Chapter, 26

232 11 5
                                    

Xena Habes Point of View

"Umayos ka nga. "Siko ni Shown sa tagiliran ko

"Huwag mo akong kausapin. "Pagdadabog ko at mabilis na pumasok sa loob ng bahay nya.

Kanina pa nyan ako iniinis sa loob ng kotse nya. Kesyo masarap daw ba ang halik nya, kesyo ang lambot daw ng lips ko. Ang dami pa nyang pang-iinis na pinagsasabi habang pauwi kami. Nagmumukha na akong tanga dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Hahaha! Grabe ang mukha mo. "Turo nya saakin habang hawak-hawak ang tyan nya sa sobrang lakas nyang makatawa.

Kahit gusto kong marinig ang tawa nito. Mauupakan kona talaga to! Kanina pa sya eh. Nakakaasar na.

"Baka mamatay ka sa katatawa mo. "Inis na sambit ko tsaka ako tumuloy sa kusina upang uminom ng tubig.

Natuyo ang lalamunan ko sa bwisit na Lalaking iyon. Pagtapat ko sa harap ng pinto ng kusina may narinig akong nagtatawan. Hala! Sino mga yon? May mga mag-nanakaw ata na nakapasok tapos masaya sila kasi marami silang nakuhang mamahaling gamit. Naku! Bakit hindi nakita ni Manong Guard na may nakapasok ng mag-nanakaw dito.

Dali-dali akong nagpunta sa stack room upang kumuha ng pweding ipagsanggala oras na makita ako ng mga ito. Iniikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng room at sakto may nakita akong bat, kinuha kona iyon at muli ng lumabas doon.

"Oh anong gagawin mo dyan? "Kunot noong tanong ni Shown.

"Shssss... wag kang maingay may magnanakaw sa kusina. "

"Stupid! Imposibling may makapasok na magnanakaw sa bahay ko. "Naiiling na wika nito muli at tinalikuran na ako.

Ngunit bago ito tuluyang makapasok sa kusina ay hinila kona ang wrist nya. "Teka. Eh sino yung mga nagtatawanan kanina dyan? "Kamot batok na tanong ko.

Tumingin ito sa kamay ko na nakahawak sa wrist nya. "Insane. "Tinanggal nya ang kamay ko sa pagkakahawak sa wrist nya pagkatapos ay sya ang humawak sa kamay ko. Para kaming magkaholding hands habang patungo kami sa loob ng kusina.

"Hahaha! G*go. Akin na nga yan. "

"Teka. Hindi pa ako tapos eh. "

Pagpasok namin bumungad kaagad saamin ang mga Kaibigan nito na abala at tutok na tutok sa mga sara-sarili nilang cellphone.

"What are you doing here? "

Sabay-sabay na napatingin ang magbabarkada sa direction namin at lahat sila ay nagulat at natuon ang paningin nila sa magkahawak naming kamay ni Shown.

"Kayo na? "Kunot noong tanong ni Minho

"Hahaha! Duts walang ganyanan. "Saitonn habang napapailing nalang.

Iniikot ko ang paningin ko sa kanilang lahat at pansin ko silang lahat ay seryoso lang na nakatingin saamin. Ngunit ang nagpakurap ng mata ko ay ang malalim na titig saakin ni Clifford. Ihilahin kona sana ang kamay ko ngunit mas lalo pang hinigpitan ni Shown ang pagkakahawak sa kamay ko. Pilit kong kinakalas ang pagkakahawak nito ngunit mukhang wala talaga itong balak na bitawan.

"Answer my questions. What are you doing in my house? "Hinila ako nito at pinaupo sa tapat pa talaga ni Clifford.

Nagkatingin kami nito at dahil na din sa naiilang ako sa mga titig nito napayuko nalang ako.

"Napansin kasi namin na after ninyong umalis ni Habes hindi na kayo pumasok sa next subjects. Saan kayo nagpunta? "

Naitaas ko ang paningin ko at tumingin sa direction ni Minho. Lahat sila ay nagpapalitan ng tingin saaming dalawa ni Shown. Na para bang hinihintay ang sagot namin.

My Stupid Maid!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon