Chapter, 22 Forgiveness

120 12 4
                                    

"LUMUHOD KA!! "

May napansin akong mga estudyante na nagkukumpulan sa hindi kalayuan sa silid na pinapasukan ko. At parang may pinagkakaguluhan sila.

"ANO LULUHOD KA O ITATAPON KO ANG HAWAK KONG PINTURA SA PANGIT NA PAGMUMUKHA MO!!? "

Sa sobrang lakas ng boses nito napatuon ang lahat ng attention namin sakanya. Maging ang Guro ay takhang napatingin sa bintana upang makita kung sino iyon.

"Class, stay here and I just look at what's happening there. "Paalam ni Ma'am saamin.

Sabay-sabay naman kaming tumango kay Ma'am kaya lumabas na ito.

"Sino kaya yon noh? "Interesadong tanong ng isanag Babae na nasa harapan ko sa Babaeng katabi lang nya.

"Tsss! Magtatakha ka paba? Malamang sina Demon nanaman ang nga 'yan. They are the only Demons in this school. "

Biglang sumagi sa isip ko ang Babae kanina. Tae! Hindi kaya sya yung sinisigawan nila ngayon?

Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko. "Where are you going? "Tanong ni Renshien habang nakahawak sa kanang kamay ko.

"Mag-ccr lang ako. "Palusot ko. Hindi kona ito hinintay sa magsalita pa ay mabilis na akong lumabas sa silid upang tumungo doon.

Parang hinahabol ako ng daang-daang mga kabayo sa sobrang bilis ng takbo ko. Ng malapit na ako sa kanila ay nakipagsik-sikan ako sa mga estudyanteng nandito. Parang tumaas lahat ng dugo ko sa ulo pagkakita ko sa Babae kanina na umiiyak habang nakaluhod sa harapan ni Demon at tinitipon ang mga punit-punit na aklat na nagkalat sa simento.

Mabilis akong lumapit sa Babae at hinawakan ang balikat nya upang maitayo ito. Gulat naman itong napatingin saakin. "A.. ate a.. anong ginagawa mo.. di.. dito. "Humihikbing tanong nya.

Hindi ko ito pinansin bagkus ay itinuon ko ang paningin ko sa mga Babaeng nangingising nakatingin saamin. "Hey brave girl, do you know the ugly Girl? Hahaha! Sabagay magtataka paba ako? "Ibinaling nya ang tingin nya sa Babae tsaka ngising tumingin muli saakin mula ulo hanggang paa. "Pareho lang naman kayong PANGIT. "Diin nya habang nakacross arms na nakaduro saamin.

"HAHAHA! "Sabay-sabay na tawa ng mga demonyong kasama nya.

Huminga ako ng malalim tsaka kalmadong lumapit sa kanila. "Ano sa tingin ninyo ang ginagawa nyo? "Seryosong titig ko sa kanila.

Mukha namang natawa ang mga ito sa tanong ko. Kulang nalang ata maihi na sila sa palda nila.

"Hahaha! Anong klaseng tanong iyan? "Si Kate na parang baliw kung makatawa.

"Walang nakakatawa sa tanong ko. Huwag masyadong tumawa baka mamaya mamatay kayo sa katatawa ninyo. "Pilosopong wika ko at itinaas ang kilay kong tumitig sa kanila tsaka nagcross arms din sa harapan nila. Napa ho naman ang mga estudyanteng nakapalibot saamin kaya natahimik ang mga ito at nanlilisik na matang tumingin sa kanila.

"MAGSITAHIMIK KAYO!! "Inis na sigaw nya. Ngunit hindi ito pinansin ng mga mag-aaral.

Hahaha! Tsk, tsk! Ang bilis mo talagang mapikon Kate.

"Hindi ka talaga nadala sa ginawa namin sayo noong isang araw? "Wika ni Demon tsaka pinaikutan ako nito. "Ano? Nagpapabayani kaba dito? " Napa sigaw nalang ako sa biglang pagsabunot nito sa buhok ko. Kaya ang ginawa ko sinipa ko ang tuhod nya, napa luhod ito sa simento at nabitawan ang pagkakasabunot nya sa buhok ko.

"Oo at oras na nangyari iyon ako mismo ibaba kita at ipapalapa sa lupa ng saganon makasama kana sa mga kampon ni satanas. Bagay ka naman don. Sa pangalan pa nga lang diba? "

My Stupid Maid!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon