03 Bulletproof

20 1 0
                                        

"Please give a round of applause for our university's gem, Bulletproof Boy Scouts!" umingay naman ang buong gym at napuno ng sigawan at hiyawan nang lumabas kami isa isa at nagsimula nang pumwesto sa entablado. Nagsimula namang tumugtog ang kanta na isasayaw namin.

We all gave our 100% percent when performing, hindi na nga namin alam na malapit na palang matapos ang sayaw namin. That's the joy and art in dancing, you got so captivated by it, ang puso mo mismo ang sumasayaw at sumasabay ang katawan mo dito.

Napunong muli nang dagundong ang buong gym and I smile wide at sabay sabay kaming nagbow pagkatapos ng performance. This feeling of doing your passion and people acknowledge it as something to get applaud at. We just hope that by doing the things we love, we inspire other people to do same, to get driven by their passion.

"Kaya naman pala sila ang tinatangi ng university natin partner, their dance almost blew me away!" bumalik naman sa stage ang mga MC ng orientation sa mga freshman na event ngayong araw. Doon naman ang cue namin para bumababa nan g stage. Sinalubong naman kami ng nakangiting si Sir Agust, sya ang bumuo saming pito dahil pare-pareho kaming mga estudyante nya ng PE noong freshman kami, dahil kasama sa curriculum nya ang group dance and the rest is history.

"Ang mga paborito kong students!" natatawang bati nito samin at isa-isa kaming binati ng mabilis na yakap.

"Kami lang naman mga estudyante mo A," sagot naman sa kanya ni Cody, tignan mo tong isang to, A nalang ang tawag sa professor naming, dahil din sa closeness naming lahat kaya tinawanan lang sya ni Sir.

"Wala ka talagang galang!" at binigyan ni sir si Cody ng mahinang batok sa ulo.

"Masanay kana sa kanya Sir," natatawang sabi ni Alex, sabay sabay naman kaming nagtawanan habang palabas nang gym.

Nagtreat ng tanghalian si sir at napuno ang hapag-kainan ng mga kwento at tawanan. Magkakapatid na ang turingan namin at si Sir Agust ang tumatayong pinakamatandang kuya samin, sya rin ang nag-tetrain samin sa mga bagong choreography at madalas kami magkakasama magbrainstorm ng mga dance moves.

Pagkatapos ng lunch out namin ay dumiretso kami sa practice room, natapos na ang nauunang event pero kailangan naming mag-ensayo para sa susunod na imbitasyon galing Saint Louis Academy.

Pagpasok namin ay mayroong dalawang babae na naghihintay samin doon. Fangirls?

Sabay na napasinghap si Nathan at yung isa sa mga babae.

"Emeged nemen, eng gwepe Zoe," parang namimilipit naman na bati samin nung babaeng napasinghap, technically di sya nakatingin sa'kin, kay Seb. Pinaikot lang nung isang babae ang mga mata nya at di na pinansin ang sabi ng kasama.

"Mind her manners bros, she tends to do that when she sees Sebastian," nakangising sabi ng kasama nya, para namang nahiya ng konti ang isa lalo ng natawa si Seb na nasa tabi ko. Teka, pamilyar yung ngisi na yun ah. Ngising alam mong di maganda ang kalalabasan.

"So, Column, I'll go straight to the point why we're here," binaling nito ang ngisi nya kay Column at may inabot na papel, "I'm aware sa invitation nyo for a performance sa Saint Louis Academy, and also nakausap na ako ni Prof. Mallari regarding sa attendance nyo for the event. Mayroon lang konting changes sa flow ng programme, instead of staying overnight, napalitan ito ng two days. So, Prof. Mallari can't accompany you two days straight, she asked me to take place for her and I said yes," tuloy tuloy nitong saad at tumatango naman si Column, there's something about this girl, I know her and the same time, diko sya maalala.

"I think wala namang problema doon," sagot sa kanya ni Column, "Mayroon bang additional na performace?" tanong sa kanya ni Column habang binabasa ang papel na inabot sa kanya nung babae.

"Isang performance, morning ng second day, more of a contemporary one, Jimin's specialty right?" binaling nya ang atensyon sa nakikinig na Jimin at ngumiti naman si Jimin dito. How come she knows that? Ngayon palang naming nakausap 'tong babae na ito pero parang kilala na nya kami. That's absurd. Nagpahinga naman sa gilid ang iba kong kasama. I stood there, just listening, trying hard to analyze this girl.

"Wala namang conflict doon, kaya ni Jimin mag-insert ng additional performance sa umaga," nagsign naman ng "okay" si Jimin sabing "Call."

Tumango naman ang babae, nag-iwas ako bigla ng tingin ng bigla nya akong pasadahan ng tingin nya. Bat ako umiwas? Anong mali kung makita nya akong nakatingin sa kanya?

"We met again, Elizalde," napalingon ako sa kanya ng sabihin nito ang surname ko.

Then it hit me.

Sya yung babae noong isang gabi! Yung muntikan na akong sapakin!

Napangisi ito sakin nang nahalata nyang nabigla ako.

"You know each other?" di makapaniwalang tanong ni Nathan, "Akala ko ba di mo sya kilala?" dagdag pa nito. Hindi ako agad nakasagot kaya yung babae ang nagsalita.

"It seems like ako lang kilala sya, at hindi nya ako maalala," sagot naman nya kay Nathan, napangiting parang aso si Nathan ng tinapunan sya ng tingin ng babaeng 'to.

"I'll leave you with it, Column," nagbow naman ito ng kaunti para bang nagpapaalam sa paraang diko alam. (P.S. How Koreans greet other people as a sign of respect) Isa-isa syang nagbow samin at huli ako doon. Nginisian muna nya ako bago hinila ang kasama nyang nakapako padin ang tingin kay Seb.

Nanatili akong nakatayo doon, dumbfounded, processing ang utak.

"Seryoso? Loading kapa din?" tanong ni Nathan sakin at kumunot ang noo ko. Inirapan ako neto, takte ang bading nyang tignan.

"Sya ang mylabs ko!" di makapagpigil na sigaw nito sa'kin.

Mylabs nya? Yung?

"Zoe Andromeda, University President, mylabs poreber," pagpapaliwanag ni Nathan. At doon nagsink in lahat.

"Yun yung Zoe Andromeda?" tanong ko sa kanila.

"The one and only," sabi ni Nathan.

"Kakasabi nya lang, idiot," sabay na sabi din ni Cody na nakatutok sa phone nya ngayon.

Sya yung babaeng yon? Parang nag-echo sa mga tenga ko ang pagtawag nya sa apelyido ko. Naalala ko yung gabing yon, yung halos masakal na nya ako at napahawak ako sa likuran ko. Yung sipa nyang nagpatilapon sa akin.

"Para kang sira," bulong ni Alex sa tenga ko ng daanan ako nito.

The university president did that to me? What the hell.


LighthouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon