Warren's POV
Di ko namalayang nakatulog na pala si Eulogia sa balikat ko. Mukhang napagod siguro siya sa mga nangyare nitong mga nakaraan.
"Manang, pakiayos na po ang higaan ni Eulogia" Agad naman itong kumilos, napatitig ako sa mukha ni Eulogia, napakagandang babae. Parang angel, kaso may pagka demonita ang ugali. Tch.
"Hijo" Napabalikwas ako sa pagkakaupo ko ng dahil sa pagtawag sa akin ni tito Geo. "Baka naman matunaw na ang unica ija ko" Usal ni tito habang pababa nakangiti ng nakakaloko.
"Hijo, kung okay lang sayo, dito ka nalang muna matulog at tabihan... I mean bantayan mo muna si Eulogia" Seryoso niyang sabi. As if namang humindi pa ko. Si Eulogia na yun e.
"Sir. Okay na po" Sabi ni manang at saka bumalik sa ginagawa niya.
"Sige po tito" Tumango ito at saka lumapit sa aakin at bumulong "Call me dad, ang boring ng tito" Napangiti ako dahil sa sinabi niya sakin.
"Oh siya hijo, iakyat mo na muna si Eulogia sa kwarto niya at may appointment pa ko bukas" Agad na itong umakyat sa kwarto niya, Inakyat ko na din si Eulogia habang nakaalalay sa likod ko ang ilan sa mga katulong nila.
"Sir Warren, dito nalang po" Turo niya sa kwartong katabi ng kwarto ni tito Geo.
Nilapag ko na siya.
Hays. Ano ba naman tong babaeng to. Taga buhat nalang ba talaga ako sa buhay mo.
"Manang, meron po ba kayong shirt na kasya sa akin or what?"
"Nako sir meron po. Binili ni sir geo noon. Ihahanda ko nalang po dito. Maiwan ko na po kayo" Tumango nalang ako.
Lumapit ako kay Eulogia at binigyan siya ng halik sa noo.
At saka ako pumasok ng cr upang maligo.
------
Eulogia's POV
Nagising ako sa pagbukas ng pinto at tunog ng yapak ng isang pares na paa.
Dahan dahan kong minulat ang mata ko.
O___O Wtf!
"Kyaaaaaaaaaaaaaah" Pinagbabato ko siya ng unan na mahawakan ko.
"ANO BA EULOGIA!" Sigaw din ni Warren habang nagmamadaling isuot yun at isa isang iniiwasan ang mga unang binabato ko.
"BAKIT KABA NASA LOOB NG KWARTO KO!" Sigaw kong muli sa kanya habang nakatalukbong ng kumot.
Kinikilabutan ako, tumataas lahat ng balahibo ko sa katawan. Damn this boy.
Alam niyo kung bakit?
Nakatalikod kasi si Warren at nagsusuot ng BRIEF nung makita ko and you know what? It's color VIOLET !!!
"EDI AALIS NA KO. MAGSU-SUOT LANG AKO NG DAMIT!" Sigaw niyang muli.
"MAY CR NAMAN, BA'T DITO KAPA NAGBIBIHIS!?" Gigil kong sigaw sa kanya.
"MALAY KO BANG NAGTUTULOG TULUGAN KA JAN!" Sigaw ni Warren na may halong panunukso.
"LUMABAS KA NA NGA!" Sigaw ko at saka umalis sa ilalim ng kumot.
"Dito ako matutulog." Determine niyang sabi.
"And, sino kaba sa tingin mo Warren?" Diretsyo kong sabi habang nakatingin sa naka poker face niyang mukha.
"Your future husband" Diretsyo niya ding saad.
Di ko alam pero bigla nalang akong natameme at di makagalaw sa kinauupuan ko.
"Fine, pero may unan sa gitna" Tumango nalang siya bilang sagot.
Umaayos na ko ng higa.
Pareho kaming nakaside at magkatalikod-an.
After 10 minuteees.
Ramdam kong bumaling ng higa si Warren.
"Eulogia" Akala ko tulog na to. Kagulat.
Di ako umimik at nakiramdam lang.
"Di mo ba alam na mahal talaga kita" Saan ba to kumukuha ng lakas ng loob para sabihin ang mga salitang yan.
"Kaso, mukhang di mo na talaga ko mapapatawad" Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binibitawan niya.
"Hayaan mo, simula bukas. Iiwas na ko sayo. Hahayaan na kita. Kakausapin ko na si tito Gio na... Itigil na ang ugnayan nating dalawa" Di ko alam, pero kusa nalang bumagsak ang luha sa mga mata ko.
After niyang bitawan ang mga salitang yun. Ay wala na kong ibang narinig pa.
Kinabukasan...
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.
Expected na di totoo ang lahat ng narinig ko kagabi.
Nilibot ng mata ko ang kabuoan ng kwarto ko.
Wala ng Warren.
Wala na yung mahal ko.
Pero napako ang mata ko sa sulat na nasa ibabaw ng lamesa.
Eulogia,
Good morning beautiful, aalis na muna ko medyo matatagalan. Alam ko namang wala ka ng pake alam o nararamdaman pa sakin dahil sa lahat ng sakit na naidulot ko sayo, Im so sorry for all the mistakes I've done to you. Sa lahat ng pagkukulang ko. Always remember, mahal na mahal kita. Pag dumating yung oras na handa kana. Sana di pa ko pagod na antayin ka. I love you my hope to be future wife...Love,
WarrenUnti unti ng pumapatak ang luha sa mata ko.
Agad kong kinuha ang phone ko at may 3 messages dun, pero wala ang message na hinahanap ko.
Kakapanghina.
From: Jusyl.
Gia, di ko pala nasabi sa inyo na dito na ko titira sa parents ko. Paki sabi nalang sa kanila. Kasama ko pala si mark pati ang parents niya.From: Grace
Eulogia, paki sabi naman sa friends natin na dito na ko sa US ngayon. Magse-settle na kami ni Andrew. I know were young pero wala e. Kamusta mo ko sa kanila ha? Imissyou.From: Mommy.
Hija, 2pm ang lipad ni Warren.What? Lipad?
Wala ng ligo ligo at bihis bihis. Agad na kong tumakbo pababa sa garage na bahay.
"Ija, saan ka pupunta?" Gulat na tanong ni dad.
"Hahabulin ko si Warren dad. I really love him. Kagabi ko lang narealized na di ko pala kaya ng wala siya" Niyakap ako ni dad at di ko na mapigilang umiyak ng umiyak.
"Sorry ija, nakaalis na ang eroplanong sinasakyan ni Warren, Hayaan nalang natin ang desisyon niya. Babalik din siya after a days, months or even a year. Sobra lang sigurong nasaktan si warren sa pambabalewala mo" Mas lalong humigpit ang yakap ko kay dad, "Di natin masisi si Warren kung bakit naging ganyan ang desisyon niya"
Totoo nga sigurong kinausap na niya si dad.
Wala na kong ibang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak maghapon. Don't have appetite, don't want to do something. Ang gusto ko lang mapagisa.
-----
Hello bengs, sorry sa late update.. Huhuhu busy masyado e, daming ginagawa sa school.
So ayon, salamat sa maraming suporta kahit medyo di maganda ang story.. Hahaha first time ko to mga mylvs na petmalu.
Thank you again.
Wait for the next chapter...
![](https://img.wattpad.com/cover/87161165-288-k731197.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Arranged Married With Mr. Suplado
RomansaNasusukat ang pagmamahal sa dami ng pagsubok na sumusubok sa isang relasyon. Eulogia isang sa mga suplada at heart breaker nang campus nila, ngunit paano niya mapapanindingan ang pagiging HEARTBREAKER kung sa isang Warren Harris Deogracia, ay agad...