kinikilig na wika ng isang Babaeng nakaabang dito.


"Tsss..ang arte naman kasi ng Babaeng iyan... hindi pa kasi lumabas kailangan pang pagbuksan ng pinto!! "Galit na pahayag naman ng isang Babae ang sama makatingin saakin hindi naman ako nagpatinag sakanya at sinabayan ko ang mga masasamang titig nya saakin at sa bandang huli sya din ang sumuko at napayuko nalang ito.


"Hahahaha!!! Habes hayaan mo nalang ang mga iyan masanay kana. "Ngiting wika naman ni Minho at inakbayan pa ako.


"Halina nga kayo. "Masungit na saad ni Renshien at saka na unang naglakad saamin.



My Stupid Maid!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon